top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 25, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Minerva ng Cavite.

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pinagtataksilan at pinaglalaruan ako ng dyowa ko. Pero sa katunayan, hindi ko rin naman siya mahal dahil may iba pa akong dyowa bukod sa kanya.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Minerva


Sa iyo, Minerva,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na pinagtaksilan at pinaglaruan ka ng dyowa mo ay kabaligtaran ang ipinahihiwatig, mahal na mahal ka ng dyowa mo, tapat siya sa iyo at handa ka niyang pakasalan sa takdang panahon.


Samantala, kung ikaw naman ang nagtaksil sa kanya at may iba kang dyowa, ito ay senyales na malalagay ka sa isang matinding pagsubok. Susubukan ka ng dyowa mo kung talaga bang mahal at tapat ka sa kanya. Dahil d'yan, humanda ka sa darating na mga araw, maging alerto ka sa balak gawin ng dyowa mo dahil may posibilidad na hindi ka makapasa sa gagawin niyang pagsubok sa iyo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 24, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Helen ng Malabon.



Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nag-shopping ako sa isang malaking mall hanggang sa nakasalubong ko ‘yung dati kong boyfriend. Nginitian niya ako at inabutan ng bouquet of roses, ang bango ng mga roses. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Helen



Sa iyo, Helen,



Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nag-shopping ka sa isang malaking mall ay magiging maganda ang negosyo mo lalo na kung ito ay may kaugnayan sa ready-to-wear dress. Ito rin ay nangangahulugan ng matatag, komportableng pamumuhay at kaligayahan sa tahanan kapiling ang iyong mga mahal sa buhay. 


Ang nakasalubong mo ang dati mong boyfriend, nginitian ka niya ay nagpapahiwatig na sunud-sunod na mga pagpapala ang makakamit mo, at susuwertehin ka rin sa napakaraming bagay. 


Samantala, ang inabutan ka ng bouquet of roses at ang bango ng amoy nito ay senyales ng kaligayahan, tagumpay at kasaganahan.




Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 22, 2024




Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Ronald ng Makati.


Dear Maestra,



Napanaginipan ko na nakabili ako ng isang ektaryang lupa sa probinsya namin. Nag-housing loan ako, at pinatayuan ko ito ng aking dreamhouse. 

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Ronald



Sa iyo, Ronald,



Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakabili ka ng lupa sa probinsya ay kasaganahan at pagiging malaya sa lahat ng bagay. Yayaman at walang makikialam o manghihimasok sa buhay mo. 


Ang bilang na isa ay nangangahulugan ng mag-isang pamumuhay. Matulungin ka sa iyong kapwa. Nasisiyahan ka kapag lahat ng kaibigan mo ay natutulungan mo. Pero 'pag ikaw naman ang naipit at nangailangan, wala kahit isa ang tumutulong sa iyo.


Gayunman, masaya ka na rin naman dahil sikat at malakas ang iyong karisma.


Samantala, ang nag-housing loan ka para makapagpatayo ng dreamhouse ay senyales na magiging matagumpay ang iyong negosyo. Kikita ka ng malaki at makakapagpatayo ka pa ng panibagong negosyo. Ito rin ay sumisimbolo  na makakapag-asawa ka na at magiging maligaya ang inyong pagsasama.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page