top of page
Search

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | April 29, 2022


ree

Kung marami mang celebrities ang very vocal at open sa kanilang pag-e-endorse ng kanilang presidentiable, meron namang nananatiling “silent supporter" na lamang at hindi ibinabandera ang kanilang kandidato.


Maaari kasing makaapekto sa kanilang pagiging product endorser kung all- out sila sa paglantad sa pinili nilang presidentiable. Papaano nga naman kung mag-react ang mga supporters ng hindi nila piniling kandidato at i-boycott ang kanilang ineendorsong produkto?


Ang kampo ni Sarah Geronimo, nag-deny na si VP Leni Robredo ang sinusuportahan ng Pop Princess. Ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ay tahimik din at hindi lantaran kung sino ang kanilang presidentiable at vice-presidentiable dahil pareho silang close sa pamilya nina Megastar Sharon Cuneta-Kiko Pangilinan at kina Tito, Vic and Joey ng Eat… Bulaga!.


Ganu'n din sina Aga Muhlach, Gabby Concepcion, Dingdong Dantes at Marian Rivera na tahimik lang sa kani-kanilang manok.


Samantalang sina Dawn Zulueta, Lucy Torres, Richard Gomez, Ai Ai delas Alas, Aegis at Bayani Agbayani ay true-blooded BBM-Sara supporter.


Sina Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Gary V., Vice Ganda, Kathryn Bernardo, Edu Manzano, Cherry Pie Picache, Pokwang, Melai Cantiveros atbp. ay solid Leni supporter.


Well, makadaragdag ba ng boto sa kandidato ang mga fans ng malalaking sikat na celebrities? Just asking.


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | April 28, 2022


ree

Nasa last leg na ng campaign period at mukhang nag-effort naman si Heart Evangelista na tumulong sa pangangampanya para sa kanyang mister na si Chiz Escudero na tumatakbong senador ngayon.


Marami ang natuwa kay Heart nang mag-ikot siya sa palengke ng Sorsogon. Game rin siyang sumubok na mag-debone ng bangus. Ipino-promote rin niya ang bagong Sports Complex na project ni Chiz Escudero.


Malakas pa rin ang appeal ni Chiz sa mga botante. Nasa Top 5 ang standing niya sa latest survey ng mga senatoriables. Nakita ng lahat na nagtatrabaho siya noong naging senador siya. Wala ring isyu na ibinabato sa kanya ang mga bashers. Malinis ang kanyang imahe at track record sa panahon ng kanyang pagiging senador noon.


Matalino, masipag, dedicated sa trabaho at may malasakit sa mahihirap si Chiz Escudero. Kaya kahit na hindi ikampanya ni Heart ang mister, muli siyang ibabalik ng mga botante sa Senado at iiwan niya ang Sorsogon na malaki naman na ang nagawa niyang pagbabago.


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | April 27, 2022


ree

Hindi na napigil ng Kapuso actor na si Ken Chan ang kanyang galit na nararamdaman sa isang taong hindi niya inaakala na magtatraydor sa kanya. Malapit pa naman sa kanya ang taong 'yun kaya dismayado siya at masama ang kanyang loob.


Hindi niya ine-expect na ang taong kanyang pinagkatiwalaan at itinuring na kaibigan ang siya pang sisira sa kanya nang talikuran.


Nilinaw ni Ken Chan na hindi niya kamag-anak ang taong nagtraydor sa kanya. Hindi siya nagbanggit ng anumang pangalan kung sino ang taong involved, pero may ilang malalapit kay Ken ang nagsasabing ang dati raw niyang ka-love team na si Rita Daniela ang nasa likod ng paninira sa kanya.


Well, marami ang nagtataka kung bakit kailangang humantong sa ganitong senaryo ang lahat. Nagkaroon ba ng lamat at falling out ang dating magandang friendship nina Ken at Rita? Sayang naman ang mga panahon na kanilang pinagsamahan.


Matapos niyang mailabas ang kanyang mga hinaing at sama ng loob, medyo gumaan na ang loob ni Ken Chan at sa kanyang role sa Mano Po Legacy: Her Big Boss na lamang niya ibinubuhos ang kanyang panahon.


Masaya siya na maganda ang feedback ng mga viewers sa bagong show nila ni Bianca Umali.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page