top of page
Search

ni Lolet Abania | July 31, 2021


ree

Sa inaasahang pagsasailalim ng National Capital Region sa enhanced community quarantine (ECQ) sa Agosto 6 hanggang 20, inaprubahan ng Department of Health (DOH) ang mas ligtas na paraan ng pagbabakuna, ang house-to-house vaccinations.


Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mas higit na makatutulong sa mga kababayan ang bahay-bahay na pagbabakuna para matiyak na mababakunahan ang mga komunidad kontra-COVID-19 habang magiging mas ligtas din ang mga indibidwal dahil sa may mga mag-iikot na lamang na mga health workers sa halip na pumila sila sa mga vaccination sites.


“Sa tingin namin, maganda ‘yan na strategy, kasi una sa lahat, hindi magkukumpul-kumpol ang mga tao. Ang iikot po, ang [mga magbabakuna] at hindi na kailangang pumunta ng mga tao sa ibang lugar para magpabakuna,” ani Vergeire sa press briefing ngayong Sabado nang umaga.


Maliban dito, magkakaroon pa rin ng pagbabakuna sa mga vaccination sites subalit bubuo ang ahensiya ng mas ligtas na pamamaraan gaya ng pagkakaroon ng scheduling upang maiwasan ang pagdami ng mga tao habang isasagawa ito sa mas malalaking sites para masunod ang physical distancing.


“Gagawa tayo ng safe vaccination sites kung saan sisiguraduhin natin na hindi tayo magkukumpulan kapag tayo ay magpapabakuna na. There will be scheduling, we will be using bigger vaccination sites. Mas madali po ang mobilization ng [babakunahan] and [magbabakuna] para makapagpabakuna tayo ng mas marami,” sabi ni Vergeire.


Una nang sinabi na ipapatupad ang ECQ sa NCR simula sa Agosto 6 hanggang 20 sa gitna ng panganib ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19.


Gayunman, ayon sa Malacañang, magpapatuloy ang pagbabakuna sa mga lugar kahit na isinailalim sa ECQ.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 31, 2021


ree

Inanunsiyo ng Cebu Pacific na kanselado ang ilang flights na naka-schedule ngayong Sabado hanggang sa Huwebes, August 5, matapos isailalim sa general community quarantine (GCQ) “with heightened restrictions” ang National Capital Region.


Isasailalim din ang NCR sa enhanced community quarantine (ECQ) simula sa August 6 hanggang sa August 20 kaya’t ayon sa Cebu Pacific, ang mga essential travels lamang ang papayagan.


Ayon sa Cebu Pacific, ang mga sumusunod na flight schedule ay kanselado:

5J 619/620: Manila – Bohol – Manila;

5J 891: Manila – Boracay (Caticlan);

5J 895: Manila – Boracay (Caticlan);

5J 899: Manila – Boracay (Caticlan);

5J 901: Manila – Boracay (Caticlan);

5J 905: Manila – Boracay (Caticlan);

5J 891/892: Manila – Boracay (Caticlan) – Manila;

5J 895/896: Manila – Boracay (Caticlan) – Manila;

5J 899/900: Manila – Boracay (Caticlan) – Manila;

DG 6132/6133: Cebu – Boracay (Caticlan) – Cebu;

5J 565/566: Manila – Cebu – Manila;

DG 6984/6985: Cebu – Clark – Cebu;

DG 6043/6044: Manila – Coron – Manila;

5J 977/978: Manila – Davao – Manila;

DG 6117/6118: Manila – Naga – Manila;

5J 783/784: Manila – Ozamiz – Manila;

5J 373/374: Manila – Roxas – Manila;

DG 6031/6032: Manila – San Jose – Manila;

DG 6851/6852: Cebu – Siargao – Cebu; at

5J 649/650: Manila – Tacloban – Manila

Ayon sa Cebu Pacific, ang mga apektadong pasahero ay maaaring magpa-rebook “Within 60 days from original flight departure, with waived fare difference, no change fees, and subject to seat availability.”


Maaari rin umanong mag-avail ng travel fund ang mga apektadong pasahero at saad ng Cebu Pacific, “Store the value of your fare in a travel fund, which you can immediately use to pay for Cebu Pacific flights and add-ons. This is valid for 2 years.”


Maaari rin namang mag-file para sa refund ngunit saad ng Cebu Pacific, “Depending on your form of payment, it may take at least 60 days to complete.”


