top of page
Search

ni Lolet Abania | December 14, 2021



Tuloy ang pagbabakuna kontra-COVID-19 kahit na isinasagawa ang May 2022 national and local elections, ayon kay Presidential Adviser for COVID-19 Response Vince Dizon.


“Hindi po tayo puwedeng huminto sa ating pagbabakuna. Tuluy-tuloy ‘yan kahit sa kampanya, kahit sa eleksyon, tuluy-tuloy po tayo,” ani Dizon sa Laging Handa interview ngayong Martes.


Ayon sa opisyal, titiyakin niyang ang mga kandidato para sa darating na eleksiyon ay hindi magagamit ang vaccination campaign para sa kanilang political agendas.


“Sisiguraduhin natin na hindi magagamit ang pagbabakuna sa pamumulitika. Neutral po ito at diretso tayo sa taong bayan,” sabi pa ni Dizon.


Matatandaang noong Setyembre 23, sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na layon ng gobyerno na makamit ang herd immunity target ng 90% bago ang May 2022 elections.


Tinatarget ng pamahalaan na tinatayang 54 milyong Pilipino ang maging fully-vaccinated hanggang sa katapusan ng 2021.


Gayundin, giit ni Dizon na nananatiling prayoridad ng gobyerno ang initial booster shots ng mga indibidwal na umabot na sa 6-buwan na requirement hanggang sa susunod na taon.


Ang second booster naman ay nakadepende sa advice ng mga eksperto.


“Ngayon, kung kailan ang susunod na booster shot, hintayin na lang natin ang advice ng ating mga eksperto at igu-guide nila tayo at ng ating mga doktor para talagang masiguro na tuloy tuloy ang proteksyon natin hindi lang sa COVID-19 kundi sa lahat ng mga variant nito,” sabi pa ni Dizon.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 14, 2021



Opisyal nang binawi ni Sen. Bong Go ang kaniyang kandidatura sa pagkapangulo para sa May 2022 elections.


Pumunta sa tanggapan ng COMELEC ang senador sakay ng isang taxi at wala aniyang nakakaalam tungkol sa kaniyang withdrawal sa presidential race ngayong araw.


"Meron po akong isang salita,” ani Go sa mga reporter nang pumunta siya sa Commission on Elections (Comelec) main office sa Maynila.


Nag-tweet si Comelec spokesperson James Jimenez ng larawan ni Go habang kinakausap ng isang Comelec employee. Ang larawan na ipinost ni Jimenez ay may caption na "Withdrawn."

 
 

ni Lolet Abania | December 10, 2021



Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagkakaroon ng nationwide mock elections sa Disyembre 29, ayon sa Malacañang ngayong Biyernes.


Sinabi ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles na pinayagan nila ang pagsasagawa ng national mock polls dahil aniya, “to ensure the safe and effective conduct of the May 2022 elections.”


Una nang nagsagawa ang Commission on Elections (Comelec) ng isang voting simulation sa San Juan City noong Oktubre 23.


Noong nakaraang linggo, iminungkahi naman ni dating Comelec commissioner Luie Guia na ang ratio ng mga botante per clustered precinct sa 2022 elections ay dapat nasa tinatayang 500 hanggang 600 per clustered precinct lamang dahil na rin sa COVID-19 pandemic.


“With one optical scanner [per precinct], there were several people who will line up, so that [ratio] is my estimate,” paliwanag ni Guia.


Suhestiyon naman ni Atty. Ona Caritos, ng election watchdog na Legal Network for Truthful Elections o LENTE, na dapat mag-reschedule ang Comelec ng mock polls para magkaroon ng mas mahusay na assessment kung paano maisasagawa ang May 2022 polls ng ligtas sa gitna ng pandemya.


“A lot of people are on vacation around that time [December 29]. Maybe the Comelec can reschedule the mock polls to the first or second week of January so that more people will be able to participate,” saad ni Caritos.


Gayunman, ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez nitong Sabado, ito ay magiging “ligtas” na i-accommodate ng hanggang 800 voters para sa bawat clustered precinct.


“Obviously, we want to reduce the number of voters per clustered precinct, but we also need to increase the number of [vote counting] machines as well… However, right now, it looks like we cannot get additional machines,” ani Jimenez sa isang radio interview.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page