top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | March 9, 2023



Hello, Bulgarians! Avid fan ka ba ng Star Wars, Marvel, DC, Game of Thrones, Harry Potter, Anime at iba pang pop culture genres? Isang bonggang VIP Grand Launch ang ginanap noong Marso 7, 2023 na dinaluhan ng mga bigating personalidad sa pinakabago at kakaibang museum na dadalhin ka sa iba’t ibang dimensyon na tiyak ikasisiya ng mga bibisita rito, na matatagpuan sa Japan Town 4/F Glorietta Mall, Ayala Center Makati.


Kasunod ang pagbubukas nito sa publiko kahapon, Marso 8, 2023, mula alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-9:00 ng gabi, tiyak na araw-araw dudumugin ng masa dahil sa kakaibang bentahe at atraksyong makikita rito, na masasabing pang-internasyonal, kung saan naka-exhibit ang mahigit 5,000 memorabilla items ng personal collection ni Mr. Ryan Bonifacio Sison, Executive Publisher ng pahayagang Bulgar.


Matatagpuan sa loob ng 3,500sqm. ang iba’t ibang portals ng mga paboritong iconic fictional characters tulad ng Star Wars, Jabba The Hut, AT–ST, Aquaman, Wonder Woman, Superman, Justice Hall, Marvel, Iron Man, Batman, Arkham, Dark Tales (Hellboy), Horror Cemetery, Anime, Game of Thrones, Lord of the Rings, Harry Potter, The Light, The Dark, Desert Bounty, Forest Moon, King of the Seas, Goddess of Truth, The Last Son, League of Heroes, Heroes Assemble, The Mechanic, Dark Knight, Asylum, Paranormal Study, The Yard, animeshon, (The)Seven Kingdoms, Middle Earth at Hall of Magic.


Ang nasabing museum ay kombinasyon ng entertainment at edukasyon, na nasa ilalim ng Philippine Amusement and Entertainment Corporation (PAEC) sa pamumuno ni President and CEO Dr. Lawrence Li Tan, kasama ang Food Wanderer X Lakbay Museo, Tales of Illumina, Dream Lab, Whimsical Wonderland at Museum Of Emotions, na bukas para sa mga educational tours, corporate events at photo shoots. Para sa karagdagang detalye at impormasyon, maaaring bisitahin ang kanilang website www.amusements.global/omniversemuseum; facebook page @omniversemuseum o tumawag sa mga numerong 09150091034 / 09178421131 para sa mga tanong at paglilinaw.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | March 6, 2023





Hello, Bulgarians! Nang tumama ang pandemya, pansamantalang tumigil ang mga on-ground event tulad ng mga konsyerto. Sa kasalukuyan, ang mga concert, festival or mga live event sa pangkalahatan ay muling narito. Ang malalaking pagdiriwang ay hudyat ng mas malawak na trend na ang mga party-goers ay handa ng mag-party, at ang mga millennial at Gen-Z ay makakaranas muli ng mga live na kaganapan! Bilang karagdagan, ang mga brand ay mamumuhunan at magbibigay ng strategic importance sa Music Marketing. Alinsunod dito, nahuhulaan ng PraXis na ang iba't ibang media ay magtatagpo kasama ang Music Marketing.


"We believe that music has the power to break down barriers and bring people together," sabi ni Gladys Basinillo, ang utak sa likod ng Fusion at CEO and Founder of media agency Intersections and experiential agency Praxis, "and that's precisely what Fusion aims to do."


Mula noong 2022, ang PraXis at Intersections ay naghahanda na upang lumikha ng mas matatag na Fusion dahil nakatakda itong gumawa ng isang epic comeback sa Mayo 27 sa SMDC Festival Grounds. Ang original team ng Fusion noong 2015-2017 ay nagbalik, kasama ang Synchronize 11 Events and Talent Management bilang producer, FOH, Prophets bilang security partner, top network Manila Broadcasting Company bilang activation at media partner, at siyempre, ang award-winning at hinahanap na direktor ng konsiyerto, na si Paul Basinillo.


