top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | September 12, 2021



Pinilahan ang voter registration sa mga mall sa Metro Manila nitong Sabado.


Ito ay matapos buksan ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration sa mga lugar na naka-modified enhanced community quarantine, kagaya ng Metro Manila. Nitong Sabado rin sinimulan ang pagpaparehistro sa mga mall.


Makikita sa larawan ang mga magpaparehistro sa mga upuan, bilang pagsunod sa physical distancing protocols.


Ayon sa pamunuan ng Robinsons Malls, bukas ang 37 nilang malls sa buong bansa para sa voter registration ng Comelec.


Umabot na sa 5-milyon ang bagong registrants, lagpas sa inaasahang bilang na 4-milyon, ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez.


Sa kabuuan, nasa 62 milyon na ang mga rehistradong botante sa bansa para sa susunod na halalan.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 3, 2021



Ipinahayag ni Energy Secretary Alfonso Cusi na walang dapat ikabahala ang publiko tungkol sa suplay ng kuryente sa 2022 lalo na sa panahon ng eleksiyon.


Ito ay dahil mayroon daw sapat na suplay ng kuryente para sa bansa.


"Makikita natin sa initial forecast na ito na sapat ang supply, walang yellow alert. Kita po ninyo, walang lumalampa --- bumababang green bar doon sa yellow line at wala rin pong power interruption dahil sa supply...Sa madaling salita, ginagawa po lahat natin upang masiguro na may enough supply tayo ng kuryente sa darating na halalan sa 2022 and beyond," ani Cusi nu'ng Huwebes nang gabi.


Para raw magawa ang mga ito, pinaghahandaan na ng buong energy sector ang ilang scenario na maaaring makaapekto sa energy supply, tulad ng natural gas restrictions, forced outages, maintenance adjustments ng mga planta ng kuryente, demand sa interruptible load program at iba pa.


Mayroon din umanong partnership ang gobyerno sa Japan katuwang ang pribadong sektor para sa pag-develop ng liquified natural gas facilities sa bansa.


"Ang development ng LNG mula sa partnership po ng AG&P at Osaka Gas ay maaaring magsimula ng commercial operation by second quarter of 2022.


At ang partnership naman po ng First Gen ay maaaring --- and Tokyo Gas is due for commercial operation by the third quarter of 2022," paliwanag ni Cusi.


Bukod pa rito, patuloy pa rin aniya ang pag-aaral ng DOE sa paggamit ng nuclear energy at ang potential use ng hydrogen.

 
 

ni Lolet Abania | August 25, 2021



Idineklara na ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes nang gabi na tatakbo siya bilang vice- president sa 2022 national at local elections.


"Gusto talaga ninyo? Oh, sige, tatakbo ako ng bise-presidente. Then I will continue the crusade. I'm worried about the drugs, insurgency, and criminality," ani P-Duterte sa kanyang lingguhang public address.


"I may not have the power to give direction or guidance but I can always express my views in public for whatever it may be worth in the coming days," dagdag ng Pangulo.


Una nang sinabi ng PDP-Laban faction na pinamumunuan ni Department of Energy Secretary Alfonso. Cusi na tinanggap na ni Pangulong Duterte na tumakbong bise presidente sa susunod na taon.


Aniya, "After being presented with popular calls from PDP Laban regional, provincial, and down to barangay councils aspiring for a transition of leadership that will guarantee continuity of the administration's programs during the past five years."


Ayon naman sa Pangulo, tatakbo siyang vice-president kung patuloy ang kanyang mga kritiko na tatakutin siya hinggil sa sinasabing criminal charges kapag nagtapos na ang kanyang termino sa Hunyo 30, 2022.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page