top of page
Search

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 27, 2021




Dream come true para kay Kris Bernal ang kanyang mala-fairytale na wedding. Lahat ng kanyang pinangarap sa isang kasal ay natupad, tulad ng gusto niyang simbahan sa Makati kung saan ginanap ang wedding ceremony nila ni Perry Choi.


Hindi halatang halos nangarag si Kris sa kanyang wedding preparation dahil hands-on siya sa lahat ng aspeto. Blooming na blooming at beautiful bride si Kris sa araw ng kanyang kasal noong Sept. 25.


Medyo umulan lang sandali bago naganap ang wedding ceremony, pero tumigil din naman agad.


Mabuti na lamang at hindi garden wedding ang kanilang pinili kaya nairaos ang kasal na walang aberya.


Ang simbahan ay napapalamutian ng fresh giant sunflowers tulad ng request ni Kris Bernal.


Napakaganda ng kanyang wedding gown na gawa ng sikat na designer na si Mak Tumang. Balitang P500 thousand ang halaga ng nasabing wedding gown.


Well, sabi nga, minsan lang ikasal ang isang babae, kaya deserve niya ang the best sa kanyang wedding day.


Samantala, may good news naman ang mga fans and supporters ni Kris Bernal. Balitang pinapipirma siya ulit ng kontrata ng GMA Network at magbibida raw siya sa isang upcoming afternoon soap.


Kaya naman, ang saya-saya ngayon ni Kris na Mrs. Perry Choi na ngayon!

 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 26, 2021




Sa mga unang araw pa lamang ng pag-upo ni Isko Moreno bilang mayor ng Maynila ay marami na agad siyang pagbabagong ginawa. Inayos at ipinalinis niya ang Divisoria, ang Quiapo, Carriedo, at Liwasang Bonifacio at Underpass.


Mabilis din siyang umaksiyon at nagbigay ng ayuda noong mag-lockdown dahil sa COVID pandemic. Tumutok din siya sa pagbibigay ng vaccine sa mga health workers at mga senior citizens.


Mabilis din ang ginawa niyang pagpapatayo ng mga field hospitals nang dumami ang COVID cases sa Maynila.


Express ang kanyang ginawang pagpapatayo ng mga pabahay sa Tondo at sa iba pang parte ng Maynila na maraming informal settlers.


Napakalaking factor ng mga ginawang projects ni Yorme Isko upang sumikat siya nang husto at hangaan ng masang Pinoy.


Maging ang mga veteran politicians ay napabilib ni Yorme na isa lang dating kalakal boy at produkto ng That’s Entertainment ni Kuya Germs Moreno. Kaya naman, marami ang kumumbinse kay Yorme Isko na tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa darating na 2022 elections.


Pero, maraming Manileños naman ang nagpoprotesta at kontra sa pagtakbong pangulo ni Isko Moreno. Nakaka-isang termino pa lang daw siya at kulang na kulang pa ang mga pagbabagong gusto nilang makita sa Maynila.


May ilang antigong Manileños din ang nagsasabing ginamit lang daw ni Yorme Isko ang pagiging mayor ng Maynila upang mapansin ng lahat at maabot ang kanyang ambisyon na maging pangulo. Napakabata pa niya at kulang na kulang sa kaalaman at experience sa pamamalakad ng gobyerno. Dapat ay nag-senador muna siya.


Pero, marami ang nagulat nang ang mag-asawang Sen. Ralph Recto at Congresswoman Vilma Santos-Recto ay lantarang nagpahayag ng suporta kay Yorme Isko. Nag-post pa nga sila ng message of support sa social media.


Naniniwala sina Sen. Ralph at Congw. Vilma na magiging mabuting pangulo ng bansa si Mayor Isko.


Ano kaya’ng say dito ng mga Vilmanians? Ibibigay ba nila ang boto nila kay Yorme Isko Moreno?

 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 25, 2021



Muli na namang nag-post si Heart Evangelista ng isa sa kanyang mga mamahaling jewelries. Ito ang napakagandang necklace na nagkakahalaga ng P7 M!


Katwiran ni Heart, ang nasabing necklace ay bale regalo niya sa kanyang sarili. Katumbas nito ang apat na birthday gifts na niya.


Meaning, kahit wala pa siyang regalo sa darating pa niyang apat na kaarawan, hindi na siya bibili ng anumang mamahaling gamit para sa kanyang sarili.


Besides, sariling pera naman niya ang kanyang ibinili ng alahas na mula sa kinita niya sa kanyang mga paintings. Hinding-hindi niya gagalawin ang kanyang naitabing savings.


At madalas ding sabihin sa kanya ng kanyang mom na ang alahas ay para na ring investment dahil tumataas ang value nito. Pupuwede niyang ibenta sa mas mataas na halaga ‘pag kailangan niya ng pera.


Well, walang intensiyon si Heart na mang-inggit at magyabang kaya niya ipinost sa social media ang kanyang kuwintas na dagdag sa kanyang jewelry collection. Pampa-good vibes lang daw ito sa kanya.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page