Samantala, ayon sa travel advisory na inilabas ng Philippine Airlines, ang mga sumusunod na domestic flights ay kanselado rin dahil sa bagong ipinatutupad na quarantine restrictions:

Manila-Caticlan (Boracay)-Manila

PR 2041 Manila-Caticlan – July 31 hanggang August 3;

PR 2043 Manila-Caticlan – July 31 hanggang August 3;

PR 2039/2040 Manila-Caticlan-Manila – July 31 hanggang August 20;

PR 2041/2042 Manila-Caticlan-Manila – August 4 hanggang 20;

PR 2043/2044 Manila-Caticlan-Manila – August 4 hanggang 20;

PR 2045/2046 Manila-Caticlan-Manila – July 31 hanggang August 20;

Manila-Busuanga-Manila

PR 2963/2964 Manila-Busuanga (Coron)-Manila – August 6 hanggang 20;

Manila-Puerto Princesa-Manila

PR 2781/2782 Manila-Puerto Princesa-Manila – August 10, 15 at 17;

Manila-Cebu-Manila

PR 1849/1850 Manila-Cebu – August 1 hanggang 20;

PR 2861 Manila-Cebu – August 1 hanggang 19;

PR 2836 Cebu-Manila – August 1 hanggang 20;

Manila-Davao-Manila

PR 1809/1810 Manila-Davao-Manila – August 1 hanggang 20;

PR 1819/1820 Manila-Davao-Manila – August 1 hanggang 20;

Manila-Cagayan De Oro-Manila

PR 2519/2520 Manila-Cagayan de Oro-Manila – August 2 hanggang 20;

PR 2529/2530 Manila-Cagayan de Oro-Manila – August 2 hanggang 20;

Manila-Tagbilaran (Panglao)-Manila

PR 2777/2778 Manila-Tagbilaran (Panglao)-Manila – August 2 hanggang 20;

Manila-Tacloban-Manila

PR 2981/2982 Manila-Tacloban-Manila – August 5 hanggang 6; at sa August 8 hanggang 20

Manila-Dipolog-Manila

PR 2561/2562 Manila-Dipolog-Manila – Tuwing Miyerkules/Biyernes lamang ang kaseladong flights simula sa August 6 hanggang 20;

PR 2557/2558 Manila-Dipolog-Manila – August 8 hanggang 16;

Manila-Dumaguete-Manila

PR 2543/2544 Manila-Dumaguete-Manila – Kanselado tuwing Linggo simula sa Agosto 8 hanggang 29;

PR 2545/2546 Manila-Dumaguete-Manila – Kanselado tuwing Sabado simula sa August 1 hanggang 29;

Manila-Kalibo-Manila

PR 2969/2970 Manila-Kalibo-Manila – Kanselado tuwing Sabado at Linggo simula sa August 6 hanggang 20;

Manila-Bacolod-Manila

PR 2129/2130 Manila-Bacolod-Manila – Kanselado tuwing Lunes at Biyernes simula sa August 9 hanggang 16;

PR 2132 Bacolod-Manila – August 15;

Cebu-Siargao-Cebu

PR2374/2375 Cebu-Siargao-Cebu – July 31;

Cebu-Caticlan (Boracay)-Cebu

PR 2368/2369 Cebu-Caticlan (Boracay)-Cebu – August 1 hanggang 20;

Cebu-Cagayan De Oro-Cebu

PR 2315/2316 Cebu-Cagayan de Oro-Cebu – Kanselado tuwing Lunes simula sa August 2 hanggang 9; at

PR 2313/2314 Cebu-Cagayan de Oro-Cebu – Kanselado tuwing Huwebes simula sa August 5 hanggang 12.


Para sa mga apektadong pasahero, saad ng PAL, maaaring mag-rebook ng flight “to a later date” o i-convert ang ticket sa travel voucher. Maaari ring mag-refund ng tickets “without penalties” ang mga pasahero.

 
 

ni Lolet Abania | July 30, 2021


ree

Magpapatuloy ang COVID-19 vaccination program ng pamahalaan sa Metro Manila sa kabila ng isasailalim ito sa enhanced community quarantine (ECQ) mula Agosto 6 hanggang 20.


“Yes, definitely [it will proceed]. Details will be provided in due course of the COVID-19 vaccination committee,” ani Roque.


Ang pagpapatupad ng ECQ ay inianunsiyo isang araw matapos makapagtala ang bansa ng tinatayang 97 kaso ng mas nakahahawang Delta variant.


Ayon kay Roque, nasa 18 milyon doses ng COVID-19 vaccine ang kanila nang na-administer. Sa bilang na ito, 7.8 milyon indibidwal na ang fully vaccinated.


“For the past three days, we already breached 600,000 level of jabs administered in a day,” dagdag ng kalihim.


Plano ng gobyerno na agarang mabakunahan ang 58 milyon indibidwal sa mga lugar na highly urbanized bago matapos ang taon bilang proteksiyon sa nasabing populasyon dahil ito sa limitadong supply ng bakuna laban sa sakit, subalit target pa rin ng pamahalaan ang mas maraming mabakunahan na nasa 70% hanggang 80% ng kabuuang 109 milyong populasyon ng bansa upang makamit ang herd immunity kontra-COVID-19.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page