top of page
Search

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | May 2, 2022


ree

Maraming fans ni Sarah Geronimo ang nagtatanong kung kailan siya magiging aktibo sa kanyang showbiz career.


Gusto na nilang mapanood ang idolo nilang Pop Royalty sa isang regular show. Dapat na rin daw bumalik sa concert scene si Sarah, tutal naman ay wala pa sa agenda nila ni Matteo ang pagkakaroon ng baby.


Puwede ring gumawa ng pelikula si Sarah G. Kaya naman, binubulabog ng mga fans si Boss Vic Del Rosario na siyang nagma-manage sa career ni Sarah.


Naghihintay lang ng right timing para maumpisahan ang lahat. Sa ngayon, maganda ang plano ni Boss Vic para kay Sarah. Nakahanda na ang mga shows at concerts na kanyang gagawin.


Naghihintay lang ng right timing para maumpisahan ang lahat.


Sa ngayon ay ini-enjoy muna ni Sarah ang kanyang masaya at tahimik na buhay sa piling ng kanyang mister na si Matteo Guidicelli. Nakabili na siya ng farm lot sa Quezon at dito sila namamalagi.


Ngayon pa lang bumabawi si Sarah Geronimo sa kanyang kalayaan sa maraming bagay mula nang magpakasal kay Matteo Guidicelli.


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | May 1, 2022


ree

Dahil sa magandang feedback ng mga viewers sa guesting ni Andrea Torres last week sa sitcom na Happy ToGetHer, may extension ang special appearance ng aktres ngayong Linggo.


May mga fans si JLC na nagsasabing may chemistry ang tambalang Andrea-John Lloyd Cruz. May mga fans din si Andrea na tanggap si Lloydie dahil mabait ito at gentleman. Hindi raw nila tututulan sakaling magkalapit ang dalawa.


Sabi naman ng ilang netizens, deserve nina Andrea at John Lloyd ang second chance in love. Puwede silang magsimula muna bilang magkaibigan upang makilala ang isa't isa. Pero, panahon na lang ang magsasabi kung itinakda sila ng kapalaran.


Sa ngayon ay hindi naman prayoridad nina Andrea at John Lloyd ang kanilang love life. Sa kanilang career sila naka-focus.


Si JLC, bumabawi pa lamang sa mga oportunidad na kanyang pinalampas noong nagpahinga siya nang dalawang taon. Marami siyang balak gawin sa kanyang career at personal na buhay.


Samantalang si Andrea Torres ay unti-unti pa lamang nakaka-move on sa isang masakit na kabiguan sa pag-ibig, kaya gusto niyang magpakaabala sa kanyang career upang tuluyang bumalik sa normal ang lahat.


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | April 30, 2022


ree

Sa totoo lang, isa kami sa mga nagulat nang mapanood namin ang bagong TV ad ni Isko Moreno. Cool na cool at relaxed na relaxed siya sa kanyang panawagan sa lahat na kalimutan na kung anuman ang kulay ng mga kandidato. Nanawagan siyang mag-move on na, 'wag mag-away-away at 'wag magsiraan.


Biglang-bigla, nagbago ang campaign strategy ni Yorme Isko. Epekto kaya ito ng sunud-sunod na pamba-bash sa kanya ng mga supporters ni VP Leni Robredo?


Biglang kambiyo si Moreno at hindi na gaanong agresibo. Hindi na palaban ang kanyang diskarte.


Nasilip naman ng ilang netizens ang kanyang bagong TV ad na sunud- sunod na umeere sa GMA Network. Magkano raw kaya ang aabutin ng kanyang mga TV ads, eh, ang mahal-mahal ng rate sa GMA-7.


Tiyak na milyun-milyon ang babayaran ni Yorme Isko Moreno sa kanyang mga TV ads. Pambawi niya ito sa mga Kakampink na nagalit nang sira-siraan niya si VP Leni Robredo.


May ilang grupo nga raw ng Isko Moreno supporters ang nagsilipat na sa kampo ni VP Leni dahil dismayado sila sa Manila mayor.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page