top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 15, 2026



Ken Chan

Photo: Ken Chan / Instagram



Magandang balita para sa mga fans kung totoo ngang uuwi na si Ken Chan sa ‘Pinas upang harapin ang mga kasong isinampa ng kanyang mga business partners. 


Ngayong 2026, posible raw na magpakita na si Ken upang linisin ang kanyang pangalan. 

Mahirap man ito para sa actor, magandang move ito upang maipakita niya sa kanyang mga business partners na handa siyang ayusin ang mga atraso niya sa kanyang mga kasosyo. 


Hopefully, may mga taong tumulong kay Ken upang makabangon siyang muli. 

Nariyan pa naman ang kanyang mga kaibigan sa showbiz na puwede niyang lapitan at hingan ng tulong. 


Sayang ang career ni Ken Chan matapos siyang mawala at hindi nagpakita ng halos dalawang taon. Makakabawi naman siya at makakabangon kapag binigyan ng second chance ng GMA-7. 



Gustong maka-try ng kakaiba… 

BARBIE, GAME RIN SA KAPWA BABAE



BAGO pa dumating kay Barbie Forteza ang pelikulang Until She Remembers (USR), na pinagbibidahan nila nina Boots Anson-Rodrigo at Charo Santos, may offer na sa kanya na gumawa ng isang GL movie (girls’ love). 


Game naman si Barbie sa nasabing project at may naisip na siyang magaling na aktres na gusto niyang makasama. Sikat din ito at halos magkaedad lamang sila. 

Challenging para sa aktres ang gumawa ng GL movie dahil mas lalalim pa ang kanyang pagiging aktres at hahamon sa kanyang kakayahan. 





Ganunpaman, hindi natuloy at hindi nag-materialize ang nasabing GL movie ni Barbie, kaya inakala niyang wala pa sa panahon ang pagtanggap ng mga ganitong movies na tiyak na ikaka-shocked din ng kanyang mga diehard fans. 


Pero ang movie na USR ay GL ang tema — isang love story ng dalawang senior

ladies na ginagampanan nina Boots at Charo. 


Tiyak na marami ang makaka-relate sa istorya. Ito ay mula sa direksiyon ni Brillante Mendoza.



SAMANTALA, maraming fans ang natuwa nang mapanood sa TikTok (TT) si Boots Anson-Rodrigo kasama sina Charo Santos-Concio at Barbie Forteza. 

Ang cute nilang panoorin at puwede naman pala silang sumabay sa uso ngayon. 


Sa isang interview, binanggit ni Boots na pangarap niya ang makapagsayaw sa ASAP Live kasama sina Charo at Helen Gamboa. Hindi man sila kasinghusay ng Sexbomb Girls sa paghataw sa dance floor, nakakasunod naman sila sa uso. 


For sure, marami ang mag-aabang kina Boots, Charo at Helen kapag ready na silang mag-perform sa ASAP at dito nila maipapakita ang iba pa nilang talent bukod sa pag-arte. 


Maraming fans naman ang nag-suggest na gumawa sila ng comedy movie na iikot sa buhay ng mga senior single ladies, para naman hindi laging drama ang mapapanood sa kanila.



ALIW na aliw ang Kapuso actress na si Carla Abellana sa vlog nina Alex Gonzaga at Luis Manzano. Hindi pinalampas ng aktres ang vlog nila dahil nakakagaan ng mood. 


Magaan at simple lang ang mga atake nina Alex at Luis sa kanilang vlog, pero marami silang napapasaya sa mga viewers. 

Natural na natural ang pagiging kikay at kengkoy ni Alex, kaya patok sa mga subscribers. 


Kahit na minsan ay may mga pranks siya sa kanyang guests, si Luis naman ay puno ng energy, maraming jokes at napaka-witty. 


Puwedeng mag-collab sina Alex Gonzaga at Luis Manzano dahil swak silang comedy tandem. Riot tiyak kapag pinagsama sila.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 12, 2026



TEKA NGA - WILLIE, TALO SA BIDDING NG ROLLS ROYCE NG DISCAYA COUPLE_FB Wilyonaryo

Photo: FB Wilyonaryo



Nagkaroon ng auction ang Bureau of Customs (BOC) para sa mga nakumpiskang luxury cars ng Discaya couple, at kasama na rito ang kontrobersiyal na Rolls Royce na may kasamang payong. 


Tatlo ang nag-bid sa Rolls Royce Cullinan na may starting bid na P29 milyon. Isa sa mga nag-bid para sa Rolls Royce ay ang TV host-comedian na si Willie Revillame. 


Sad to say, hindi napanalunan ni Wil ang sasakyan ng mga Discaya. Ang nanalo sa auction ay ang Igorot Stone Kingdom, Inc., na siyang nagpagawa ng Igorot Stone Kingdom sa Baguio. 


Ayon sa balita, nabenta ang kontrobersiyal na Rolls Royce ng Discaya couple sa halagang P29,026,000.



SA February 14 pa ang kanyang kaarawan, pero isang advance birthday celebration na ang isinagawa ni Heart Evangelista para sa kanyang 41st birthday. 


Bumisita siya sa mga foundation na kanyang sinusuportahan. May sarili na siyang foundation, ang Heart Can Foundation, na tumutulong sa mga batang may sakit. 


Maging ang Corridor of Hope at Cerebral Palsy of Sorsogon ay suportado rin ng Heart Can Foundation. 


Aktibo ang aktres-fashion icon sa kanyang mga advocacies, tulad ng pagsuporta sa karapatang-pantao ng LGBTQIA+ community, mental health awareness at pagtulong sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS) na sumasagip sa mga stray dogs at cats. 


