top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | November 23, 2021



Ipinahayag ng Food and Drug Administration (FDA) na posible nang simulan ang pagbabakuna kontra-COVID-19 sa mga kabataang edad 11 pababa bago matapos ang taon.


"I'm pretty sure Pfizer-BioNtech is going to be there by the end of the year," ani FDA Director-General Eric Domingo sa ginanap na Palace briefing.


"We are also waiting on Sinovac to submit their data [for a COVID-19 vaccine] below 18 years old," dagdag niya.


Tulad ng ginamit sa mga kabataang edad 12-17, Moderna at Pfizer-BioNTech din ang gagamitin sa mga batang edad 11 pababa.


Samantala, sinimulan na rin sa bansa ang pagbibigay ng booster shot sa mga fully vaccinated na mga health workers, senior citizens, and persons with comorbidities, sa nakaraang anim na buwan.

 
 

ni Lolet Abania | November 18, 2021



Maaari nang maibenta sa mga botika ang maraming COVID-19 vaccines sa unang quarter ng 2022 kapag nabigyan na ito ng full approval ng Food and Drug Administration (FDA).


“My prediction is early next year, by the first quarter, not only Pfizer maybe several of the existing vaccines will get full approval for marketing authorization,” pahayag ni FDA Director General Eric Domingo sa isang interview ngayong Huwebes.


Ayon sa Johns Hopkins Medicine, “full approval is granted when the FDA has amassed enough scientific evidence to support use of the COVID-19 vaccines, showing that the benefits of the vaccine are greater than its risks, and that the vaccines can be manufactured reliably, safely and with consistent quality.”


Sa ngayon, binigyan na ng FDA ng emergency use authorization (EUA) ang siyam na vaccine brands, gaya ng Pfizer-BioNTech (Comirnaty), AstraZeneca, Sinovac (CoronaVac), Gamaleya Institute (Sputnik V), Johnson & Johnson (Janssen), Bharat Biotech (Covaxin), Moderna, Sinopharm, at Novavax (Covovax).


Sa ilalim ng EUA, ang gobyerno lamang ang maaaring mag-procure ng vaccines habang ang mga pribadong kumpanya ay puwedeng bumili sa pamamagitan ng isang tripartite agreement.


Ayon kay Domingo, una nang pinagkalooban ng United States ang Pfizer ng full authorization noong Agosto. Gayunman, hindi pa nag-a-apply ang Pfizer para naman sa full approval ng Pilipinas.


“We did ask them and they said they were completing their documents and requirements... It’s not going to take long but they haven’t applied yet. It’s probably because the company is not yet ready to supply, baka nagko-concentrate sila sa one market at this time,” sabi ni Domingo.


Sinabi pa ni Domingo, binigyan na rin ng FDA ng EUA ang investigational drug na ronapreve para sa COVID-19 treatment, habang isa pang medisina, ang molnupiravir ay maaari namang makuha sa mga ospital na may compassionate use permit.

 
 

ni Lolet Abania | November 17, 2021



Aprubado na ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon ng Covovax vaccine para sa emergency use authorization (EUA) laban sa COVID-19.


Ang Novavax na nakabase sa Amerika, ang siyang US drugmaker ng bakuna subalit ang kanilang Covovax vaccine ay manufactured sa Serum Institute of India Private Limited na siya namang nag-apply para sa EUA nito sa bansa.


Sa Laging Handa briefing ngayong Miyerkules, sinabi ni FDA Director-General Eric Domingo na ang bakuna ay posibleng i-administer sa mga indibidwal na edad 18 at pataas dahil aniya, para maiwasan ang sakit sa baga.


“Bagong klaseng bakuna po ito, ito po ay tinatawag na protein subunit… isang parte po na pure part of the antigenic [na] parte po ng virus ang kanyang nire-replicate.


Pagkatapos ito ang ine-inject para mag-elicit ng immune response,” paliwanag ni Domingo.


Ayon kay Domingo, ang vaccine ay ibibigay ng dalawang doses na may interval o pagitan ng tinatayang tatlo hanggang apat na linggo.


“Nakita po sa kanyang mga clinical trial na very mild ang mga adverse event na reported… and an efficacy rate of preventing COVID-19 about 89.7%,” sabi ni Domingo.


“So ito po ay isang possible natin na maaring magamit na bakuna. Lalung-lalo na siguro towards the end of the year o sa darating na 2022,” dagdag ng opisyal.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page