top of page
Search

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | April 23, 2022



Hats-off kay Robin Padilla ang comedian-financial adviser-vlogger na si Chinkee Tan. Bilib na bilib si Chinkee sa pagiging simple at kuripot ni Binoe. Napanood kasi niya ang vlog ni Mariel Padilla kung saan binanggit nito na hindi brand conscious si Robin pagdating sa kanyang mga gamit.


Kahit na anong klaseng brand ng t-shirt, kahit na mumurahin at sa palengke lang binili ay isinusuot ng kanyang mister.


Maging sa mga sapatos ay hindi rin mapili si Robin. Basta komportable siya sa suot na sapatos ay hindi mahalaga kung locally made ito.


Ganu'n kasimpleng mamuhay si Binoe at hindi siya ang tipo na gagastos nang malaki para lang sa mga branded t-shirts at sapatos.


Para kay Chinkee Tan, maganda ang attitude na ito ni Robin Padilla sa kanyang buhay. Hindi siya maluho at hindi katulad ng ibang sikat na artista na ipinagyayabang na puro imported at branded ang mga gamit.


At maging sa pagkain ay simple lang ang gusto ni Robin Padilla. Masang-masa pa rin siya.


Kaya tiyak na malaking impluwensiya siya kay Mariel na mahilig magbibili noon ng mga branded na gamit, bagama't hindi naman pinipigilan ni Robin ang misis na mag-shopping ng mga bagay na gusto nito.


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | April 22, 2022


Marami sa malalapit na kaibigan ng Kapuso actress na si Rhian Ramos ang umaasa at nagdarasal na sana nga, ang businessman na si Sam Versoza na ang “Mr. Right” na itinakda para sa kanya.


Ilang beses na ring umibig at nabigo si Rhian. Lagi na lang nauuwi sa paghihiwalay ang kanyang mga relasyon. Bigay-todo kasing magmahal si Rhian. Pero, lagi siyang nasasaktan at hinihiwalayan.


Deserve ni Rhian ang lumigaya sa kanyang buhay-pag-ibig. Kaya ang wish ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan ay matagpuan na ni Rhian ang kanyang “the one” na matagal na niyang hinihintay.


Isang super rich na businessman ang nababalitang BF ngayon ni Rhian Ramos, si Sam Versoza ng Frontrow. Marami itong negosyo kaya hindi na nagtaka ang lahat sa balitang niregaluhan ni Sam ng house and lot sa isang exclusive subdivision ang GF na aktres.


Well, sa pagkakaalam namin, hindi materyosong tao si Rhian Ramos. Hindi ang yaman ng kanyang nakakarelasyon ang kanyang habol. Tunay na pagmamahal at pagkalinga ang hanap niya sa lalaking kanyang mamahalin.


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | April 21, 2022



Sobrang nakaka-proud na ang isang Pinay celebrity na tulad ni Heart Evangelista ay napansin at hinangaan ng mga sikat na models at fashion designers sa Paris at New York.


Madalas na naiimbita si Heart sa Paris Fashion Week at sa New York Fashion Week. Dito ay personal na nakikilala ni Heart ang mga sikat na fashion designers. Nakikipagsabayan din si Heart sa pagrampa kasabay ang mga sikat na ramp models.


Maraming top designers din ang nag-aalok kay Heart upang isuot ang kanilang mga signature creations, kaya nag-enjoy si Heart sa pagsusuot ng Louis Vuitton, Hermes, Chanel, Prada, atbp. high-end brands.


Ang latest na nagpaparamdam kay Heart ay ang Versace. Kering-keri naman ni Heart na irampa ang mga sosyaling designer outfits. Classy ang kanyang porma kaya hindi siya nasasapawan ng mga kasabayang ramp models.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page