top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 4, 2021



ree

Extended ng isang linggo ang enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, at Laguna dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.


Ngayong Linggo, April 4, nakatakdang matapos ang ECQ sa NCR Plus ngunit dahil sa pagpapalawig nito, ito ay magtatagal hanggang sa April 11.


Umaasa naman ang Palasyo na maibababa sa mas maluwag na community quarantine restriction na moderate enhanced community quarantine (MECQ) ang NCR Plus pagkatapos ng April 11.


Saad pa ni Roque, "Kung napatunayan po natin na gumagana ang ating PDITR (prevent, detect, isolate, treat, reintegrate), eh, pupuwede naman po tayong mag-moderate ECQ (MECQ) sa susunod na linggo. Pero titingnan po muna natin ang resulta ng karagdagang ECQ.” Samantala, noong Sabado, nakapagtala ang bansa ng 12,567 karagdagang kaso ng COVID-19.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 30, 2021



ree

Inirekomenda ng Department of Health (DOH) na i-extend ng isa pang linggo ang enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus Bubble upang mapigilan ang paglobo ng COVID-19, ayon sa pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ngayong umaga, Marso 30.


Aniya, "One week really is short. We have recommended an extension but of course we have to balance it off with the economy that's why we need enough basis for us to have this extension. As I've said, we won't even see any changes in our numbers.


We might see more numbers after this 1 week because what we're seeing right now are the numbers 2 weeks prior to this week. We are still going to see an accumulation to these numbers for the next 2 weeks."


Paliwanag pa niya, "Why so? It takes about 3 days for people to decide if they would want to seek consult for their symptoms. It takes another 2 days for them to get tested and the waiting for the results and then eventually being isolated. It takes 9 days in average. Thus 9 day causes a lot of transmission already."


Iginiit din niyang posibleng umabot sa 430,000 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa pagtatapos ng Abril kung hindi inagapan ang pagpapatupad ng ECQ sa NCR Plus Bubble.


Nauna na ring idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na isasailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) at general community quarantine (GCQ) ang iba pang lugar sa bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19. Sa huling tala ng DOH, umabot na sa 10,016 ang nagpositibo sa virus at sa kabuuan ay pumalo na sa 731,894 ang naitalang kaso.


 
 

ni Lolet Abania | March 28, 2021



ree

Mahigit sa 1,000 quarantine control points (QCPs) ang ilalatag sa Metro Manila at karatig lalawigan habang ang mga lugar na ito ay nakasailalim sa isang linggong enhanced community quarantine (ECQ), ayon sa Philippine National Police (PNP) ngayong Linggo.


Ayon kay Joint Task Force COVID Shield commander Police Lieutenant General Cesar Hawthorne Binag, may kabuuang 1,106 checkpoints habang 9,356 law enforcers ang nakatakdang italaga mula alas-6 ng gabi ngayong Linggo sa mga lugar na nasa ilalim ng mas mahigpit na lockdown. "At 6 p.m. they will be pre-positioned, but the implementation will start 12:01 a.m. [Monday]," ani Binag.



Sa inilabas ng PNP, ang mga inilatag na checkpoints at itinalagang PNP personnel sa bawat rehiyon ay ang mga sumusunod:


1. NCRPO (National Capital Region Police Office) - 929 QCPs, 2,297 police personnel

2. Police Regional Office - 3 (Central Luzon) - 162 checkpoints, 982 police personnel

3. Police Regional Office - 4A (Calabarzon) - 15 checkpoints, 498 police personnel Isinailalim ng gobyerno ang Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna sa mas mahigpit na quarantine mula March 29 hanggang April 4 matapos na makapagtala ng mahigit 9,000 bagong kaso ng COVID-19 sa isang araw.


Sinabi rin ni Binag na ang mga dating checkpoints sa panahon ng general community quarantine (GCQ) ay kabilang sa 1,106 kabuuang checkpoints na bubuhayin nila ngayong ECQ.


Ayon pa kay Binag, magtatalaga rin ng mga PNP personnel sa mga lugar na matatao gaya ng palengke, groceries at ibang establisimyento na nagbibigay ng basic services dahil marami ang mamimili ng mga essential goods.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page