top of page
Search

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 24, 2021




Masakit man at hindi niya inaasahan, maluwag na tinanggap ni Kris Bernal ang desisyon ng GMA Network na hindi na i-renew ang kanyang kontrata.


Halos 20 years na siyang bahagi ng GMA at ito na ang itinuring niyang tahanan. Marami siyang nagawang serye at sa bawat serye ay ibinigay naman niya ang kanyang best.


Hindi siya naging problema ng production. Kapag may teyping ay maaga siyang dumarating sa set.


Nakasanayan na ni Kris ang pagiging Kapuso kaya ang hirap isipin na hindi na siya magiging permanenteng bahagi ng GMA Network.


Madalas naitatanong ni Kris sa kanyang sarili kung ano ang naging pagkukulang niya o pagkakamaling nagawa sa Kapuso Network.


Itinanggi ni Kris ang tsikang may attitude siya kaya hindi na ni-renew ang kontrata niya sa GMA Network. Wala raw matandaan ang petite actress na nag-attitude siya at umastang big star.


Hindi rin daw problema kay Kris ang talent fee dahil okey lang sa kanya kung babawasan at bababaan ng GMA-7 ang kanyang talent fee basta manatili lang siyang Kapuso.


Gustung-gusto ni Kris umarte. Masaya at napaka-challenging sa kanya kapag may bago siyang project.


Isa pang isyu na itinanggi ni Kris ay ang balitang nag-a-apply siya sa ibang network habang nasa GMA Network pa siya. Sumusumpa siyang hindi niya ito ginawa.

 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 23, 2021




Bago pa naganap ang Pacquiao-Ugas fight kahapon, may lumutang nang balita sa social media na diumano, binigyan ng tips ni Floyd Mayweather, Jr. si Yordenis Ugas kung paano tatalunin ang People's Champ na si Manny Pacquiao.


Kabisado ni Mayweather ang galawan at diskarte ni Pacman dahil tinalo niya noon ang ating Pambansang Kamao. Alam na alam na niya ang weakness ni Pacquiao kaya ito ang ipinarating ni Mayweather kay Ugas para talunin ang People's Champ.


At mukhang ginamit naman ni Ugas ang tips sa kanya ni Mayweather. Tinalo niya ang boxing legend na may hawak ng record na 8 division title.


Ang tanong naman ng marami ay kung ano na ang plano ng Pambansang Kamao matapos matalo kay Ugas? Magreretiro na ba siya ngayon sa boxing o magpapatuloy pa rin sa kanyang boxing career?


Kung iiwanan na ni Pacquiao ang boxing arena, tiyak na mahaharap na niya nang husto ang kanyang political career.


May advise naman ang ilang sports analysts kay Pacman. Ipaubaya na raw niya sa mga mas batang boksingero ang kanyang korona. Wala na siyang dapat pang patunayan. Kinilala na siya sa buong mundo bilang world-class boxer.

 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 22, 2021




Tama lang na binitawan na ni Manay Lolit Solis si Mark Herras at ipinaubaya na lang sa GMA Artist Center ang pagma-manage sa career ng dati niyang alagang aktor.


At her age na 73 yrs. old, hindi na dapat nagpapa-stress si Manay Lolit lalo na kung pasaway ang kanyang talent.


Nagawa naman niya sa abot ng kanyang kakayahan na ihanap ng mga projects si Mark. Hindi lang na-manage nang maayos ng aktor ang kanyang finances. Hindi siya gaanong nagpursige upang mag-improve ang kanyang craft.


Sa tagal ng pamamalagi niya sa GMA-7, hindi siya nag-level-up bilang aktor. Hindi naman habampanahon ay puro pagsasayaw ang makikita sa kanya ng publiko. Paano siya maisasama sa mga seryosong serye kung hindi siya kinakikitaan ng galing sa pag-arte?


Unless, gusto na niyang luminya sa pagkokontrabida o tatanggap siya ng project na supporting role lang.


Hindi naman nagkulang si Manay Lolit sa pagbibigay ng payo kay Mark Herras ng makakabuti sa kanya. At ngayong may anak na si Mark, sana raw ay magbago na ang aktor at seryosohin na ang kanyang career.


May mga kasamahan si Mark sa StarStruck na nag-alok ng tulong nang mabalitaan ang kanyang kalagayan ngayon. Pero, tinanggihan daw ito ng aktor at gumagawa na lang ng paraan para suportahan at buhayin ang kanyang mag-ina.


For sure, naunahan din siya ng hiya matapos malaman ng publiko ang kanyang sitwasyon ngayon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page