top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | December 7, 2021



Nasa kabuuang 164 party-list groups ang kabilang sa e-raffle upang malaman ang pagkakasunod-sunod ng mga ito sa balota para sa May 2022 polls.


Isasagawa ito sa pamamagitan ng virtual raffle sa Commission on Elections (Comelec) Session Hall sa 8th floor ng Palacio del Gobernador sa Disyembre 10, 2021.


Batay sa datos, 152 grupo na ang aprubado habang 12 naman ang pending pa.


Nasa 107 grupo naman ang na-deny kabilang ang 1-Abante Masang Pinoy Aasenso, Batang Pinoy, Ayuda sa may Kapansanan, Coalition of Concerned Workers, LGBTQ Plus, Organisasyong Nagsusulong ng Libreng Internet Ngayon sa Edukasyon, and Values Voice Philippines.


Sa inilabas na COMELEC resolution, limitado lamang sa isa kada party-list group, organization o coalition, citizens’ arms, at media organizations ang papayagang mapabilang ng online raffle. Walang representative na papayagan sa physical venue.


“Those with pending incidents, participation in the raffle is without prejudice to the resolution of pending incidents and the exclusion on the official ballot, if applicable,” pahayag ng Comelec.


Ang final listing ay ipa-publish sa dalawang pahayagan at sa official website 15 araw matapos ang raffle.


Samantala, sa oras na maitakda na ang puwesto sa balota ng mga party-list ay wala nang magiging re-raffle.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 30, 2021





Inanunsiyo ngayong araw ni Sen. Bong Go na siya ay magwi-withdraw na sa pagtakbo sa pagka-pangulo.


Ito ay halos isang linggo matapos niyang sabihin na siya ay naghihintay pa ng “sign from God” kung ipagpapatuloy ang kanyang presidential bid.


“In the past few days, I realized in my heart and my mind are contradicting my actions. Talagang nagre-resist po ang aking katawan, puso, at isipan. Tao lang po ako, nasasaktan at napapagod din,” pahayag ni Go sa isang interview.


“Sa ngayon po, ‘yun ang mga rason ko. That is why I am withdrawing from the race,” dagdag niya.

 
 

ni Lolet Abania | November 17, 2021



Tinanggihan ng Commission on Elections (Comelec) ang aplikasyon ng 126 grupo na gustong sumabak sa party-list elections sa susunod na taon.


“126 applicants for [party-list] registration were denied by Comelec,” ani Comelec Commissioner Atty. Rowena Guanzon sa isang tweet ngayong Miyerkules.


Gayunman, hindi pa naglalabas ang Comelec ng listahan ng mga party-list groups na naghain ng kanilang aplikasyon na ni-reject ng poll body.


Hanggang nitong Oktubre 8, umabot na sa 270 grupo ang naghain ng kanilang certificates of nomination and acceptance sa Comelec.


Subalit, ang mga botante ay papayagan na mamili ng isa lamang party-list group para sa national at local elections sa Mayo 9, 2022.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page