top of page
SHEET - BERNADETTE, NAG-MRT DAHIL SA BAHA, CR PURING-PURI, BINARA NG NETIZEN_IG _iambernad
Search

ni Nitz Miralles @Bida | Sep. 25, 2024



Showbiz News

Ipinost ni Heart Evangelista ang dalang shoes sa Paris Fashion Week (PFW) at sa rami ng dalang sapatos, parang display na sa department store. 

Sey nito, “Think we over packed  #pfw #parisfashionweek.”


Para lang yata sa PFW ang ipinost ni Heart dahil ito ang naka-caption sa kanyang hashtag. Ibig sabihin, iba pa ang shoes na dala at ginamit niya sa Milan Fashion Week (MFW). Sa shoes pa lang, ilang luggages na kaya ang dala ni Heart?


Hindi namin nabilang ang dami ng shoes na arranged according to colors at siguradong lahat branded. Sabagay, kung tama ang aming nabasa, 19 shows ang dadaluhan ni Heart sa PFW, mukhang magagamit niya ang karamihan sa dala niyang shoes.


May nagbirong nagtanong kay Heart kung si Imelda Marcos daw ba siya sa dami nga ng shoes at mukhang mas marami ang kanya kesa sa former First Lady. 


Nakita naman ng kanyang mga followers sa Instagram (IG) ang collection niya ng shoes sa kanyang walk-in closet.


Sa latest post ni Heart, hindi pa siya nagsisimulang rumampa sa naka-schedule na 19 shows. Nag-shoot na muna siya ng ad campaign for Lancaster na isang high-end brand ng bag. 


Excited na ang mga fans ni Heart Evangelista na makita ang OOTD (outfit of the day) niya at marami silang bibilangin dahil 19 shows nga ang naka-schedule na kanyang dadaluhan.



Sinorpresa si Sandro Muhlach ng kanyang mom na si Edith Millare na dumating para siya’y bisitahin. 


Based na sa Amerika ang mom ni Sandro at naalala naming may post ito noong kainitan ng isyu sa anak na nagso-sorry na wala siya sa tabi nito.


Ang tagal nag-sink in kay Sandro na mom niya ang kanyang kaharap, lalo na’t tinakpan nito ang kanyang mga mata habang nasa restaurant at may kausap. 


Paulit-ulit na “Sino ‘to?” ang tanong ng young actor at nang makitang ang mom niya ang nasa harap, “Hala” na lang ang nasabi.


Naging emosyonal ang mag-ina at birthday pala ni Edith nang magkita sila ng anak, kaya lalong mas naging espesyal ang araw na ‘yun. 


Ramdam ang tuwa ni Sandro sa kanyang post.


Mensahe ni Sandro sa kanyang ina, “Mama you are the strongest woman I know, and I am so lucky to have you as my mom. Your love and kindness mean more to me than you know.

“Thank you for being there for me during one of the hardest times in my life. Your love, care, and presence meant more to me than I can ever fully express. When I felt overwhelmed by my trauma, you were a constant source of strength and comfort. I’m still finding my way, but I feel stronger knowing that I have you by my side. I hope you know how much I appreciate everything you’ve done not just during this time, but always. Thank you for surprising me even if it’s your birthday. You’re the best mom I could ever ask for.

“I love you more than words can express. Happy Birthday Mama!”


Ang gaganda ng comments sa post na ito ni Sandro, may mga naiyak pa nga dahil iba raw kapag katabi, kayakap at personal na nakakausap ang nanay, lalo na’t may pinagdaraanan siya. May nag-comment pa na ang presence lang daw pala ng mom niya ang makakapagpabalik sa mga ngiti ni Sandro Muhlach.



KUMPIRMADO ang pag-attend ni Dingdong Dantes sa gaganaping  “Kickoff and Appreciation Night” ng Multi-Media Press Society of the Philippines, Inc. (MMPRESS) sa September 27, 2024 at 7 PM. Gaganapin ang event sa Dengcar Theater ng Mowelfund Film Institute (MFI).


Si Dingdong ay isa sa mga honourees sa “Trailblazing Leaders” category at sila ay mga personalidad “whose dedication and excellent leadership make them strong pillars of the showbiz industry.”


Ang dami pang honourees na bibigyang-pugay sa gabing ‘yun at nagpapasalamat ang MMPRESS sa kanila. 


