top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Fely Ng - @Bulgarific | November 23, 2022




Hello, Bulgarians! Nagdaos kamakailan ng press conference para sa Economic and Financial Literacy week celebration ang DepEd NCR sa pakikipagtulungan ng 1986 Summerhouse Publishing na ginanap sa DepEd-NCR Conference Hall sa Misamis St., Bago Bantay, Lungsod ng Quezon. Layunin ng programa na mapabuti ang diskarte sa pananalapi ng mga mag-aaral, guro at empleyado sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga konsepto sa pananalapi sa mga lugar ng pag-aaral at nagbibigay ng pagkakataong sa propesyunal na pag-unlad.


Binuksan ang programa sa pagkilala sa mga nakilahok ng nasabing event sa pangunguna ni Laiza D. Lagarto, Program Manager NEAP Recognized Professional Development (PD) Program on Financial Literacy and Development for teachers and school leaders. Kabilang sa dumalo sina CESO III Regional Director, Wilfredo E. Cabral at Hon. Jose Manuel F. Alba, First District Representative ng Bukidnon na nagbigay ng kanilang mga inspirational message, maging si Department of Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos, Jr. ay nagpadala ng mensahe sa nasabing okasyon.


Samantala sa kanyang inspirational message, nabanggit ang pangyayari kung saan natulungan ang ginang upang madagdagan ang pumapasok na kita para sa pamilya sa pamamagitan ng pagtanggap ng ekstrang trabaho, na sa huli ay nabalewala ang solusyon at nauwi pa rin sa pangungutang. “Kahit araw-araw tayo mag-financial literacy training, if there is no substantial change in our financial behavior, nothing will change”, pahayag ni Hon. Jose Manuel F. Alba.


Sa kalagitnaan ng programa, ginanap ang conference proper tungkol sa pag-aaral, datos at natuklasan tungkol sa Financial Literacy sa bansa, na pinangunahan ni Ryan M. Nojadera, Program Manager NEAP Recognized Professional Development (PD) Program on Financial Literacy and Development for teachers and school leaders. Kung saan malayang tinalakay, naitanong at sinagot ang ilang problemang kinahaharap ng bansa ng dahil sa kakulangan ng bawat isa sa kaalaman at maling gawi sa pagpapalagong pampinansyal.


Nagtapos ang conference na umaasang, lahat ng kalahok ay may natutunan at “Maging Bahagi sa Pag-unlad” ng ekonomiya at pababago sa usaping pampinansyal ng bansa.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | November 17, 2022




Hello, Bulgarians! Inihayag ng mga opisyal ng Pag-IBIG Fund noong Lunes (Nobyembre 14), na nakaipon ang mga miyembro nito ng higit sa P66 bilyon sa nakalipas na 10 buwan, mula Enero hanggang Oktubre at sinira ang rekord para sa lahat ng naunang bilang ng buong taon. Ang mga ipon na nakolekta ngayon sa taong ito ay lumago ng 27% mula sa parehong panahon noong 2021 at nalampasan ang buong taon sa kasaysayan ng ahensya kabilang ang nakaraang taon, nang makakolekta ito ng P63.67 bilyon,


“Pag-IBIG Fund has again set another record-high, this time in its members savings collections. It speaks well of the trust that our members and stakeholders have in our capability to manage their savings excellently and prudently. With more funds, Pag-IBIG remains in a strong position to finance its programs, particularly its home loans, while keeping interest rates on its loans low. All these are part of our efforts in support of President Ferdinand Marcos Jr.’s call for providing a better life for all Filipinos,” pahayag ni Secretary Jose Rizalino L. Acuzar, namumuno sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at sa 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.


Samantala, sinabi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta na ang MP2 Savings ay patuloy na nagpapakita ng kapansin-pansing paglago, dahil nagtala ito ng 57% na pagtaas mula sa P21.43 bilyon na nakolekta sa parehong panahon noong nakaraang taon.


“The dramatic growth of our MP2 Savings started in 2016, when collections first breached the P1-billion level. We are happy to note that this year is even more remarkable as the P33.72 billion collectively saved by our members during the first 10 months of the year has already well surpassed the entire year’s record-high collection of P25.95 billion in 2021. We thank our members for their continued trust in Pag-IBIG Fund. And, with only a few weeks remaining before the year ends, we assure our members that we are doing all that we can to provide them the best return rates on every hard-earned peso they have saved with us. That is our way of providing them Tapat na Serbisyo, Mula sa Puso,” dagdag ni Acosta.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | November 12, 2022




Hello, Bulgarians! Ang mga pribadong ospital ay maaaring italaga ng gobyerno upang bumili at mangasiwa ng mga bivalent vaccines laban sa COVID-19. Ito ay iminungkahi ni Go Negosyo founder Joey Concepcion. Natatayang limitado lamang ang mga bivalent vaccines na maipamimigay ng gobyerno kung isasaalang-alang nito kung magkano ang mabibili at ilan ang maihahatid na bakuna. Ang bivalent vaccine ay kayang magbigay ng malawak na proteksyon laban sa COVID-19 at mas mahusay na proteksyon laban sa omicron variant.


“Ang 10 milyong dosis, o gaano man kalaki ang bilhin ng gobyerno ay unang ilalaan sa matatanda, immunocompromised at may comorbidities; ngunit maaaring may iba pa sa labas ng mga prayoridad na sektor na ito na nais ding mabakunahan ng bivalent vaccines," sabi ni Concepcion. Aniya, lahat ng pribadong ospital ay may kayang mag-handle ng mga bakuna at lahat ay maaaring makipagkasundo sa gobyerno upang makabili ng bivalent vaccines.


Si Dr. Benjamin Co, Chief Medical Officer ng Metro Pacific Hospital Holdings ay sumang-ayon sa panukala ni Concepcion. “I think the best option is to make it available for a fee or at cost. For those who can very well afford it, they can get it from private clinics that offer this and we can charge an administration fee plus the cost of the vaccine," sabi niya.


Ayon kay Vaccine Experts Panel member Dr. Rontgene Solante, na siya ring tagapangulo ng Adult Infectious Diseases at Tropical Medicine sa San Lazaro Hospital, maiibsan ng pagtulong ng mga pribadong ospital ang pasanin sa gobyerno upang mas matutukan nito ang mga sektor na mas nangangailangan. "Private sector involvement is another important layer to achieve higher vaccine accessibility and coverage," sabi ni Dr. Solante.


"This is critical especially with waning interest in booster doses of COVID-19 vaccines. Government should always find ways to engage with the private sector, which has been an important partner of DOH during the pandemic.”


"Kung wala pang CPR, ang pagbabakuna ng bivalent vaccines ay maaari pa ring gawin sa pamamagitan ng tripartite agreement, tulad ng ginawa namin noon, ngunit sa pagkakataong ito ay mga pribadong ospital ang kasali," sabi ni Concepcion.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page