Itatampok din ng Fusion ang malawak na hanay ng mga pagpipilian sa pagkain at inumin, mga booth ng merchandise, at mga aktibidad. Ang programa ng konsyerto ay upang itampok ang iba't ibang mga segment na may bagong konsepto at pakikipag-ugnayan sa pagganap upang makapaghatid ng nakaka-engganyo at kasiya-siyang karanasan para sa lahat ng mga dadalo.


Sa taong ito, ang pagdiriwang ay naglalayong magkaisa ang bansa upang magsama-sama bilang isa. Dahil naniniwala ang PraXis at Intersections na ang musika ay may kapangyarihang sirain ang mga hadlang at pagsamahin ang mga tao. Gayunman, ang Fusion 2023 ay higit pa sa isang pagdiriwang ng musika; ipinagdiriwang nito ang kalayaan.


Gaganapin ang nasabing event sa venue partner O2 Rooftop Bar, 27th Floor, The Residences, Taguig. Ang mga Ticket para sa Fusion: The Philippine Music Festival ay magiging available sa Marso 27 sa SM Tickets. Samantalahin ang pagkakataong maging bahagi ng pinakamalaking pagdiriwang ng musika ng taon! Fusion 2023, Ang Pista ng Musika ng Pilipinas. Mayo 27 sa SMDC Festival Grounds. Sundan ang https://www.facebook.com/fusionphilippinemusicfestival para sa karagdagang impormasyon.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | February 25, 2023




Hello, Bulgarians! Sabi nga nila, “charity begins at home.” Ginanap kamakailan ng MR.D.I.Y. A-OK (Acts of Kindness) campaign ang isang masarap na media luncheon sa Myons Cuisine, Quezon City. Kilala ang MR.D.I.Y., bilang nation’s favorite family and home improvement one-stop shop retailer, at sa nasabing event, pinagtibay ang dedikasyon nitong maglingkod at magpakalat ng mabuting gawain sa mga komunidad ngayong taon kasama ang dalawang pangunahing partners nito, ang ABS-CBN’s Lingkod Kapamilya Foundation at TV5’s Alagang Kapatid Foundation sa ilalim ng corporate social responsibility (CSR) program.



Kasama sa kaganapan ang World Vision, SOS Children’s Villages, at GOM Football Center for Excellence na pawang magpapatuloy pa rin ang pakikipagtulungan sa nasabing programa. Ang A-OK ay ang pangkalahatang corporate social responsibility program kung saan ang retailer ay binibigyang-daan at kapangyarihan ang mga komunidad. Ang programa ay nag-ugat sa Good Bag Campaign, kung saan ang nalikom mula sa pagbili ng MR.D.I.Y. eco-bag sa buong bansa ay ibinibigay sa mga NGO partners.


Ang tagumpay ng Good Bag campaign noong 2021 ay nagbigay inspirasyon sa kumpanya upang i-level up ang CSR program sa A-OK campaign, na nakatuon sa apat na pangunahing mga haligi: kapakanan ng pamilya, pagpapanatili at proteksyon ng kapaligiran, kabataan at edukasyon, at paghahanda sa kalamidad.


Paliwanag ni Roselle Marisol Andaya, MR.D.I.Y. 's Chief Executive Officer. “MR.D.I.Y. entered the country in 2018, with our first store opening in Balagtas, Bulacan. That same year, we opened five other stores, one in Ayala, two in Waltermart malls, Sta Lucia and Fishermall Quezon City. Our market has received us well, owing to our variety of more than 18,000 products under 10 different categories. We celebrated our 100th store milestone last 2020,” sabi ng CEO.


“And just last November of 2022, we celebrated our 300th store milestone at SM City Sucat.


We are now 339 stores strong–with our latest opening today in Culiat Town Center in Quezon City. From 6 stores in 2018 to 339 today,” dagdag pa ni Andaya.


Upang malaman ang iba pa tungkol sa Mr.D.I.Y. at higit pang mga kapana-panabik na mga kaganapan, bisitahin ang www.mrdiy.com/ph. Maaari mo ring sundan /mrdiyh sa Facebook, at @mrdiy.philippines sa Instagram at Tiktok para sa karagdagang update at paparating na mga CSR events.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page