top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | April 4, 2023





Hello, Bulgarians! Sa harap ng banta ng long COVID sa mga manggagawa, muling iginiit ni Go Negosyo Founder Joey Concepcion ang kanyang panawagan sa mga pharmaceutical companies na mag-apply na ng Certificate of Product Registration (CPR) para sa COVID-19 bivalent vaccines.


Kasunod ito ng babala ng infectious diseases expert na si Dr. Rontgene Solante sa panganib ng “long COVID”, na nagdudulot ng pangmatagalang epekto ng sakit sa mga nahawahan ng COVID-19. Si Dr. Solante ang resource speaker noong Lunes sa COVID-19 Town Hall, “Minimizing Business Disruptions Through COVID-19 Booster Vaccination”.


Ilan sa mga epekto ng long COVID at ang “brain fog” at pagiging makamalimutin. Ayon kay Dr. Solante, maaapektuhan nito ang trabaho at ang kumpanya. Ang long COVID ay naobserbahan na natatangi sa SARS-CoV2 virus na nagdudulot sa sakit na COVID-19.


Makakatulong ang mga booster dose upang maiwasan ang iba pang komplikasyon ng virus, lalo na ang long COVID, na nakaapekto sa malaking porsyento ng mga taong nahawahan na ng naturang sakit.


Umapela si Concepcion sa mga pharma companies na mag-apply na ng CPR. "Dapat nating tandaan na ang bansa ay wala na sa ilalim ng state of public health emergency, kaya hindi na tayo makakapag-import ng mga bakunang COVID-19 sa pamamagitan ng Emergency Use Authorization," ani Concepcion, na pinamumunuan ang Jobs group ng Private Sector Advisory Council.


Sa pagpupulong ng town hall, binigyang-diin ni Dr. Solante ang kahalagahan ng booster doses dahil makakatulong ito na maprotektahan ang mamamayan sa malubhang bersyon ng virus at magbibigay-daan para magpatuloy sila sa pagtulong sa ekonomiya.


Ayon kay Dr. Solante, mas madaling protektahan ang mga mas maliliit na grupo gaya ng nasa opisina. “It’s very difficult to build a population wall of immunity in the community,” sabi ni Dr. Solante.


“At least in your workplace, if all of you are vaccinated, if all people are boostered, then you have a lower risk of higher absenteeism and loss of productivity.”


Pabigat din sa mga grupo ng manggagawa ang long COVID. “Imagine in a company where you have an individual who developed mild infection but long COVID was there. The co-morbidities are amplified, uncontrolled hypertension, uncontrolled diabetes. That’s something that really will be a burden of the infection in terms of productivity,” sabi niya.


Umaasa si Concepcion na ang bakuna laban sa COVID ay magiging tulad ng mga bakuna para sa pneumonia, trangkaso at shingles, na madali nang ma-access.


“Ang paraan para madaling makakuha ang bansa ng mga kinakailangang bivalent vaccines ay para sa mga pharmaceutical firm na mag-apply para sa CPR. Hindi tayo maaring laging umasa sa indemnification ng gubyerno laban sa mga masamang reaksyon,” sabi ni Concepcion.


Kasunod ng desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na huwag palawigin ang state of emergency, na nag-expire noong Disyembre 31, 2022, ang mga bakuna laban sa COVID-19 ay maaari lamang makuha at gawing available sa publiko sa pamamagitan ng CPR.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | March 31, 2023





Hello, Bulgarians! Pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pinakamataas na dibidendo ng Pag-IBIG Fund mula noong pandemya ng COVID-19, dahil ang Regular Savings dividend rate nito para sa 2022 ay umabot sa 6.53% at ang Modified Pag-IBIG 2 (MP2) Savings nito ay tumaas sa 7.03% kada taon


Ang dividend rates sa ipon ng mga miyembro ng ahensya ang naging highlights ng Pag-IBIG Fund Chairman's Report 2022, kung saan nagsalita ang pangulo sa harap ng pagtitipon ng mga miyembro, partner at stakeholders ng ahensya sa SMX Convention Center, noong Martes, Marso 28.


“It makes me proud that your agency’s stewardship of our national savings program has successfully provided affordable shelter financing for our people. Let me thank all of you, the members who are the owners of Pag-IBIG Fund, including concerned housing developers, partners, and other key stakeholders who have been instrumental in fulfilling the Pag-IBIG Fund’s mandate, of serving the Filipino workforce,” pahayag ng Presidente.


“As the Pag-IBIG Fund was established under the presidency of my father, I look forward to your efforts in continuing his legacy of quality public service into the future. I urge you to sustain the transparency and accountability in all the work that you do. Thus, we are able to maintain the public's renewed trust in government. Let us ensure that the Pag-IBIG Fund remains at the forefront of fulfilling our peoples' aspirations,” dagdag pa ng Chief Executive.