Main project ng MMPRESS is to pay tribute to some of the ‘biz (showbiz) well-known and respected personalities and influencers whose contributions to the entertainment industry over the years are simply worth-citing.


Anyway, kagagaling lang nina Dingdong at Marian Rivera sa Milan, Italy dahil sa imbitasyon ng Kiko Milano kay Marian sa Milan Fashion Week (MFW). Nag-shoot din ng TVC si Marian for Kiko Milano na isang Italian cosmetics line at siya ang endorser ng Pilipinas.


Si Dingdong naman, nabalitang magge-guest sa Widows’ War (WW) bilang si Napoy, ang karakter niya sa Royal Blood (RB) na konektado sa WW ang story.   


Kahit busy at may jet lag pa siguro, dumalo pa rin si Dingdong sa flag-raising ceremony sa Rizal Park, Luneta in celebration of National Maritime and Reservist Month. Baka may magtanong na naman kung ano ang karapatan ni Dingdong Dantes to be at the said national event. Ang sagot nito ay dahil reservist siya at masipag na reservist.


Sey nito, “A snappy salute to all our seafarers, reservists, and those who selflessly serve our country. Today, and throughout this month, we honor their unwavering dedication and sacrifice.”

 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | Sep. 24, 2024



Showbiz news

Napakomento si Nadine Lustre sa latest Milan Fashion Week (MFW) reel ni Heart Evangelista.


Sa comment section of Heart’s post ay hinangaan ng award-winning actress ang gorgeous at adorable na pagrampa ni Heart sa MFW.


Ani Nadine, “SO GOOD.” 


Ang sagot ni Heart, “Hahaha! Come to Paris.”


Sey naman ng fan ni Nadine, puwedeng-puwede rin daw rumampa ang actress sa mga fashion show abroad.


Sana raw ay sumali si Nadine sa MFW dahil marami raw celebrities na taga-'Pinas ang rumarampa na rin sa naturang show.


Oo nga naman, baka siya pa ang maging center of attraction at maging Rampadora Queen.

Just saying....



Pinasalamatan ni Carlene Aguilar si Jennylyn Mercado dahil sa birthday message ng aktres sa anak niyang si Calix.


Si Calix ay stepson ni Jennylyn dahil si Dennis Trillo ang ama ng bagets.

Ang birthday message ni Jen, “Happy birthday, Kuya Calix! May all your wishes come true today and every day. We love you! #birthdayboy #calixandreasho.” 


Na-appreciate ni Carlene ang mensahe ni Jen para sa anak, kaya nagpasalamat siya rito. 

“Thank you Mommy Jen for loving Calix as your own,” pasasalamat ni Carlene.


Si Calix ay mahusay sa fencing na minsan nang ifinlex ni Dennis sa kanyang socmed account.


Kaya nagkomento ang mga netizens bilang pagbati sa posted birthday message ni Jen.

“Happy birthday Calix, the future Olympian!!!” 

“Happy birthday, God bless.” 

“He fences so well and the voice. Happy birthday! I wish you more blessings.” 


May mens daw kasi siya nu'n… 

RABIYA TINOPAK, JERIC BINLOCK SA IG, TOGETHER AGAIN NA


Rabiya Mateo at Jeric

NAGSALITA na si Rabiya Mateo tungkol sa pag-unfollow at rumored breakup nila ni Jeric Gonzales.


Kumalat ang rumor na break na ang dalawa nang mapansin ng mga netizens na hindi na sila naka-follow sa isa’t isa sa Instagram (IG), then bigla namang na-speculate na nagkabalikan ang dalawa. 


Natanong tuloy ang couple sa status ng kanilang relationship dahil nakikita na namang lovey-dovey ang celebrity couple.


Sa recent guesting ni Rabiya sa The Boobay and Tekla Show (TBAT), natanong ang former beauty queen tungkol sa unfollowing issue at status ng kanilang relasyon.


Aniya, nagkaroon siya ng topak nu’ng time na ‘yun dahil may monthly period siya, kaya she blocked Jeric.


“So my day, it was a bad day, and then I blocked Jeric. So, hindi ko naman ine-expect na mahahagilap agad ‘yun. Ipa-follow ko na s’ya dapat din, kasi naging okey na kami that day. Pero nakalimutan ko, eh, wala na, sumabog na,” esplika ni Rabiya.


