top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | June 23, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Veronica mula sa Tagaytay.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nasa isang napakatahimik na lugar ako. Walang ingay na maririnig, at kalmado ang lahat sa paligid. Tumingin ako sa langit at biglang lumitaw ang isang bahaghari. 


Ano ang ibig sabihin ng aking panaginip?


Naghihintay,

Veronica



Sa iyo, Veronica,



Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa isang lugar ka na tahimik, walang ingay na maririnig, at kalmado lahat ang paligid ay hudyat na matatapos na ang mga alalahanin mo sa buhay. Malulutas na rin sa wakas lahat ng problemang gumugulo sa isip mo. Magiging kuntento at panatag na rin ang iyong isipan.


Samantala, ang nakakita ka ng bahaghari ay nagpapahiwatig na dapat kang matuwa dahil magkakaroon na ng mga pagbabago sa buhay mo na magdudulot sa iyo ng kaunlaran at kasaganahan. Tuluy-tuloy ka na ring yayaman. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Ika-27 Araw ng Abril, 2024



ree

Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Remy ng Batangas.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na sinama ako ng boyfriend ko sa farm nila. Namitas kami ng mulberries at pagkatapos ay dinala niya ko sa taniman nila ng cultured mushrooms, at kumuha kami ng mushroom upang lutuin. Pagdating sa bahay nila, agad siyang nagpatugtog ng love song.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Remy


Sa iyo, Remy,


Ang panaginip mo na nagpunta kayo sa farm ng boyfriend mo, namitas kayo ng mulberries, ito senyales ng kayamanan at karangalan. Ito rin ay pahiwatig na mauuwi kasalan ang inyong pag-iibigan. 


Ang mushroom ay nagpapahiwatig na yayaman kayo ng boyfriend mo, pero hindi agad-agad. Bagkus, unti-unting uunlad ang kabuhayan n’yo dahil sa sarili n’yong pagsisikap hanggang sa tuluyan na kayong yumaman.


Samantala, nagpatugtog ng music ang boyfriend ay sign ng maligayang buhay sa piling ng inyong magiging pamilya. Ito rin ay nangangahulugan na mababait, maaalalahanin at maaasahan ang mga kaibigan n’yo at handa nila kayong damayan  sa kagipitan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Ika-27 Araw ng Abril, 2024



ree

lisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Carol ng Bulacan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko ‘yung ex ko. Handa niya umano akong pakasalan, nakangiti siya at may dalang kuwintas na may palawit na perlas. Agad niya rin itong sinuot sa akin.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Carol


Sa iyo, Carol,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na handa kang pakasalan ng ex mo, nakangiti siya sa iyo ay mahal ka pa rin niya hanggang ngayon. Totoo ang pag-ibig niya, at wala itong halong pagkukunwari. Tapat siyang magmahal at mabuting asawa.


Ang sinuot niya ang kuwintas sa iyo ay nangangahulugan na ang ex mo na nga ang iyong makakatuluyan. Hindi na siya magpapatumpik-tumpik pa. Sisiguraduhin niya na hindi ka mapupunta sa ibang lalaki, at kayo na ang magsasama habambuhay. Ito rin ay nangangahulugan na magiging stable at matatag ang kanyang kalagayan. Ibig sabihin, kayang-kaya niyang magkaroon ng sariling pamilya.


Samantala, ang palawit na perlas ay nangangahulugan ng kaligayahan, karangalan at kayamanan. Liligaya ka sa piling ng dati mong dyowa. Pagpapalain at yayaman din kayo. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page