top of page
Search

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | May 5, 2022


ree

Naging maayos, masaya at tahimik ang pagsasama nina Derek Ramsay at Ellen Adarna pagkatapos nilang magpakasal. Ang kanilang mga negosyo ang tinututukan nila ngayon.


Kahit may kontrata pa si Derek sa GMA Network, hindi muna tumanggap ng project. Ine-enjoy muna nila ni Ellen ang kanilang bonding moments bilang mag-asawa. Nag-travel sila abroad kasama si Baby Elias.


Pero, may ilang nagsasabi ng dahilan kaya pansamantalang nagpahinga si Derek sa kanyang showbiz career. Sobra raw selosa si Ellen at ayaw payagan si Derek na tumanggap ng pelikula at TV series. Ayaw ni Ellen na mawalay sa kanyang tabi si Derek.


At dahil mahal na mahal ng aktor ang kanyang misis, sinunod nito ang gusto ni Ellen. Besides, hindi naman bread and butter ni Derek ang pag-aartista. Sobra-sobra ang kanyang yaman at may mga negosyo siyang naitayo.


Kahit hindi siya magtrabaho ay mabubuhay sila nang maginhawa. Ang kanilang negosyo ngayon ang inaasikaso nina Derek at Ellen.


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | May 4, 2022


ree

Dalawang linggo na lang at election na! Hinihintay ni Manny Pacquiao ang “sign” kung uurong na ba siya sa pagtakbong pangulo.


Nang may nagsabi kasi kay Pacman na umurong na at huwag nang ituloy ang kanyang kandidatura, ang naging sagot ni Pacman ay naghihintay lang siya ng “sign" mula kay Lord kung tuloy siya sa pagka-pangulo o hindi.


Pero dahil walang “sign” na dumating, kaya do or die, tuloy si Pacman sa kanyang pangangampanya bilang pangulo.


At sa kabila ng kanyang mababang ranking sa latest survey ng presidentiable, hindi na magbabago ang desisyon ni Manny Pacquiao. At never niya itong pagsisisihan.


Alam niyang malinis ang kanyang intensiyon nang pumasok siya sa pulitika. At taas-noo niyang masasabi na hindi siya nanghingi ng tulong sa mga sponsors. Sarili niyang pera ang kanyang ginastos sa kanyang kampanya.


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | May 3, 2022


ree

Mukhang bet ng mga basketball players ang beauty ng Kapuso actress na si Sanya Lopez. At inamin naman ni Sanya na may mga manliligaw siyang basketbolista.


Ngayon, kay AJ Benson ng De LaSalle University siya nali-link. Madalas ay isinasama ni Maxine Medina si Sanya sa panonood ng basketball games kaya nahilig na rin sa basketball ang Kapuso actress.


Naging close sina Sanya at Maxine nang magkasama sila sa seryeng First Yaya at First Lady ng GMA-7.


Well, ano kaya ang reaction ni Jak Roberto sa pagkaka-link ni Sanya kay AJ Benson?


Approved na kaya sa kanyang Kuya Jak ang magkaroon na siya ng boyfriend?


Napaka-protective na kuya ni Jak. Tiyak na kikilatisin muna niya nang husto si AJ Benson.

Kung tutuusin ay nasa tamang edad na rin naman si Sanya Lopez kaya may tiwala sa kanya si Jak Roberto. And for sure, hindi naman basta na lang sasabak sa pakikipagrelasyon si Sanya hangga't hindi niya nakikilala nang husto ang kanyang manliligaw.


Besides, at this point of her life, top priority ni Sanya Lopez ang kanyang career upang makapagpundar para sa kanyang future.


Alagang-alaga ng GMA Network ang kanyang career at marami pa siyang gustong gawin at abutin. At dahil top rated sa primetime slot ng GMA ang First Lady, patuloy ang pagganda ng career ni Sanya Lopez.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page