top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | February 11, 2022



Sinimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagdi-dispatch ng mga election equipments, peripherals, forms at supplies na siyang gagamitin sa May 2022 elections.


“Election items that are ongoing deployment from the Comelec warehouse in Sta. Rosa Laguna to local hubs nationwide include the vote counting machine external batteries, until 31 March, and ballot boxes, until 10 April," ayon sa komisyon nitong Huwebes.


Ang mga non-accountable forms at supplies ay idi-dispatch sa February 16 mula Comelec warehouse sa Quezon City patungong provincial at city treasurers sa mga prayoridad na lugar sa bansa


Ang mga VCMs, consolidation at canvassing system (CCS) machines at transmission equipment ay ide-deploy naman mula April 2 hanggang 19.


Sinabi rin ng Comelec na ang mga official ballots at indelible ink mula sa National Printing Office ay ipapadala sa mga city at municipal treasurers mula April 20 hanggang May 5.


Sa report ng News5 noong February 8, nasa 17,502,631 ballots na ang na-print as of February 8.


“Notice has been given to all political parties, political candidates, party-list groups and accredited citizens’ arms of the Commission through the modes mandated by law," dagdag pa nito.


Ang official campaign season para sa mga kandidato sa national posts ay nagsimula noong February 8.


Samantala, sinimulan na rin ng Comelec representatives ang pagbabaklas ng campaign materials na nakapaskil sa public places sa labas ng common poster areas noong Martes.

 
 

ni Lolet Abania | January 25, 2022



Inilabas na ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Martes ang official ballot face para sa 2022 national at local elections.


Kabilang sa official ballot ay 10 kandidato sa pagka-pangulo, 9 na vice presidential bets, at 64 na senatorial candidates.


Ang mga presidential candidates sa pinal na itsura ng balota ay ang mga sumusunod (batay sa alphabetical order):


• Abella, Ernie

• De Guzman, Leody

• Domagoso, Isko Moreno

• Gonzales, Norberto

• Lacson, Ping

• Mangondato, Faisal

• Marcos, Bongbong

• Montemayor, Jose Jr.

• Pacquiao, Manny Pacman

• Robredo, Leni

Para sa vice presidential candidates na kabilang sa opisyal na listahan sa balota ay ang mga sumusunod (batay sa alphabetical order):


• Atienza, Lito

• Bello, Walden

• David, Rizalito

• Duterte, Sara

• Lopez, Manny SD

• Ong, Doc Willie

• Pangilinan, Kiko

• Serapio, Carlos

• Sotto, Vicente


Nakapaloob din sa final ballot face ang 178 party-list groups, kabilang dito ang nag-secure ng temporary restraining order mula sa Supreme Court (SC).

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 24, 2022



Umabot na sa 318 ang bilang ng mga nahuling lumabag sa election gun ban, ayon sa Philippine National Police nitong Linggo.


Batay sa datos ng PNP, 41 ang naaresto nitong Linggo kung saan lahat ito ay pawang mga sibilyan.


Sa ngayon ay nasa 45,638 na ang mga checkpoint sa bansa upang ipatupad ang gun ban.


Ang mga violators ay posibleng maparusahan ng pagkakakulong mula 1 hanggang 6 na taon, disqualification to hold public office, at deprivation of the right to vote.


Samantala, ang campaign period para sa national at local elections ay magsisimula sa February 8 at March 25.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page