top of page
Search

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 30, 2021




Sa interview ni Karen Davila sa kanyang vlog kina Gov. Chiz Escudero at Heart Evangelista, inamin ng mag-asawa na hoping pa rin sila na magkaroon ng anak. Pero, ayaw nilang magpa-stress at magpa-pressure. Kung may darating at ibibigay na baby sa kanila ay labis nilang ipagpapasalamat.


Ayaw naman nilang ma-frustrate at umasa tulad nu'ng una na nagkaroon ng miscarriage si Heart.


Recently ay nataranta raw si Heart dahil nakaranas siya ng pakiramdam na parang naglilihi. Agad niyang inalala ay kung paano na ang serye niyang I Left My Heart In Sorsogon na kauumpisa pa lang ng locked-in taping.


Paano na rin ang mga natanggap niyang commitments saNew York? Maraming mababago sa mga activities ni Heart kung kumpirmadong buntis nga siya.


Pero, nang magpa-checkup na siya ay nalaman niyang hindi siya preggy, kaya nakahinga nang maluwag si Heart.


Maraming nai-share sina Chiz at Heart sa kanilang interview kay Karen Davila. Isa na rito ang tungkol sa prenup agreement bago sila nagpakasal.


Six years na silang mag-asawa at nakapag-adjust nang pareho sa ugali ng isa't isa.


Ayaw aminin ni Gov. Chiz Escudero na may selos factor pa siya sa mga naging BF ng kanyang wifey. Pero, ibinuking naman siya ni Heart.


Sino nga kaya ang hanggang ngayon ay pinagseselosan pa rin ni Chiz?

 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 29, 2021




Ayaw daw ni Bea Alonzo na magpaka-plastic kaya hindi niya basta na-accept ang pagso-sorry sa kanya ni Gerald Anderson nang ganu'n-ganu'n na lamang.


Medyo nakulangan din ang aktres sa sinseridad ng pagso-sorry ni Gerald kaya ayaw na niyang pag-usapan pa ito at hayaan na lang na panahon ang magtakda kung kailan siya magpapatawad.


Ayaw ni Bea na pagpistahan pa ng media ang tungkol sa paghingi ni Gerald ng sorry sa kanya. At wala rin siyang intensiyon na magkita sila tulad ng gustong mangyari ni Gerald.


Nakapag-move on na si Bea at gusto nang kalimutan ang nakaraan. Tahimik na ang kanyang buhay.


Samantala, may gagawin nang project si Bea sa GMA-7 pero may mga TV guesting muna siya sa ilang shows ng network. Mauuna na rito ang Taste Buddies hosted by Solenn Heussaff.


May bali-balita rin na papasok siya sa seryeng The World Between Us sa pagbabalik nito after ng season break.

 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 28, 2021




Matatagalan pa na bumalik ng 'Pinas si KC Concepcion dahil nagdesisyon na siyang mamalagi muna sa New York, USA. Pag-aaralan at aasikasuhin niya ang kanyang jewelry business kasabay ng pag-e-enroll sa isang short course.


May nahanap na siyang apartment na kanyang titirhan. Mukhang komportable at nag-e-enjoy naman si KC sa buhay-Amerika.


Nasa right age na siya at kaya nang mamuhay nang solo. For sure, hindi naman siya hihingi ng financial assistance sa kanyang Mommy Sharon dahil may sariling pera si KC at kaya niyang buhayin at tustusan ang sarili.


Sa latest vlog ni KC kung saan guest niya ang half-sister niya kay Gabby Concepcion na si Sam, natanong si KC kung ano ang gustong ipangalan sa mga magiging anak kung saka-sakali.


Sagot ng dalaga, kung girl ang kanyang magiging unang anak ay Alexis ang ipapangalan niya. At kung boy naman ay Gabbi.


Well, nakakaaliw lang na mas nauna pang nabanggit ang magiging anak ni KC, ganu'ng wala pa nga siyang ipinakikilalang BF ngayon.


Hindi na ba niya prayoridad ang kanyang love life ngayon? Matagal na ring naghihintay ang kanyang Megastar mom ng magiging apo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page