top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | April 17, 2023





Hello, Bulgarians! Inihayag ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na natanggap nito ang pinakamataas na net satisfaction rating mula sa mga miyembro batay sa nationwide survey ng Novo Trends Ph, Inc. na isinagawa noong Setyembre 2022.


Ayon sa survey, nagresulta sa 93.75% ang net satisfaction rating ng ahensya mula sa 3,000 miyembro na sinerbey ng Novo Trends sa iba’t ibang tanggapan nito sa buong bansa. Ang “kalidad ng PhilHealth staff at serbisyong kanilang natanggap, kasiyahan sa impormasyong ibinigay sa kanila, lalo na sa paggamit ng benepisyo, kalidad ng pasilidad sa mga Local Health Insurance Offices, at mga benepisyong natanggap ng kanilang pamilya sa pagkaka-ospital” ang mga pangunahing dahilan ng kanilang kasiyahan o satisfaction batay sa survey.


Tumaas naman sa 86.79% ang net satisfaction rating na ibinigay ng mga ospital at iba pang pasilidad o halos 10% pagtaas mula 77.14% noong 2021. Nasiyahan sila sa “mabilis na transaksyon, mabait na staff at mas updated na pagbabayad ng PhilHealth”.


Nakatanggap naman ng 86.31% net satisfaction rating ang PhilHealth mula sa mga employer na nagsabing “madali ang pagbabayad at magagalang ang empleyado”, samantalang 79.83% naman ang rating mula sa healthcare professionals na tinukoy ang “mabilis na aksyon at magalang na mga tao” at “malaking ibinuti ng serbisyo at pasilidad” sa mga tanggapan ng PhilHealth.


Ang lahat ng net satisfaction rating ng mga miyembro, pasilidad, healthcare professionals at employers ay pawang “excellent” o mahusay.


“Nagsalita na ang mga tao sa tunay na saloobin nila sa PhilHealth. Kami po ay lubos na natutuwa sa magandang balitang ito at ito ay dahil sa pagsisikap ng buong Team PhilHealth.


Makakaasa ang ating mga kababayan na ipagpapatuloy namin ang de-kalidad na serbisyo para lalo nilang maramdaman ang mga benepisyo ng PhilHealth at Universal Health Care,” pahayag ni PhilHealth President and CEO Emmanuel R. Ledesma, Jr.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | April 13, 2023





Hello, Bulgarians! Isinulong kamakailan ng Social Security System (SSS) ang mga benepisyo ng social security coverage sa mga residente ng Sitio Tubigan, Bgy. Paghahambing, Antipolo City.


Sa isang caravan na pinasimulan ng UPLIFT Philippines Microfinance, Inc., kinausap ni SSS Public Affairs and Special Events Division (PASED) Head Carlo C. Villacorta ang mga residente ng nasabing sitio at idiniin ang kahalagahan ng SSS self-employed membership at pagbabayad ng kontribusyon upang maging karapat-dapat sa iba’t ibang benepisyo at loan program ng SSS.


“We like visiting self-employed workers in their communities, most especially those in the informal sector, because we really want to make sure that they are aware of SSS programs and convince them to invest some time and effort to register with the SSS and pay contributions as self-employed members. Self-employed members of SSS are now covered by the Employees’ Compensation Program – providing for additional benefits in case of work-related contingencies,” saad ni Villacorta.


Upang tapusin ang maikling dayalogo, hinimok ni Villacorta ang mga dumalo na ibahagi ang kanilang natutunan sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan na self-employed din, upang malaman ng mga ito ang mga benepisyo ng pagiging miyembro ng SSS.


Tinulungan din ng mga empleyado ng SSS mula sa Cooperatives and Informal Sector Department (CISD) at SSS Antipolo Branch ang mga residente ng Sitio Tubigan sa kanilang mga transaksyon sa SSS sa maghapong kaganapan.


Para bisitahin ng SSS ang iyong komunidad, mangyaring magpadala ng imbitasyon sa pamamagitan ng pag-email sa cisd@sss.gov.ph.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | April 10, 2023





Hello, Bulgarians! Ibinalik na sa 60 days ang pagsusumite ng benefit claims ng mga accredited healthcare facilities sa PhilHealth simula Enero 1, 2023.


Ayon sa ipinalabas na PhilHealth Advisory 2023-0012, nagtapos na ang mas mahabang filing period na 120 days kaalinsabay ng pagtatapos ng State of Calamity sa bansa dahil sa COVID-19 noong Disyembre 31, 2022.


Maliban sa 60-day filing period, ipinatutupad na rin ng ahensya ang polisiya nito sa 45-day limit kada taon at single period of confinement simula ngayong 2023.


Kaugnay nito, nanawagan si PhilHealth President and Chief Executive Officer Emmanuel R. Ledesma, Jr. sa lahat ng partner facilities na siguruhing naisusumite ang kanilang claim sa takdang panahon para maiwasan ang pagka-deny sa mga ito.


“Mahalaga rin na maayos ang isinusumiteng claims ng ating mga partner accredited facilities para mabayaran ang mga ito alinsunod sa mga batas at regulasyong sinusunod ng PhilHealth bilang ahensya ng gobyerno,” wika nito.


Hinimok din ni Ledesma ang mga ospital na makipag-ugnayan sa PhilHealth Regional Offices para ipagpatuloy ang pag-reconcile ng claims data at para sa iba pang tulong na maaari nilang kailanganin upang mapagsilbihan ang mga miyembro ng PhilHealth at kanilang mga pamilya.


Noong 2022, ang pangunahing dahilan ng denied claims ay pagkaantala sa pagsusumite sa itinakdang filing period. “Patataasin po namin ang kaalaman ng mga providers at ng kanilang billing personnel patungkol sa ating mga polisiya para maiwasan na ang mga denied at depektibong claims” dagdag pa ni Ledesma.



Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page