top of page
Search

ni Lolet Abania | December 4, 2021


ree

Isinailalim ang mga guro mula sa pampublikong paaralan sa Quezon City na nakatakdang makibahagi sa pilot run ng limitadong face-to-face classes sa susunod na linggo, sa antigen tests sa COVID-19 ngayong Sabado.


Nasa tinatayang 200 guro mula sa Payatas B Annex Elementary Schools ang na-tests ng Sabado ng umaga. Sa ngayon, wala ni isa sa mga guro ang nagpositibo sa virus matapos ang kanilang COVID-19 testing.


Sa hapon naman ng Sabado, ang mga guro mula sa Bagong Silangan Elementary School sa Quezon City ang isinailalim din sa antigen tests sa COVID-19.


Ang pagsasailalim sa COVID-19 testing sa mga guro ay bahagi ng measures na isinasagawa para sa paghahanda sa pilot run ng limitadong face-to-face classes na nakatakdang simulan sa Lunes, Disyembre 6.


Gayundin, para masiguro na ang mga guro ay walang COVID-19 at tiyakin sa mga magulang na ang kanilang mga anak ay magiging ligtas sa pagpasok nila sa mga klase.


Sa Lunes, 28 paaralan sa Metro Manila ang makikibahagi sa pilot run ng face-to-face classes.


Nitong Huwebes, inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) na 177 eskuwelahan, kabilang na ang 28 public schools sa Metro Manila, ang sasali sa pilot run ng in-person classes.


Ang karagdagang ito ang nanguna sa 118 paaralan na inisyal na inaprubahan ng DepEd para isagawa ang limitadong face-to-face classes noong Nobyembre.


Matatandaang sinimulan noong Nobyembre 15 ang pilot testing ng face-to-face classes sa maraming lugar sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic, kung saan 100 public schools, na nagpatupad ng mahigpit na health protocols, ang nakibahagi.


Habang 18 private schools naman mula rin sa maraming lugar sa buong bansa na nasa low risk sa COVID-19 ang nagsimula ng kanilang pilot face-to-face classes noong Nobyembre 22.


Ayon sa DepEd, ang tinatawag na assessment period para sa initial run ng pilot face-to-face classes ay hanggang Disyembre 22, 2021. Ang pilot study naman ay nakatakdang magtapos sa Enero 31, 2022.


 
 

ni Lolet Abania | December 2, 2021


ree

Ipinahayag ng Department of Education (DepEd) ngayong Huwebes na 177 eskuwelahan, kabilang dito ang 28 public schools mula sa Metro Manila, ang makikiisa sa pilot run ng in-person classes simula Disyembre 6.


Nanguna ang karagdagan na ito kumpara sa 118 paaralan na inisyal na inaprubahan ng DepEd na magsimula ng limitadong face-to-face classes noong Nobyembre.


Sa National Capital Region, magkakaroon ng dalawang eskuwelahan bawat isa mula sa Manila, Quezon City, Caloocan City, Mandaluyong City, Marikina City, Muntinlupa City, Navotas City, Parañaque City, Pasig City, Taguig City, Valenzuela City, at Las Piñas City.

Isang paaralan bawat isa naman mula sa mga lungsod ng San Juan, Pasay, Malabon, at Makati.


Magugunitang nagsimula ang pilot testing ng face-to-face classes noong Nobyembre 15 sa maraming lugar sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic, kung saan 100 public schools, na subject sa mahigpit na health protocols ay nakibahagi rito.


Gayundin, 18 private schools mula sa maraming lugar sa buong bansa na nasa low risk ng COVID-19 ay nagsimula rin ng kanilang sariling pilot face-to-face classes noong Nobyembre 22.


Ang mga naturang eskuwelahan ay nasa mga lugar na itinuturing na ligtas ng DepEd at ng Department of Health (DOH).


Ayon sa DepEd, ang tinatawag na assessment period para sa initial run ng pilot face-to-face classes ay hanggang sa Disyembre 22, 2021, habang ang pilot study ay nakatakdang magtapos sa Enero 31, 2022.


Sinabi pa ng DepEd na ang resulta pilot testing ay kanilang ipiprisinta kay Pangulo Rodrigo Duterte sa Pebrero 2022. Sakaling maganda ang kinalabasan ay palalawakin ito na sisimulan sa Marso 7, 2022.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 28, 2021


ree

Pinaghahandaan na ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang pagbabalik ng face-to-face classes sa National Capital Region (NCR).


Ito ay makaraang bigyan ng go-signal ng Department of Education ang ilang paaralan na magsagawa ng face-to-face classes simula Disyembre 6.


“The PNP will secure a final list of the participating school so I can order the chiefs of police in those areas to plan for their deployment to ensure security in these school premises,” ani PNP Chief Gen. Dionardo Carlos.


Siniguro naman ni Carlos na hindi na mauulit pa ang nangyari sa Pangasinan kung saan nakuhanan ng lawaran ang ilang police personnel na nasa loob ng classroom na may bitbit na long firearms habang ipinapatupad ang face-to-face classes.


“Schools are zones of peace and we will acknowledge that. Much has been done to orient our personnel regarding this policy.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page