top of page
Search

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 05, 2021



Kahit na may mga namba-bash kay Jennylyn Mercado dahil pansamantalang matitigil ang teyping ng serye niyang Love. Die. Repeat. katambal si Xian Lim dahil sa kanyang kalagayan ngayon, walang balak ang pamunuan ng GMA Network na siya ay palitan ng ibang artista.


Okey na rin na ma-shelved muna ang serye hanggang sa kaya na ni Jennylyn na magtrabaho.


May pasabi ang ilang insiders ng GMA-7 na willing na maghintay ang Kapuso Network sa availability ng Ultimate Star.


Ganu'n mag-alaga at magbigay ng importansiya ang GMA sa kanilang contract artist. Inuunawa nila ang kalagayan at inaalalayan nila ang kanilang mga artista, tulad din ng pag-aalaga nila noon kay Marian Rivera nang ito ay magpakasal kay Dingdong Dantes hanggang sa magkaroon na ito ng mga anak.


Hindi basta binabalewala ng GMA-7 ang mga artista nilang naging loyal sa network sa loob ng maraming taon. At isa nga ru'n si Jennylyn Mercado na produkto ng StarStruck 1.


'Yung tungkol sa ginagawang isyu ng ilang bashers na maraming production staff at crew ng Love. Die. Repeat ang nawalan ng trabaho dahil kay Jennylyn, sana ay maunawaan nila ang sitwasyon ng aktres. Hindi naman niya sinadya o ginusto na matigil ang teyping ng kanyang serye. May mga pangyayari lang na sadyang hindi inaasahan.

 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 04, 2021




Sina Willie Revillame at broadcast journalist Raffy Tulfo ay dalawa lang sa napabalitang tatakbong senador sa 2022 elections.


Pareho kasi sina Willie at Raffy na tumutulong kapag may mga kalamidad — at lalo na sa panahon ngayon na nasa gitna pa tayo ng pandemic — kaya ang mga fans at supporters na mismo ang nagsasabing malakas ang magiging laban nila kapag tumakbong senador.


Noong una ay todo-tanggi si Raffy Tulfo dahil wala raw sa plano niya ang maging pulitiko. Pero, nagbago rin ang kanyang desisyon kaya nagpaalam na siya sa kanyang mga programa sa TV5.


Si Willie Revillame naman, sa October 7 pa mag-a-announce ng kanyang final decision.

Hanggang ngayon ay nakabitin pa sa ere ang lahat hangga’t wala pa siyang announcement kung tutuloy pa sa pagsabak niya sa pulitika.


For the meantime, ini-enjoy muna niya ang pagho-host ng Wowowin. May bagong segment ngayon ang show, ang Willie’s MRS (Most Requested Song) kung saan ang mga viewers ay magme-message at magre-request ng mga kanta ni Revillame.


Ang mapipiling nag-request ng kanta ni Willie ay bibigyan niya ng P20,000 cash. May Wil App din kung saan mamimigay siya ng kabuhayan showcase, cash, bigas, motorsiklo, atbp.!


Gagawin ito tuwing 15th at 30th of the month.

 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 3, 2021



Blind item:


Marami sa kanyang mga nakasabayang artista ang labis na naiinggit ngayon sa magandang kapalaran ng isang aktres na kahit hindi gaanong kagandahan ay nakabingwit ng mayamang papa at pinakasalan pa siya.


Bukod dito ay binigyan pa siya ng sarili niyang negosyo at ipinagpatayo ng sariling bahay.


Tunay na napakahusay dumiskarte ng actress dahil sobrang in love sa kanya ang napangasawang rich businessman.


Maging sa mga una niyang nakarelasyon ay laging panalo ang aktres. Nakakabiyahe siya abroad na kasama ang kanyang pamilya, na ang sponsor ay ang kanyang nobyo.


Nakaipon din siya ng mga branded bags and shoes na regalo ng kanyang mga naging BF.


Mahusay magpaikot ang aktres dahil bentang-benta sa kanyang mga naging karelasyon ang mga drama niya sa buhay. Mistulang may taglay siyang gayuma na hindi matanggihan.


Ngayon ay natupad na rin ang kanyang dream wedding na milyones ang ginastos ng kanyang rich papa. Tuluy-tuloy pa rin ang kanyang showbiz career dahil pinayagan pa rin siyang mag-artista ng kanyang mister kahit sila ay kasal na.


Pansin nga ng mga netizens, mukhang hindi naman true love ng actress ang rich businessman na pinakasalan dahil mas gusto nitong magteyping at malayo sa mister. Ganoon ka-spoiled sa kanyang mister ang actress, nasusunod lahat ng gusto niya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page