top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 12, 2021





Tuloy pa rin ang paggamit ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) sa kabila ng pagsuspinde ng ilang bansa sa Europe matapos maiulat ang insidente ng pamumuo ng dugo o pagkakaroon ng blood clot.


Pahayag ng ahensiya, “At present, the DOH and FDA emphasize that there is no indication for the Philippines to stop rollout of AstraZeneca vaccines.


“The public is assured they will closely monitor all deployed vaccines.”


Nilinaw naman ng European Medicine Authority (EMA) na walang indikasyon na ang AstraZeneca COVID-19 vaccine ang dahilan ng pamumuo ng dugo ng mga nabakunahan at patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon.

 
 

ni Lolet Abania | March 4, 2021





Tinatayang nasa 40 ang naitalang nakaranas ng mild adverse events following immunization (AEFI) sa isinasagawang pagbabakuna ng gobyerno gamit ang Sinovac vaccine ng China, ayon sa Food and Drug Administration (FDA).


Sa isang interview ngayong Huwebes kay FDA Chief Eric Domingo, ang mga nasabing kaso ay nakaranas lamang ng mild symptoms gaya ng pananakit sa bahagi ng injection site.


“As of yesterday, ang nabakunahan ay marami-rami na rin, ilang libo na rin at nakatanggap kami ng reports ng mga 40 people who experienced mild signs and symptoms after immunization,” ani Domingo.


“Wala pa po tayong nakitang severe (AEFI). Ang severe po kasi, ‘yung talagang kailangang maospital, so as of kahapon ng hapon, wala pang nai-report sa atin. Karamihan talaga, ‘yung mga regular lamang,” dagdag niya.


Noong Martes, inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na ang gobyerno ang siyang mananagot para sa AEFI habang ang COVID-19 vaccines ay patuloy pa ring dinedebelop at dahil sa binigyan ng emergency use authorization.

Sinimulan ang vaccination program sa bansa noong Lunes mula sa 600,000 Sinovac doses ng China.


Samantala, binanggit ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. sa interview ngayong Huwebes na ang 1 milyon doses ng COVID-19 vaccines mula sa Sinovac na binibili ng Pilipinas ay darating sa ikatlong linggo ng Marso.


“'Yung 1 million more or less sa third week ng March. Maybe March 21 onwards...Asahan natin na March 21 to 30, darating na po ‘yung 1 million,” ani Galvez.

 
 

ni Lolet Abania | March 2, 2021





Kinumpirma ng Food and Drug Administration (FDA) ngayong Martes na naghain na ang Chinese firm na Sinopharm ng kanilang aplikasyon para sa emergency use authorization (EUA) sa COVID-19 vaccine.


“There was an online application filed yesterday afternoon. Our officers are now checking the contents of the submission,” ani FDA Chief Eric Domingo.


Kahapon, inanunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque na isinumite na ng Sinopharm ang kanilang application subalit ayon kay Domingo, hindi pa niya ito makumpirma.


Matatandaang sinabi ni FDA chief na kinakailangan ng ahensiya ng apat hanggang anim na linggo para ma-evaluate ang Sinopharm vaccine dahil sa kakulangan nito ng approval mula sa stringent regulatory authorities (SRAs) gaya ng US FDA o ng World Health Organization (WHO).


“Depende na lang kung in the meantime, kung in between ng application nila ay magkaroon sila ng ganu’n, ng US FDA (approval) o kaya sa UK o kaya itong mga Asian countries na alam nating stringent sila o sa WHO,” ani Domingo sa isang interview.


Binanggit naman kamakailan ni Roque na mas gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na maturukan ng Sinopharm vaccine.


Gayundin, sa naganap na ceremony ng pagdating ng 600,000 Sinovac doses noong Linggo, sinabi ni Pangulong Duterte na personal niyang hiniling ang supply ng isang COVID-19 vaccine subalit hindi niya binanggit ang pangalan nito.


Ayon pa sa 75-anyos na Pangulo, nais din ng kanyang doktor na isang Chinese vaccine brand ang ibigay sa kanya subalit hindi siya kuwalipikadong tumanggap ng Sinovac shot dahil sa maaari lamang itong gamitin ng mga malulusog na indibidwal na nasa edad 18 hanggang 59.


“Ako naghingi ako, personal. Wala silang stock. Nanghingi ako para sa pamilya ko pati sa akin. I do not know if we would have enough vaccines for everybody, but I think I can accommodate itong Cabinet members,” ani P-Duterte.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page