top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 4, 2021



Sinira ng Bureau of Customs (BOC) Port of Manila ang aabot sa P2 bilyong halaga ng mga nakumpiskang pekeng produkto noong Sabado sa Meycauayan, Bulacan.


Ayon sa Intellectual Property Rights Division (IPRD) ng Intelligence Group ng BOC, kabilang sa mga pekeng produkto ay gumagamit ng brand name ng Nike, Vans, Adidas, Jordan, Hello Kitty, New Balance, Victoria’s Secret, Lacoste, NBA, Gucci, Tribal, Jag, Fila, Supreme, Puma, Mickey Mouse, Wrangler, Cetaphil, Nivea, Louis Vuitton, Bulgari, Tommy, Champion, Cool Water, Jo Malone, Clinique, Glutamax, JBL, Dove, Jergens, at Dior.


Samantala, ayon sa BOC ay lalo pang paiigtingin ng ahensiya ang pagbabantay laban sa mga pekeng produkto.


Pahayag pa ng BOC, “The District Collector further warned the public to be wary of using counterfeit products as they may have adverse side effects; lotions, perfumes even electronic products that are substandard.


 
 

ni Lolet Abania | June 2, 2021




Nasa P66.2 milyong puslit na pekeng sigarilyo ang nakumpiska sa dalawang shipments ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Subic.


Sa isang statement, ayon sa BOC nitong May 19, isang 40-footer container na idineklarang mga sapatos na consigned sa RNRS Trading, habang isa pang shipment ng cartons film na consigned naman sa Heybronze Non-Specialized Wholesale Trading ang dumating sa nasabing daungan.


Ayon sa BOC, sumailalim ang dalawang shipments sa physical examination kung saan nadiskubre ang iba’t-ibang pekeng sigarilyo na may mga brand na Marvels Menthol, Marvels Filter, Two Moon Filter, Two Moon Menthol, Fort Menthol 100’s, Mighty Menthol, Champion at Jackpot.


Nag-isyu na ng warrants of seizure at detention nitong May 28 laban sa mga shipments dahil sa umano'y paglabag sa National Tobacco Administration Memorandum Circular No. 03, NTA Board Resolution No. 079-2005, Republic Act 8293 o ang Intellectual Property Code of the Philippines, at RA No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 25, 2021




Arestado ang online seller na si Paulino Ballano dahil sa pagbebenta umano ng mga pekeng mamahaling produkto, kung saan 631 piraso ng luxury bags, wallet, scarf at iba pang leather goods na nagkakahalagang P68 milyon ang nasamsam habang nagla-live selling siya sa isinagawang operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na iniulat ngayong araw, Marso 25.


Giit pa ni NBI Executive Officer Agent John Ignacio, “Sa unang tingin n’yo, akala n’yo, original, pero peke ito. Unang-una, ang naaapektuhan dito, 'yung brand owner. Bukod du’n, pati ating gobyerno, naaapektuhan kasi nga itong mga ito, hindi nagbabayad ng tamang buwis.”


Batay sa ulat, ang luxury brand na nakabase sa Paris, France mismo ang nagreklamo sa NBI sa pamamagitan ng isang local firm laban sa umano’y pagbebenta ni Ballano sa online ng mga counterfeited products nila.


Paliwanag pa ng NBI, dadalhin ng mga awtoridad sa korte ang lahat ng nakumpiskang produkto at hihilingin na sirain ang mga ito upang hindi na magamit.


Kinilala rin ang suspek bilang isang direktor sa teatro. Karamihan sa mga kliyente niya ay mula pa sa Taiwan, US, Canada at United Arab Emirates. Katwiran pa niya, hindi lahat ng ibinebenta niya ay peke.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page