top of page
Search

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 27, 2021




Hindi big deal para kay Pops Fernandez kung wala man siyang love life ngayon. Hindi naman daw malungkot ang kanyang buhay na walang karelasyon. Hindi rin siya naghahanap ng kanyang magiging life partner.


Kung tutuusin, may mga suitors naman ang ex-wife ni Martin Nievera, pero, hindi nga niya matagpuan ang kanyang “the one”.


At her age, hindi na siya basta-basta papatol sa sinuman masabi lang na may boyfriend siya. There was a time na nagkaroon ng batang BF si Pops, si Brad Turvey na nag-artista rin noon. Pero, hindi nag-work ang kanilang relasyon.


Hindi ma-take ni Pops ang sinasabi ng mga bashers na siya ang gumagastos sa kanyang batang BF. Hindi raw siya ganu'n kadesperada.


Sey pa ni Pops, kuripot siyang tao kaya hindi puwedeng siya pa ang gumastos sa kanyang karelasyon kahit na bata ito at guwapo.


Kadalasan kasi ay iniisip ng marami na kapag may-edad ang babae kesa sa kanyang BF, pera lang ang habol sa kanya.


Ayaw naman ni Pops na maging sugar mommy, 'noh?! Kaya hindi na niya type ang mas batang BF.


Mas magiging praktikal na siya ngayon at alam niya, darating sa tamang panahon ang right guy para sa kanya.

 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 26, 2021




Hindi man maipangako ni Gerald Anderson kung kailan niya pakakasalan ang nobyang si Julia Barretto, maraming netizens ang nagsasabing hindi na siya basta makakaurong sa aktres.


Hinding-hindi uubra kina Marjorie Barretto at Dennis Padilla ang mga diskarte at palusot ni Gerald. Hindi puwede ang ghosting niya kay Julia tulad ng ginawa niya noon kay Bea Alonzo.


Tiyak na hindi siya tatantanan nina Marjorie at Dennis kapag niloko at sinaktan niya ang kanilang anak.


Dati nang binantaan ni Dennis si Gerald at pinagsabihan na 'wag sasaktan at paiiyakin si Julia. For sure, bantay-sarado ni Dennis ang mga kilos ng aktor.


Makakalusot lang si Gerald at makakawala sa relasyon nila kung si Julia na mismo ang aayaw at kakalas sa kanya.


Marami pang puwedeng mangyari. Bata pa si Julia at posibleng magbago pa ang isip. Maraming kalalakihan ang nag-aabang na maging “single” si Julia. Naghihintay lang ang mga ito na makawala ang aktres kay Gerald.


At hindi si Julia ang tipong magpapakamartir sa pag-ibig!

 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 25, 2021



Mismong ang manager ni Paolo Contis na si Manay Lolit Solis ang nagsabi at nagpatotoo na hiwalay na nga ang aktor at si LJ Reyes.


Pero, itinanggi ni Manay Lolit ang balitang may third party involved. Wala raw kinalaman ang leading lady ni Paolo na si Yen Santos sa pelikulang A Faraway Land sa breakup nila ni LJ.


Ang tunay daw na dahilan ng paghihiwalay ay nanlamig na sila sa isa't isa. Na-outgrow na raw nina LJ at Paolo ang romansa sa kanilang pagmamahalan. In short…nagkasawaan na sila!


Pero, ganu'n na lang ba kadali para kay Paolo na hiwalayan si LJ lalo na't may anak sila? Hindi ba't napaka-unfair naman nito para kay LJ na nagawang mag-lie-low sa kanyang career dahil binigyan niya ng prayoridad ang relasyon nila ni Paolo Contis?


Natatandaan naming nanalo pang Best Actress noon si LJ Reyes sa kanyang pagganap sa pelikulang Anino sa Likod ng Buwan. Medyo may pagka-daring at seductive ang role roon ni LJ kaya siya napansin ng ilang award-giving bodies.


Ngunit nang ma-in love kay Paolo ay naudlot ang pagsikat ni LJ bilang aktres. Pinagbawalan na siya ni Paolo na tumanggap ng daring roles at sinunod naman ni LJ dahil mahal na mahal niya ang aktor.


Hindi na rin siya gaanong naging aktibo sa kanyang career hanggang sa siya ay nagbuntis at isinilang niya si Summer.


Tapos ngayon, basta na lang sasabihin na “na-outgrow” nila ang kanilang feelings sa isa't isa?


Marami sa mga kaibigan ni LJ ang nagpayo na mahalin naman niya ang kanyang sarili at 'wag magpakamartir sa pag-ibig. Lagi na lang siyang nasasaktan at nadedehado sa larangan ng pag-ibig. Dalawa na ang kanyang anak kaya dapat maging matatag na siya at matutong manindigan at ipaglaban ang kanyang karapatan.


Quota na si LJ sa mga heartaches. Buhayin na lang niya ang dalawa niyang anak. Harapin at balikan niya ang kanyang career upang maka-survive kahit isa siyang single mom.


May plano rin si LJ na mag-migrate na sa USA at iwan na ang 'Pinas.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page