top of page
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | Pebrero 16, 2024


Hello, Bulgarians! Naglabas ng mahigit P257 milyon ang PhilHealth bilang paunang pondo para sa mga Primary Care Provider Networks (PCPNs) upang lalo pang palakasin ang primary care benefit nito na kilala bilang Konsulta o Konsultasyong Sulit at Tama Package.


Ayon kay PhilHealth President and CEO Emmanuel R. Ledesma Jr., malaking tulong ito sa mga accredited Konsulta facilities sa ilalim ng mga partner networks upang tiyakin ang kahandaang magsilbi sa mga pasyenteng nag-a-avail ng mga serbisyo ng Konsulta mula konsultasyon, health screening at assessment, at pagbibigay ng angkop na gamot at laboratory batay sa rekomendasyon ng kanilang Konsulta provider.


Sa kasalukuyan ay apat sa unang pitong PCPN sa ilalim ng sandbox setting ang nakatanggap na ng nasabing pondo mula sa PhilHealth. Ang mga ito ay ang Quezon Province, P72.9 milyon; South Cotabato, P53.9 milyon; Bataan, P114.7 milyon; at Baguio City, P15.9 milyon.


 “Ang mga pondong ito ay in-advance na natin bago pa man nila ibigay ang mga serbisyo. Sa ganitong paraan ay magagamit nila ito para ihanda ang mga pasilidad na pagsilbihan ang mga pasyente lalo na mula sa mga malalayo at mahihirap na komunidad,” paliwanag ni Ledesma.


Naglaan ang PhilHealth ng P30 bilyon ngayong taon upang paigtingin ang pagpapatupad ng Konsulta sa mas marami pang networks at para mailapit ang Konsulta sa marami ring rehiyon lalo na sa mga geographically isolated at depressed areas.


Nakikilahok din kami sa LAB for ALL o ‘Laboratoryo, Konsulta, at Gamot para sa Lahat’ Caravan ng Unang Ginang Liza Araneta Marcos para mapalakas pa ang Konsulta,” sabi pa niya. 


Sa unang 17 caravan na ginanap sa iba’t ibang bahagi ng Luzon at National Capital Region noong 2023, may kabuuang 14,000 benepisyaryo na ang nabigyan ng serbisyo at nakapag- konsultasyon sa mga primary care physicians.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | Enero 29, 2024



ree

Hello, Bulgarians! Nanguna ang Meralco, isa sa mga kumpanya sa ilalim ng pamumuno ni Pangilinan, sa ginanap na ika-20 Philippine Quill Awards pagkatapos nito mag-uwi ng 28 na awards para sa mga programa ng kumpanya na nakatuon sa pampublikong serbisyo, sustainability, at innovation sa pamamagitan ng epektibong komunikasyon.

 

"Ang mga pagkilalang ito ay nagsisilbing inspirasyon sa buong Meralco na lalo pang paghusayan ang aming mga programang pampublikong komunikasyon para makapaghatid ng mas magandang serbisyo sa publiko,” ani Meralco Vice President at Head ng Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga.

 

Tanging ang Meralco pa lamang ang nakapagkamit ng karangalan na maitanghal na “Company of the Year” sa loob ng tatlong magkakasunod na taon. Sa katatapos lamang na pagpaparangal, itinanghal ang Meralco na 1st Runner Up.

 

Ang Philippine Quill Awards ay pinapangunahan ng International Association of Business Communicators Philippines at itinuturing na isa sa pinakaminimithing parangal ng mga kumpanya sa larangan ng komunikasyon. Kinikilala nito ang husay at dedikasyon ng mga kumpanya sa pagpapatupad ng mga programang nagpapakita ng mahusay at epektibong komunikasyon sa iba’t ibang industriya.

 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | Enero 25, 2024



ree

 

Hello, Bulgarians! Matapos makakuha ng suporta mula sa grupo ng manggagawa at employer, nakatanggap din ng pagsang-ayon ang Pag-IBIG Fund mula sa Kapisanan ng mga Kamag-anak at Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc. (KAKAMMPI), Kabalikat ng Migranteng Pilipino, Inc. (KAMPI), Kaibigan ng mga OCWs, at ilan pang grupo ng OFW.


“We support unequivocally Pag-IBIG Fund’s proposal to increase the contributions of its members. An increase in contributions is definitely a step towards the right direction as this would mean more funds that could be employed for the benefit of members seeking to apply for home loans and short-term loans. Not only is it timely, but more importantly, it is the right thing to do,” sabi ni Luther Calderon, na nagsisilbing presidente ng KAMPI.


Sa kanilang mga liham na ipinadala sa Pag-IBIG Fund, sinabi ng mga grupo ng OFWs na ang bagong Pag-IBIG monthly savings rates ay magbibigay-daan sa mga miyembro na mapabuti ang kanilang mga benepisyo at mas mapaghandaan ang hinaharap.


Sa ilalim ng bagong savings rates ng Pag-IBIG Fund, ang pinakamataas na buwanang kompensasyon na gagamitin sa pag-compute ng kinakailangang 2% na ipon ng empleyado at 2% na bahagi ng employer ng Pag-IBIG Fund member ay tataas sa P10,000, mula sa kasalukuyang P5,000. Bilang resulta, ang buwanang ipon ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund, para sa share ng empleyado at employer, ay tataas sa P200 bawat isa mula sa kasalukuyang P100.


Samantala, nagpahayag naman ng pasasalamat si Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta sa suporta ng OFW groups at nagbigay ng katiyakan na ang mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ay makakatanggap ng mas magandang benepisyo sa ilalim ng bagong rates ng ahensya.


“We thank the KAKAMMPI, KAMPI, Kaibigan ng mga OCWs and all other OFW groups for their support and sharing in our efforts to improve the benefits received by our members, including our fellow Filipinos working overseas, by increasing our monthly savings rates,” pahayag ni Acosta.


“We at Pag-IBIG Fund recognize the aspirations of our fellow Filipinos working overseas of providing a better life and future for their families. That is why we assure our OFW members that the increase in the Pag-IBIG monthly savings rates shall mean better benefits to further help them pursue their dreams.  Under our new rates, members shall have higher Pag-IBIG Savings that earn annual dividends, which they shall receive upon membership maturity or retirement, as well as higher multi-purpose and calamity loan amounts to help them with their financial needs. This shall also allow us to continue offering affordable home loans and provide them better opportunities to gain a home of their own,” dagdag pa ni Acosta.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page