top of page
Search

IMPOSIBLE NA, LAOS PA!


ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 04, 2021



Tulad ni Sen. Manny Pacquiao, pangarap din ni Yorme Isko Moreno na bigyan ng bahay ang mga squatters.


Naumpisahan na ni Yorme Isko na ipatayo ang ilang high-rise na pabahay sa mga lugar sa Maynila na maraming squatters. Tinawag niyang Tondominium ang itinayo niyang pabahay sa Tondo.


May tatlo pang pabahay siyang itinayo sa iba't ibang areas ng Maynila. Nagawang tuparin ni Yorme Isko ang kanyang pangako sa mga squatters ng siyudad.


Hindi naman kasi imposibleng gawin ito dahil kayang tustusan ng Lungsod ng Maynila ang mga pabahay projects ni Yorme Isko. Kaya, marami ang sumasaludo sa kanyang mga ginagawa.


Kumpara sa pangarap ni Sen. Pacquiao na ang lahat ng squatters sa buong 'Pinas ay balak niyang bigyan ng sariling bahay kapag siya ay nahalal na pangulo, mas kapani-paniwala ang plano ni Yorme Isko sa mga squatters ng Maynila.


Ang pagpasok sa pulitika ng dating That's Entertainment member ay hindi masasabing tsamba o suwertehan lamang. Nang mahalal siyang konsehal ay pinaghandaan na niya ang tatahakin niya sa political arena. Noong siya ay naging vice-mayor ay nag-aral siya at kumuha ng crash course sa Harvard University. Nag-apply din siya ng short course sa Oxford University. Kaya naman, marami siyang natutunan na nagagamit niya ngayon.


Dahil dati siyang batang Tondo na sanay sa hirap ng buhay, alam ni Yorme Isko Moreno ang mga problema at pangunahing pangangailangan ng mga Manileños. At ito ang kanyang agad na inaaksiyunan.

 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 03, 2021



Legal na ngayon ang online sabong na nauuso at ginagawa kahit saan. Bawal pa kasi ang physical na pagsasabong dahil sa pag-iingat sa pagkalat ng COVID.


Hindi lang pangmayaman ang online sabong. Nakakahiligan na rin ito ng mga ordinaryong tao kahit na 'yung hindi mga sabungero. Malaki kasi ang napapanalunan dito kapag sinuwerte ang tumataya.


Kaya hindi na rin dapat pagtakhan na nakikita si Gretchen Barretto na humahawak ng panabong na manok. Malakihan ang pustahan-taya sa ganitong pagsasabong. Hindi na lamang libangan ng mayayaman ang sabong, negosyo na rin ito kung tutuusin. Wala namang ilegal sa online sabong dahil may buwis ito.


Well, marahil panay-panay ang panalo ni Gretchen Barretto sa sabong kaya naman nagawa niyang mag-share ng blessings at mamigay ng ayuda sa entertainment press.


Maraming natuwa at nagpasalamat sa ayuda ni La Greta. Malaking tulong na ang bigas at groceries na kanyang ipinamigay. Hindi nila inaasahan na makakaalala ang isang Gretchen Barretto sa press people kahit hindi na siya gaanong aktibo sa paggawa ng pelikula at paglabas sa telebisyon.


Napapa-SANA ALL na lang ang media sa kagandahang-loob ni Gretchen Barretto.

 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 02, 2021



Marami ang nagtataka-nagtatanong kung bakit nababalitang aalisin na si Kim Chiu sa programang It's Showtime. Napaka-lively nga ng show kapag nandu'n ang Chinita Princess. Umaapaw ang kanyang energy at bigay na bigay sa pagho-host.


Matagal na rin namang naging bahagi ng It's Showtime si Kim Chiu. Gamay na gamay na niya ang mga hosts ng show.


Pero, lately nga ay napansin ng mga viewers na hindi na naisasalang sa segment si Kim kahit nandu'n siya sa studio. Samu't saring espekulasyon ang lumalabas ngayon na mga dahilan upang matsugi sa show ang Chinita Princess.


Medyo nasasapawan na raw niya ang main host ng show na si Vice Ganda dahil sa sobrang ingay niya. May mga nagsasabi namang medyo “off” at wala sa tiyempo minsan ang mga pinagsasasabi ni Kim kapag nagho-host ng It's Showtime.


In short, palpak at waley impact sa mga viewers. Flopsina ang mga banat na jokes ni Kim.


May tsika naman na papasok na kasi si Anne Curtis sa It's Showtime kaya tsugi na si Kim sa show.


Labis na dinamdam ni Kim ang malamig na trato sa kanya ngayon ng mga kasamahan sa It's Showtime. Hindi niya maitago ang kanyang sama ng loob sa mga nangyayari ngayon. Dinamayan at binigyan siya ng moral support ng nobyong si Xiam Lim, ganoon din ni Kris Aquino na malapit din kay Kim.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page