Ang Pag-IBIG Fund ay nag-post ng best performing year noong 2022 dahil ang netong kita ng ahensya ay umabot sa mataas na record na P44.50 bilyon, isang 28% na pagtaas mula sa P34.69 bilyon noong nakaraang taon. Nag-ulat din ang ahensya ng ilang record high figures para sa taon, na may mga pautang sa bahay na umabot sa P117.85 bilyon; kabuuang membership savings na nakolekta na nagkakahalaga ng P79.90 billion at loan payments na nagkakahalaga ng P127.42 billion.


Tinulungan din ng Pag-IBIG Fund ang mga miyembro na may 105,212 na nakakuha ng mga bagong tahanan mula sa housing loan programs nito at mahigit 2.61 milyon ang natulungan sa pamamagitan ng mga short-term loans. Tinapos ng ahensya ang taon na may pinakamataas na kabuuang asset, na umaabot sa P827.40 bilyon. Ipinaliwanag ni Secretary Jose Rizalino Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), na namumuno rin sa 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees, na ang mga dividend rate ay resulta ng record-high net income ng ahensya kasama ang pinakamataas na dividend payout ratio na inaprubahan ng Pag-IBIG Board.


Sinabi ni Acuzar na bagama’t kinakailangan ng ahensya na ibalik sa mga miyembro ang hindi bababa sa 70% ng taunang kita nito bilang mga dibidendo, inaprubahan ng Pag-IBIG Board ang 97% payout ratio, na nagresulta sa halaga ng dibidendo sa P42.70 bilyon –ang pinakamataas sa kasaysayan ng ahensya.


“We at Pag-IBIG do all that we can to keep the returns on our members’ savings high, while ensuring the Fund’s sustainability and stability. With Pag-IBIG Fund capably led by its CEO 'Manang' Malen Acosta having its best performing year in 2022, we were able to declare the highest amount of dividends for our members’ savings in our 42-year history,” ayon kay DHSUD chief.


“Truly, when Pag-IBIG Fund performs well, it is our members who benefit the most. We assure our members that Pag-IBIG Fund shall be their reliable partner as they pursue a better and more secure future,” nabanggit ng Pag-IBIG Chairman.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | March 27, 2023





Hello, Bulgarians! Isang nonprofit organization ang Water Flow Foundation na nakatuon sa pagtataguyod ng pag-access sa malinis na tubig at pag-iingat ng mga mapagkukunan nito. Opisyal na inanunsyo ang paglulunsad nito sa World Water Day 2023. Misyon nitong pabilisin ang pagbabago at tumulong sa pagbuo ng mga komunidad, ang Water Flow Foundation ay makikipag-partner sa pandaigdigan at mga lokal na organisasyon, pamahalaan, komunidad, at indibidwal upang matiyak ang malinis na tubig para sa lahat.


Habang ipinagdiriwang ng mundo ang World Water Day 2023 na may temang "Accelerated Change," ang tungkulin ng Water Flow Foundation ay naaayon sa tema ngayong taon upang himukin ang mabilis at makabuluhang pagbabago sa pag-access at pangangalaga ng tubig. Ang gawain ng foundation ay tututuon sa pagbibigay ng access sa malinis na tubig, pag-iingat ng mga mapagkukunan ng tubig, at pagtataguyod ng kasanayan upang lumikha ng isang mundo kung saan ang lahat ay may access sa malinis at ligtas na tubig.




"We are thrilled to launch Water Flow Foundation on World Water Day 2023 and join the global movement to accelerate change towards water sustainability," sabi ni Chie Malaki, Co-Founder.


"Access to clean water is a fundamental human right, and it is our mission to create a world where everyone has access to clean and safe water. We look forward to working with our partners and supporters to achieve this goal."


Upang matugunan ang mga katulad na sitwasyon, kasama sa mga hakbangin ng Water Flow Foundation ang pagpapatupad ng mga solusyon sa malinis na tubig sa mga hindi naseserbisyuhan at malalayong komunidad, pagbabahagi ng mga kasanayan sa malinis na tubig, at pakikipag-partner sa mga lokal na pamahalaan at organisasyon upang itaguyod ang pangangalaga ng tubig.


Nilalayon ng foundation ang pagbabago sa pamamagitan ng pagpopondo sa mga water projects, pakikipagtulungan sa mga komunidad at iba't ibang grupo, at pagtataguyod para sa mga patakarang sumusuporta sa water conservation.


“We are proud of the work that we have accomplished so far, and we are committed to continuing to make a difference in the community. We will use our learnings from our previous experiences in our past projects and inputs from specialists and other groups will also be taken into account to improve our processes for our future projects. With your support we can achieve our goal of ensuring that every community has access to safe water,” pahayag ni Geegee Ranchez, Programs Development Manager.


Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Water Flow Foundation, bisitahin ang https://www.waterflowfoundation.org/.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page