top of page
Search

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | May 8, 2022


ree

May nakakatuwang kuwento kaming nasagap tungkol sa pangangampanya ni Robin Padilla sa Panganiban, Camarines Norte.


Pinagkaguluhan at dinumog si Binoe sa mga lugar na kanyang pinuntahan doon. Pero, hinahanap at tinatanong daw sa kanya kung nasaan si Vina Morales?


Si Vina Morales pala ang inakala ng mga nasa baryu-baryo sa Bikol na asawa ni Robin. Hindi nila kilala at hindi nila alam na ang asawa ni Binoe ay si Mariel Rodriguez na isa ring actress-TV host.


Nang makarating nga kay Vina ang insidenteng 'yun sa kampanya ni Robin ay natawa na lang siya.


Sa mundo ng showbiz ay alam ng lahat na isa si Vina Morales sa mga naging GF noon ni Robin Padilla. Pero, sa hindi malamang kadahilanan ay nagkahiwalay sila at hindi nagkatuluyan.


Si Mariel Rodriguez ang babaeng pinakasalan ni Binoe bukod kay Liezl Sicangco, ang mommy ni Kylie Padilla. May dalawang anak na babae sina Mariel at Robin. Hindi pinagseselosan ni Mariel si Vina dahil alam niyang good boy na ngayon si Binoe.


At kaya lang tumutulong si Vina Morales sa kampanya ni Robin ay dahil may pinagsamahan sila noon bilang magkaibigan. Hindi niya pangarap na mang-agaw ng asawa.


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | May 7, 2022


ree

Walang kiber ang sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto kung mother role na lang ang ibigay sa kanya ng GMA Network sa kanyang mga susunod na projects. After all, mother naman na talaga siya ngayon at marami ngang mas bata sa kanya ang gumaganap na sa mother role.


Basta maganda ang project, hindi problema kay RMQ ang anumang role. Hindi na leading lady ang target niya ngayon dahil sa comedy siya nalilinya.


At happy siya na welcome na welcome pa rin siya sa Kapuso Network at muli niyang makakatrabaho ang mga kaibigang Kapuso stars.


Sa ngayon ay pabalik-balik sa USA si Rufa Mae dahil may mga shows siyang tinanggap doon. Ginagawa lang niyang parang Divisoria ang pagbibiyahe niya sa 'Pinas at Tate.


Kapag may guesting-taping sa anumang show sa GMA-7 ay umuuwi siya ng 'Pinas. Bumabalik siya sa Amerika kapag wala siyang commitments.


Okey naman sa mister niyang si Trevor Magallanes ang ganitong setup. Nakikita ni Trevor na masaya si P-Chi sa kanyang showbiz career kaya handa siyang suportahan ang misis.


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | May 6, 2022


ree

Dismayado at nalulungkot kami sa inasal ng panganay na anak ng dating journalist at senatoriable na si Loren Legarda na si Lester Legarda Leviste, kamakailan.


Nakita at na-meet namin nang personal ang mga anak ni Loren noong mga bata pa ang mga ito. Mababait at well-behaved naman sila. Wala pa noon sa mundo ng pulitika si Loren Legarda. News anchor pa lang siya ng ABS-CBN.


Kaya laking-gulat namin nang makita namin sa social media ang post ni Lester na diretsahang tinutuligsa ang kanyang inang si Loren. Isang malaking kahihiyan ang kanyang ibinigay sa ina na isa pa naman sa mga iginagalang na journalists-politicians. Dahil lang nasa ticket ng BBM-Sara UniTeam ang kanyang ina ay kung anu-anong masasakit na salita na ang kanyang ibinato rito, na tiyak nabasa ng buong mundo.


Anong klaseng anak ba itong si Lester na hindi man lang inirespeto ang kanyang ina? Lumaki siyang matalino pero kapos sa paggalang sa kanyang magulang.


Dahil lang sa hindi niya gusto ang mga sinamahang kandidato ng kanyang inang si Loren ay nagawa na niyang lapastanganin ito?


Nasa tama ba siyang pag-iisip nang mag-post tungkol sa kanyang saloobin laban sa ina?

Dapat niyang tandaan na ang isang anak na suwail at walang galang sa magulang, kailanman ay hindi magtatagumpay at walang mararating sa buhay, kahit pa sa pinakamahal na unibersidad siya nagtapos ng kurso.


Hopefully, ma-realize ni Lester ang kanyang nagawang pagkakamali sa kanyang ina.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page