Malapit din ang puso ni Heart sa mga senior citizens, kaya bumisita siya sa Homes for the Elderly at namigay ng mga basic needs ng mga seniors. 

Kaya naman naging fulfilling para kay Heart Evangelista ang kanyang 41st birthday celebration.



NATATAWA na lang ngayon si Luis Manzano kapag naaalala niya na tinatawagan siya ni Toni Gonzaga kahit na madaling-araw kapag broken hearted ito. At to think na isa siya sa mga masusugid na manliligaw nito that time, ha? 


Masakit iyon para kay Luis, pero hindi niya matiis ang aktres-TV host. At kahit hindi siya pinalad, naging best friends naman sila at sinusuportahan ang isa’t isa. 


Happy si Luis para kay Toni na nakahanap ng perfect guy na tulad ni Direk Paul Soriano. Sila talaga ang meant for each other. 


May chemistry sina Toni at Direk Paul. Mas nag-grow ang aktres at mas humusay sa pagho-host. Nag-level-up nang husto ang career niya. 


Maraming aktor ang nanligaw noon kay Toni Gonzaga, pero si Direk Paul Soriano ang tumagal at hindi sumuko sa panliligaw, kaya pumasa rin siya sa pamilya Gonzaga.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 9, 2026



Sanya Lopez

Photo: IG Sanya Lopez



May nagpapasaya na sa puso ni Sanya Lopez at naipakilala na niya ang lucky guy sa mga kapwa niya Sang’gre na sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla at Gabbi Garcia. 

Kung dati-rati ay ‘no boyfriend since birth’ o NBSB ang lagi niyang sinasabi sa mga interviews, ngayon ay ‘taken’ na ang aktres. 


Pero wala pa siyang ipino-post sa social media na anumang larawan ng lalaking bumihag ng kanyang puso. Hangga’t maaari ay gusto raw niyang maging pribado ang kanilang relasyon. 


Kaya naman maging ang mga fans ni Sanya ay excited nang makilala ang kanyang boyfriend. Guwapo ba ito at richie-richie? 


But one thing is sure, isang AFAM o foreigner ang BF ni Sanya at tiyak na may pera ito at negosyo na babagay sa isang celebrity na katulad niya. Wala namang magiging problema si Sanya kung sakaling magpakasal na siya. 


Well, kapag AFAM ay hindi seloso at hindi possessive. Maiintindihan niya ang trabaho ni Sanya Lopez bilang artista. For sure, hindi nito hihilingin na i-give-up ng aktres ang kanyang showbiz career.



Fans, tuwang-tuwa…

BINI, BIG SURPRISE SA CONCERT NG SEXBOMB



MARAMING fans ang labis na nag-alala nang maaksidente si Aira Bermudez sa kanyang buwis-buhay na pagsasayaw sa Round 4 ng Get, Get, Aww! concert ng Sexbomb Girls. Nahulog at bumagsak sa sahig ang Sexbomb dancer.

Ganunpaman, itinuloy pa rin ni Aira ang kanyang partisipasyon sa concert. 


Maraming pasabog na naganap sa concert. Nag-guest si Sugar Mercado at kasamang nag-perform. Nagpasirku-sirko sa stage si Sugar at ginaya ang mga moves ng Sexbomb Girls. 


Ang dating miyembro naman na si Izzy Trazona ay dumating din at pinaakyat sa stage, kaya naging emotional ang lahat ng Sexbomb Girls. 


Sa lahat ng girls, si Izzy ang pinakamabait, conservative at walang kaere-ere kaya mahal siya at kasundo ng kanyang mga kapwa dancers. 


Masayang-masaya si Izzy na natuloy at naging malaking tagumpay ang reunion concert. Gustuhin man niya na maging bahagi ng concert ay hindi niya magawa dahil sa ilang personal na kadahilanan. 


Samantala, biggest surprise sa lahat ang guesting ng girl group na BINI sa Round 3. Nagsanib ang lahat ng mga fans at pinatunayan ng Sexbomb na hindi sila kayang pataubin ng mga BINI sa hatawan. Sulit na sulit ang ibinayad ng mga nanood.



SUCCESSFUL at napakasaya ng Love Ablaze pre-Valentine concert ng Daughters of Saint Paul na ginanap sa Music Museum last February 6. Isa itong fundraising concert para sa mga maysakit at elderly Sisters ng St. Paul. 


Pinamunuan ng Charity Diva na si Token Lizares ang pagbuo ng concert. Nag-perform sa nasabing fundraising show sina Mitch Valdez, Jun Polistico, Patricia Javier, Lindsay Custodio, Thor Valiente, kasama ang Moments Band. Si Ryan Englis naman ang nag-host.


Kahit na galing sa sakit, naging bahagi rin ng concert si Token na sobrang sipag sa pagkuha ng mga sponsors at pagbebenta ng mga tickets. 


Samantala, matagal naming hindi napapanood sa concert scene si Jun Polistico. Matagal siyang nanirahan sa USA mula 1972 at bumalik lang sa ‘Pinas noong 1990 at ipinagpatuloy ang kanyang singing career. 


Sa edad niyang 73, hindi pa rin nagbabago ang hagod ng boses ni Jun. Gustung-gusto ng audience ang version niya ng mga kanta nina Frank Sinatra, Matt Monro, Engelbert Humperdinck at Neil Diamond. 


Sa panahon ng kanyang pagiging recording artist, nagkaroon si Jun Polistico ng 18 hit songs.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page