ni Gina Plenago @News | November 24, 2026

Photo: File
Pinalawig ng Pilipinas ang 14-day visa-free entry privilege para sa mga Chinese national nang isa pang taon.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), maaaring bumisita sa bansa ang mga Chinese sa tourism o business purposes hanggang Enero 15, 2028.
Ang extension ay epektibo mula Enero 16, 2027, batay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para pataasin ang international tourist arrivals at makahikayat ng mas maraming investment kasabay ng pagpapanatili sa immigration at national security safeguards.
Ang mga Chinese ay maaaring pumasok sa Pilipinas nang walang visa at manatili rito sa loob ng hanggang 14 na araw. Ito ay non-extendible at hindi maaaring ma-convert sa iba pang visa category. (Gina Pleñago)


