top of page
WINNER - BINI, INIAAHON ANG ABS-CBN SA PAGKALUGI-IG _BINI_PH.jpg
Search

ni Nitz Miralles @Bida | Sep. 23, 2024



Showbiz News

After Milan Fashion Week (MFW), se-segue rin si Pia Wurtzbach sa Paris Fashion Week (PWF) at ang magandang balita, hindi lang siya manonood, rarampa si Pia sa runway at siya ang first Filipina na rarampa sa L’Oreal’s Paris Fashion Week runway show na tinawag na “Le Défilé  Walk Your Worth”.


Today (Monday) ang schedule ng pagrampa ni Pia sa fashion show na gaganapin sa Place de l’Opera in Paris, France.


Heto pa, makakasama ni Pia na rarampa sa runway ang iba pang brand ambassadors ng L’Oreal na sina Kendall Jenner at Cara Delevingne.


Ang Le Défilé Walk Your Worth ay annual celebration daw ng L’Oreal Paris tungkol sa empowerment and diversity, tampok ang sisterhood ng mga ambassadors walking the runway.


Sa kanyang Instagram (IG), wala pang nababanggit si Pia tungkol sa pagrampa niya sa PFW. Busy pa siya sa MFW, pero nasa Facebook (FB) page na ng L’Oreal Paris ang pagrampa ni Pia Wurtzbach, kaya sunud-sunod ang pagko-congratulate sa kanya ng kanyang mga followers.



NAKUHA na ni Michelle Dee ang check na napanalunan niya sa A Voice For Change mula sa Miss Universe Philippines (MUP). Kasama si Jonas Gaffud, naibigay na nila sa Autism Society of the Philippines ang cheque for P684,000.00. Maaalalang nabanggit ni Michelle na hindi pa naibibigay sa kanya ang prize niya, kaya naibigay nang mabilis.


Sey ni Michelle, “It was my privilege to (finally) present the Voice For Change award to @autismphils after our nationwide upward battle to win this special award. Alam natin ‘yan #wmmm.


“This award will be allotted to the presented VFC project that adheres to one of the @unitednations 17 Sustainable Development Goals for Economic Empowerment for individuals on the autism spectrum.


“In other words, this award will be mainly focused on AP’s #AutismWorks program that aims to  provide full-time employment or opportunities to earn for our brothers and sisters who have autism. At the time of my VFC presentation we have employed and provided training to over 300+ individuals and we believe this number can grow exponentially.”

Bongga!

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | Sep. 20, 2024



Showbiz News

Hindi na lang sina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach ang aabangan ng ating mga kababayan sa ginaganap na Milan Fashion Week (MFW) dahil naroon din si Marian Rivera. 


Nadagdag pa sa listahan si Anne Curtis na siguradong aabangan din ang pagrampa at ang OOTD (outfit of the day).


Sey ni Anne, “Touchdown Milano. Fresh pa ba? So happy to be here for my Gucci fam! Can’t wait for the show tomorrow!”


Dahil naka-tag ang Gucci na siyang nag-invite kay Anne, fashion show nito ang una niyang dadaluhan. 


Nag-comment si Dra. Vicki Belo ng “Hope to see you,” kaya magkikita sila roon.

Kung si Anne, invited ng Gucci, si Marian naman ay invited ng Kiko Milano, ang Italian cosmetics brand na kanyang ine-endorse. Siya ang brand ambassador ng cosmetics brand sa bansa. Kasama ni Marian na lumipad pa-Milan si Dingdong Dantes.


Samantala, naaliw kami sa nabasang comment sa post ni Anne sa Instagram (IG). Sabi ng nag-comment, sana ay magkita sina Anne at Marian, “It would be a fresh air kasi may kilala kaming dalawa na nand’yan, medyo toxic na ang parinigan.”


Sina Heart at Pia ang tinutukoy ng netizen na nagpaparinigan at kinorek siya ng isang netizen dahil ang mga fans daw ng dalawa ang nagpaparinigan. May kumontra uli dahil palaban na raw si Heart Evangelista at hindi na pumapayag na apihin at paringgan ng mga fans ni Pia Wurtzbach.



KABILANG na sa cast ng Green Bones (GB) si Iza Calzado at sa October 5 na siya magsisimulang mag-shooting. 


Sina Dennis Trillo at Ruru Madrid, nauna nang mag-shooting. Wala pa kaming balita kung nag-shooting na rin sina Sofia Pablo at Kylie Padilla na kasama rin sa cast.


Tinanong namin si Ms. Nessa Valdellon kung ano ang role ni Iza sa nasabing pelikula na entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs sa 2024 MMFF. Secret daw muna, kapag nagsimula nang mag-shooting ang aktres, malalaman din.


Ngayon lang uli gagawa ng pelikula sa GMA Pictures si Iza. Ang natatandaan naming pelikula niya sa film company ay Moments of Love (MOL) kasama sina Karylle, Dingdong Dantes at Ms. Gloria Romero. Epic movie ito, mala-Somewhere In Time (SIT) ang datingan.


Maganda ang comeback movie ni Iza sa GMA Pictures dahil makakasama si Dennis Trillo na isa sa mahuhusay na Filipino actors. First time niya yatang makakasama ang dalawang magagaling na aktor.



MARAMI pa ring supporters si Leni Robredo at malalaman ito sa dami ng nag-comment sa post ni Bea Binene na ikinuwento ang pagkikita nila sa Naga.


Sey ni Bea, “Not leaving Naga without seeing you, @lenirobredo.


