top of page
Search
  • BULGAR
  • Apr 26, 2021

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 26, 2021



Nagsumite na ng aplikasyon para sa emergency use authorization (EUA) ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas ang Moderna Inc., ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Chief Rolando Enrique Domingo.


Aabot sa 13 million doses ng Moderna COVID-19 vaccines ang bibilhin ng pamahalaan habang 7 million doses naman ang nakatakdang bilhin ng pampribadong sector ng bansa.


Sa Mayo inaasahang darating sa Pilipinas ang 194,000 doses ng Moderna at 1 million naman sa July.


Ang mga COVID-19 vaccines na nabigyan na ng EUA ng FDA ay ang Pfizer, AstraZeneca, Sinovac, Gamaleya, at Johnson and Johnson.


Samantala, umabot na sa 1.7 million doses ng Sinovac at AstraZeneca COVID-19 vaccines ang naipamahagi ng pamahalaan sa mga vaccination sites simula noong Marso 1.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 16, 2021




Nakahandang sumuporta si Pangulong Rodrigo Duterte sa bawat local companies na interesadong gumawa ng sariling bakuna kontra COVID-19, batay sa naging briefing kagabi.


Aniya, “Itong government procurement of locally produced subject to standard specs and prices, madali lang man ito kung trabahuhin mo ito. I don’t think it would take about one hour or trabahuhin mo sa opisina."


Sa ngayon ay nakikipagtulungan na ang ilang ahensiya ng pamahalaan sa mga eksperto hinggil sa paggawa ng bakuna.


Sabi pa ni Department of Trade Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, “So sa DTI po, inumpisahan ho natin together with DOST at kasama ng ating ibang mga ahensiya, FDA, DOH, ang pakikipag-usap sa mga companies who can possibly start a commercializing and manufacturing of vaccines in the country para hindi tayo totally dependent sa pag-import ng vaccine."


Ipinaliwanag din ni Lopez na kailangan ng mga kumpanya ang suporta ng pamahalaan upang mapabilis ang proseso ng kanilang mga dokumento at makatiyak na uunahin ng gobyernong bilhin ang kanilang maipo-produce na bakuna, sa halip na imported vaccines.


Ayon kay Lopez, “Green lane on getting government permits. They will subscribe to all requirements and submit all the documents. Kailangan lang ma-prioritize para ho mapabilis ang proseso ng pag-put up ng planta dito."


"Second, of course, lahat po ng pumapasok dito, may risk involved din lalo na kung papasok sila, tapos ang gobyerno ay bibili rin abroad. So dito po ay ine-encourage po sana na may government procurement of locally produced vaccines, subject to standards, specs and prices," dagdag pa niya.


Aminado naman ang gobyerno na isa sa mga dahilan kung bakit sila dumepende sa international manufacturers ay dahil wala pang kakayahan noon ang pamahalaan na makagawa ng sariling bakuna kontra COVID-19.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 8, 2021




Pinayagan ng Food and Drug Administration (FDA) ang ‘compassionate use permit’ ng Ivermectin sa isang ospital upang gamitin sa pasyenteng may COVID-19, ayon kay FDA Director General Eric Domingo ngayong araw, Abril 8.


Aniya, “Na-grant na iyong special permit for compassionate use kasi alam naman namin na investigational product ito against COVID-19. May isang ospital na nag-apply for compassionate use at na-grant na nga nang araw na ito.”


Dagdag pa niya, "Ito lang naman po ang laging sinasabi ng FDA, hindi po kami kontra sa Ivermectin, kailangan lang po na irehistro ang produkto at dumaan lamang po sa tamang proseso ng pagsiguro po ng quality ng gamot na makakarating sa tao."


Matatandaang ipinagbawal ng FDA ang paggamit ng veterinary product na Ivermectin bilang alternatibong gamot sa COVID-19 dahil may masamang epekto ito sa tao.


Samantala, hindi naman binanggit ni Domingo kung anong ospital ang nagsumite ng ‘compassionate use permit’.

Sa ngayon ay 646,404 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page