Kaya hanggang ngayon daw ay hindi pa rin siya naka-follow kay Jeric.


Pagbabahagi pa niya, sinabi raw ng boyfriend ang isyung ‘yun sa kanya nu'ng time na magkasama silang dalawa sa Taiwan trip. 


Ani ng Kapuso actress, tulad daw ng ibang relasyon, sila ni Jeric ay nagkakaroon din ng misunderstandings at conflicts. But despite their differences, wino-workout daw talaga nilang maging better and understanding to each other.

‘Yun naman pala!

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | Sep. 24, 2024



Showbiz News

Kaninang 2:30 AM ang live stream ng Le Défilé at Paris Fashion Week (PFW) sa official Facebook (FB) page ng L’Oreal Paris. 


Siguradong marami ang nagpuyat para mapanood ang pagrampa ni Pia Wurtzbach na kinilig sa kanyang pag-iimbita na ang sabi, “Please go watch because I’m gonna be walking in the show.”


Napanood namin ang video ni Ian Mendajar, ang coach ni Pia sa pagrampa sa runway. 

Sabi nito, “To be part of your Paris Fashion Week Journey is BOTH AN HONOR AND A RESPONSIBILITY. Thank you for your trust and congratulations Queen P! Always proud of you.”


Hindi nabanggit kung kasama na ni Pia si Ian sa Milan Fashion Week (MFW), pero PFW lang ang binanggit nito. Baka sumunod na lang siyang lumipad for Paris to train Pia.

Samantala, may mga kumukuwestiyon sa pagrampa ni Pia sa L’Oreal Fashion Show dahil hindi naman daw clothing brand kundi makeup brand lang ang irarampa ni Pia.


Hindi raw big deal ang achievement na ito ni Pia na kinontra ng mga netizens.

Kahit ano pa raw ang dala ni Pia sa kanyang pagrampa, rumampa pa rin siya sa PWF. Pagkatapos ng pagrampa niyang ito, balik siya sa panonood ng mga fashion shows.



PHOTO ng lips-to-lips nila ni Yassi Pressman ang ipinost ni Camarines Sur Gov. Luigi Villafuerte sa kanyang Instagram account to mark their anniversary. Malayo ang kuha ng picture, kaya wala kaming nabasang nang-bash sa dalawa, unlike sa photo nila na sa harap ng mga constituents ng gobernador sila nag-lips-to-lips, kaya naglabasan ang mga bashers.


Anyway, sa Bhutan nag-celebrate ng kanilang anniversary ang magdyowa at kakaibang experience ‘yun. 


Sa tabi ng ilog sila kumain, resort yata ‘yun, maganda ang view at siguradong malamig dahil sa kanilang mga suot.


Hinihintay na lang ang announcement ng wedding nina Gov. Luigi at Yassi at naniniwala ang mga netizens na sa pagpapakasal na ang punta nila. Dahil ito sa the two look so much in love raw at mukhang tanggap na ni Yassi ang maging politician’s wife.


Saka, marunong na siyang magsalita ng Bicolano, inaral niya at magiliw siya sa mga taga-Camarines Sur. Comment pa nga ng mga netizens, she belongs to Camarines Sur.



RUMAMPA rin pala sa Milan Fashion Week (MFW) si Max Collins. Naimbita siya sa fashion show ng Hogan, Fendi, Bally at Collin Milano. 


Nakarampa nang maayos at walang ingay si Max dahil walang mga fans na ikinukumpara siya kina Pia Wurtzbach at Heart Evangelista.


Magaganda ang suot ni Max at recorded ang mga fitting session niya sa mga brand na kanyang isinuot. 


Dahil nag-debut na siya sa MFW, wish ng mga fans ni Max na maimbita rin siya sa PFW at sa iba pang fashion week.


Ang isang napansin ng mga followers ni Max sa Instagram ay ang comment ng ex nitong si Pancho Magno na kahit emoji lang ng clapping hands, kanila nang ikinatuwa. 


Kahit daw hiwalay na ang dalawa, maganda pa rin ang kanilang relasyon, friends sila at nagwo-work ang co-parenting setup nila para sa anak nilang si Sky. 


Sa emoji comment ni Pancho, “@magnopancho” ang sagot ni Max with matching red heart emoji.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page