“Thank you for lunch and for making time despite your busy schedule. Huhuhu. Always nice to catch up even though we don’t see each other that much. 


“Happy that I got to see more of Naga, that you love and care for. Eversince I volunteered way back 2016 until now, I still get starstruck and kilig whenever we see each other. Ever humble, ever maaasahan, always a text away, and it always feels like I’ve found another mother in you. Love you always! You know the rest @attty.lenirobredo.”


May mga nagpayo kay Bea na iboto at suportahan si Leni sa 2025 midterm elections dahil tatakbo raw na senador. Pero, ang sabi, pagka-mayor sa Naga ang tatakbuhan ni Atty. Leni?


Anyway, mapapanood si Bea sa horror movie na Pasahero sa direction ni Roman Perez, Jr..

 
 


Showbiz News

Nasa Milan, Italy na rin si Pia Wurtzbach para sa Milan Fashion Week (MFW). Naunang dumating sa kanya sa Milan si Heart  Evangelista at pareho silang dadalo sa MFW. 

I-expect na ang bardagulan na naman ng kani-kanyang mga fans nila sa kung sino ang mas pinagkagulahan, ang mas maganda ang OOTD (outfit of the day) at kung sino ang mas magandang make-up at ayos ng buhok.    


Ang mga fans din nina Heart at Pia ang nagbibilang kung ilang fashion show per day ang dinadaluhan nila. Si Heart ang winner dito dahil naka-tatlong shows daw in one day. Wala pang balita kung ilan ang pinakamaraming shows na nadaluhan ni Pia.   


Sa mga photos at videos, very cool lang sina Heart at Pia, ang kanilang mga fans pa yata ang nai-stress sa pag-aabang sa mga ganap nila. 


Nakakatuwa nga na pati reels, ipinagkukumpara at pinagtatalunan kung kanino ang mas maganda. 


Damay sa bardagulan ang kani-kanyang team nila like ang glam team at pati ang in-charge sa kani-kanyang content.                               


In fairness, masaya at nakakaaliw basahin ang bardagulan ng mga fans, konting bagay pinag-aawayan at ang mga comments, kung nababasa lang ng dalawa, mapipikon din sila for sure. 


Curious tuloy kaming malaman kung ini-stalk ba nina Heart at Pia ang kani-kanyang Instagram (IG) o ipinaparating na lang sa kanila kung ano ang post ng isa’t isa at kung may comment na dapat sagutin.



MARAMI pa rin talaga ang umaasang magkakabalikan pa sina Bea Alonzo at Dominic Roque dahil nang mag-post si Dom ng mga photos na may mga dalang luggage, inisip agad na magkikita sila ni Bea sa Morocco. 


Hindi naman sinabi ni Dominic na sa Morocco ang punta niya, pero nasa airport siya ng Johannesburg.         


Comment agad ng mga fans nina Bea at Dominic, sana ay magkita sila sa Morocco. Kaya lang, kung doon nga pumunta ang dating aktor, wala na roon si Bea at ang mga kasama nito.                Sa update ni Bea, balik-Madrid, Spain na sila kaya malabong magkrus ang landas nila ni Dominic sa Morocco.


Naglaro pa sa isip ng BeaDom fans na kapag nagkita ang dalawa sa Morocco, makakapag-usap at baka maging maayos na ang lahat at matuloy ang kasal. 


Wala pa ring nababanggit sa biglaang paglipad nina Bea at mga kasama pa-Madrid at side trip sa Morocco. Dahil kasama niya si Ben Chan, baka may kinalaman sa Bench ang kanilang lakad. 


Anyway, umalis at babalik ng bansa si Bea na masaya dahil patuloy na sinusubaybayan ang Widows’ War (WW). Gusto ng mga viewers ang pagbabago ng karakter ni Sam (Bea) na naging cold-hearted b*tch na. 


Inaabangan na ang eksena na makaka-face-to-face ni Sam ang asawang si Paco (Rafael Rosell) na inakala niyang patay na.



PARA pala sa MMFF entry na Green Bones (GB) ang short haircut ni Ruru Madrid at hindi pa para sa Book 2 ng Lolong. Kasama raw ang new haircut niya sa paghahanda sa gagampanang role.       


Nag-workshop din si Ruru bago simulan ang shooting ng nasabing pelikula para mas maintindihan ang kanyang role.                     


“At the same time, almost everyday, nagpupunta ako sa lab or workshops. Siyempre, ang tagal ko po gumawa ng teleserye, ang tagal ko pong gumawa ng Black Rider (BR). Parang one year kaming nag-shoot so ibang medium na ang gagawin natin, it’s cinema. So ibang preparasyon, ibang framework ng paggamit ng pag-arte, ibang style because it’s cinema, so ang daming pagbabago.           


“But you know, I always love the challenge and sobrang gusto ko rin na matuto ako rito sa proseso na ito,” ayon kay Ruru.                           


Isa rin siguro sa pinaghahandaan ni Ruru ay sina Iza Calzado at Dennis Trillo na mga bida rin sa GB. Nakasama na niya si Dennis sa isang project, pero bata pa raw siya noon. First time naman niyang makakatrabaho si Iza na kumpirmado nang kasama sa cast. Nauna nang ini-announce na kasama rin sa cast sina Sofia Pablo at Kylie Padilla.                      


Of course, pressured din si Ruru na maidirehe ni Zig Dulay na director ng nasabing MMFF entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs. Dagdag na pressure sa kanya na first MMFF film niya ito. Pinangarap lang niya dati, ngayon, nagkatotoo na.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page