top of page
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | Enero 19, 2024



ree

 

Hello, Bulgarians! Ang mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ay nakatakdang magtamasa ng dobleng savings at mas mataas na cash loan entitlements habang patuloy na may access sa abot-kayang home loan dahil ang ahensya ay nakatakdang dagdagan ang halos apat na dekada na mandatory monthly savings para sa parehong mga miyembro at kanilang mga employer simula Pebrero 2024, ayon sa pahayag ng mga opisyal noong Miyerkules, Enero 17.


Sa ilalim ng bagong rate ng ahensya, ang buwanang ipon ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund para sa share ng empleyado at ng employer ay tataas sa P200 bawat isa mula sa kasalukuyang P100. Kasunod ito ng pagsasaayos sa maximum monthly compensation na gagamitin sa pag-compute ng kinakailangang 2% na ipon ng empleyado at 2% na share ng employer para sa mga miyembro ng Pag-IBIG Fund, na tataas na ngayon sa P10,000 mula sa kasalukuyang P5,000.


“We at Pag-IBIG Fund have long recognized the need of our members to have higher savings that shall provide them with decent and fair returns upon their retirement, as well as higher cash loans to help them during times of need. By implementing the new Pag-IBIG Monthly Savings Rates of both members and employers originally scheduled in 2021, not only would we be able to improve the benefits of our members, we would also be better equipped to finance the growing demand for home loans of our members while maintaining our affordable rates. All these are in line with the call of President Ferdinand Marcos, Jr. to provide Filipino workers with opportunities to gain comfortable and productive lives,” pahayag ni Secretary Jose Rizalino L. Acuzar, na namumuno sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at sa 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.


Ang mga bagong buwanang rate ng Pag-IBIG Fund ay una nang inaprubahan ng Board of Trustees nito noong 2019, matapos makuha ang pagsang-ayon ng mga stakeholder na magpatupad ng nakatakdang pagtaas noong 2021. Sa panahong iyon, nakita ng ahensya na kailangan ang pagtaas dahil sa inaasahang halaga ng mga pautang na kalaunan ay hihigit sa kabuuang koleksyon mula sa parehong mga pagbabayad sa loan at savings ng mga miyembro. Gayunpaman, dahil sa pandemya ng COVID-19 noong 2021 at 2022, ipinagpaliban ng Pag-IBIG Fund Board ang pagtaas ng savings rates ng ahensya.


Muling ipinagpaliban ng ahensya ang pagpapatupad ng pagtaas noong 2023, kasunod ng kahilingan ng Employers’ Confederation of the Philippines (ECOP) na bigyan ng panahon ang business community para lalo pang makabangon mula sa patuloy na mga hamon sa pananalapi dahil sa krisis sa kalusugan. 


Ang pagpapaliban ay tugon din ng Pag-IBIG Fund sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. noong unang bahagi ng nakaraang taon, na pagaanin ang pinansyal na pasanin ng kapwa Pilipino dahil sa umiiral na socio-economic challenges na dala ng COVID-19 pandemic.

 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | Enero 12, 2024



ree

 

Hello, Bulgarians! Ang Aklatang Balmaseda ay isang espesyal na aklatan na tumutugon sa mandato ng KWF hinggil sa patuluyang pagpapaunlad, pagpapayaman, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas.


Nangangalaga ito ng mga aklat pangwika, pangkultura, pampanitikan, at iba pang mahalagang koleksiyong Filipiniana. 


Ipinangalan ito sa dating direktor ng Institute of National Language (INL) na ngayon ay Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) mula 1938 hanggang 1947 na si Julian Cruz Balmaseda, bilang pagkilala at pagtanaw sa kanyang mga nagawa at naiambag sa larangan ng Filipino.


Ito ay may mahigit 5,000 printed collection, kasama rito ang Koleksiyong Balmaseda, Koleksiyong Villanueva, Aklat ng Bayan, mga sanggunian, at iba pa. Maaari ring ma-access ang mahigit 700 e-books online sa library.kwf.gov.ph.


Matatagpuan ito sa BFB Building, 1575 JP Laurel St., Cor. Matienza, Brgy. 640, Malacañang Complex, San Miguel, 1005 Manila.


Maaaring bumisita at magsaliksik mula Lunes hanggang Huwebes, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Lunes hanggang Biyernes naman ang online na serbisyo nito sa kaparehong oras. 


Para sa iba pang katanungan, makipag-ugnayan sa https://library.kwf.gov.ph/

 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | Enero 9, 2024



ree

Hello, Bulgarians! Nagpahayag ng suporta ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa plano ng Pag-IBIG Fund na taasan ang halos apat na dekada nang mandatory monthly savings rate para sa mga miyembro at kanilang mga employer simula Enero 2024.


Sa liham nito sa Pag-IBIG Fund, inulit ng TUCP ang posisyon nito noong 2019 na sumusuporta sa planong pagtaas ng ahensya. Ang unyon ay isa sa pinakamalaking organisasyon ng manggagawa sa bansa at binubuo ng 27 labor federations na kumakatawan sa mga manggagawa sa pribado at pampublikong sektor, seafarers, Overseas Filipino Workers (OFWs), at mga manggagawa mula sa impormal na sektor.


“The TUCP believes that the adjustment in the savings rates will double the amount of members’ maturity claims, as well as other important benefits of Pag-IBIG (Fund) members, such as cash loans, calamity loans and housing loan entitlements. In addition, an adjustment is necessary to restore the lost real value of the P100 minimum contribution which was set all the way back in 1986,” pahayag ni Atty. Raymond Democrito T. Mendoza, na nagsisilbi bilang Pangulo ng TUCP at Deputy Speaker ng House of Representatives.


“The TUCP also recognizes the pivotal role of the Pag-IBIG Fund in ensuring continued access to affordable housing loans. Increasing the rates shall enable the (Pag-IBIG) Fund to sustain its affordable home loan interest rates,” dagdag pa ni Mendoza.


Sa ilalim ng bagong savings rates ng Pag-IBIG Fund, ang pinakamataas na buwanang kompensasyon na gagamitin sa pag-compute ng kinakailangang dalawang porsyento (2%) na ipon ng empleyado at dalawang porsyento (2%) na bahagi ng employer ay tataas sa P10,000, mula sa kasalukuyang P5,000. Dahil dito, ang buwanang ipon ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund, para sa bahagi ng empleyado at ng employer, ay tataas sa P200 mula sa kasalukuyang P100.


Samantala, nagpahayag naman ng pasasalamat si Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta sa suporta ng TUCP. Tiniyak niya sa mga miyembro ng trade union federation at Pag-IBIG Fund ang mas magandang benepisyo habang naghahanda ang ahensya na ipatupad ang bagong rate.


“We thank the TUCP for supporting our plans, and for recognizing that raising our monthly savings rates will allow Pag-IBIG Fund to continue to provide affordable home loans to its members in the coming years. It is also important to note that the increase in our monthly savings rates shall benefit our members the most because every peso they save will go to their Pag-IBIG Savings. Under our new rates, they will have higher Pag-IBIG Savings that earn annual dividends, which they shall receive upon membership maturity or retirement. And, because of their higher savings, they shall also be entitled to higher multi-purpose and calamity loan amounts to help them with their financial needs,” diin ni Acosta.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page