top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 10, 2021




Pumanaw na ang dating mayor ng Olongapo na si James “Bong” Gordon, Jr., ayon sa kanyang kapatid na si Senator Richard Gordon sa ginanap na Senate session ngayong Martes nang hapon.


Samantala, walang binanggit si Sen. Gordon na sanhi ng pagkamatay nito.


Nagsilbing mayor ng Olongapo si Gordon simula noong 2004 hanggang 2013.


Nagserbisyo rin siya bilang congressman sa Zambales simula noong 1995 hanggang 2004. Nagpahayag naman ng pakikiramay sina Senate President Vicente Sotto III at Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa mga naulila ni Gordon.


Pahayag ni Zubiri, "We would like to just give our deepest and sincerest condolences to the family of Senator Richard Gordon for the passing of his dear brother who was a very, very good friend of ours, many of us. He was a classmate of ours in Congress.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page