top of page
Search

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | May 12, 2022



Phenomenal ang naging panalo ni Robin Padilla nang mag-number 1 sa mga nanalong senador noong May 9 elections.


Marami ang nagulat sa laki ng botong kanyang nakuha na umabot nang mahigit 20 million. Ganu'n kalakas ang karisma ni Robin Padilla sa masang Pinoy.


Kung noong unang sultada ng kampanya ay puro panlalait ang natanggap ni Binoe, malaking factor naman ang sunud-sunod na interview sa kanya nina Toni Gonzaga, Boy Abunda, Ogie Diaz atbp. upang malaman ng publiko ang mga credentials ni Robin. Lumabas ang kanyang angking talino na hindi nakita noong siya ay nag-aartista pa lamang.


Marami rin ang naaliw sa kanyang pagkanta-kanta sa mga rallies ng BBM-Sara UniTeam sa iba't ibang lalawigan. At ang latest nga ay ang kanyang pagsasayaw ng Paro-Paro G na labis na kinatuwaan ng mga netizens.


Sa lahat ng celebrities na nagsayaw ng Paro-Paro G, ang pinakagusto namin ay ang version ni Robin.


Kung ang pagsasayaw ng Budots noon ni Bong Revilla, Jr. ang nagpanalo sa kanya, si Robin, sinuwerte sa Paro-Paro G!


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | May 10, 2022



Hindi pa man sumasali sa Bb. Pilipinas beauty pageant si Herlene Budol a.k.a. Hipon Girl ay may masugid na siyang manliligaw na isang guwapong US Navy na ang pangalan ay Patrick Bolton. Marunong itong magluto at mahusay magsalita ng Tagalog, kaya madali silang nagkaintindihan ni Hipon Girl.


Pero, hindi ang love life ang prayoridad ngayon ni Herlene Nicole Budol kundi ang kanyang paghahanda sa Bb. Pilipinas beauty pageant na gaganapin sa July.


Pumasok siya sa Top 40 kaya mas matindi ang kanyang paghahanda para mas umangat at mapansin ng mga judges ang kanyang katangian.


Marami sa mga ex-beauty queens ang nagsasabing malaki ang chance ni Nicole Budol na maging finalist sa Bb. Pilipinas pageant. Posible rin na makasungkit siya ng puwesto at titulo. Kaya naman, kakaririn nang husto ni Herlene ang kanyang paghahanda para sa Bb. Pilipinas.


Marami ring beauty queens ang handang tumulong kay Nicole Budol upang makamit ang kanyang pangarap na makapag-uwi ng korona.


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | May 9, 2022



Napaka-harsh at unfair para kay Gretchen Barretto ng sinasabi ng ilang netizens na matitigil na rin ang pagbibigay niya ng ayuda sa showbiz people dahil ipinagbawal na ang e-sabong.


Malaki raw ang kinikita ni La Greta sa e-sabong dahil nakikipagtalpakan din siya at maraming alagang manok na sasabungin na madalas manalo.


Milyones ang kinikita ni Gretchen sa e-sabong kaya can afford daw siyang mamigay ng bonggang ayuda. Lahat halos ng involved sa TV-movie productions ay nakatanggap ng ayudang bigas at groceries mula kay La Greta at malaking tulong ‘yun noong panahon ng COVID pandemic.


Tiyak na maiintindihan naman ng lahat kung hindi na magtutuluy-tuloy ang pagbibigay ng ayuda ni Gretchen Barretto. Ganunpaman, hindi naman ito nangangahulugan na purdoy na si La Greta. Isa pa rin siya sa pinakamayamang aktres sa showbiz. At hindi malilimutan ng lahat ang ginawa niyang pagse-share ng blessings sa mga taga-industriya noong panahon ng pandemya.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page