top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | October 20, 2021



Aminado si dating Sen. Antonio Trillanes IV na siya nga ang tumutol sa pagsama kay Makabayan chair Neri Colmenares sa Senate slate ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo.


"Definitely, it's true that I was the one who opposed his entry primarily for the fact that the Makabayan bloc has yet to openly support and endorse the candidacy of Robredo," ani Trillanes.


Ayon naman kay Colmenares, wala pa silang natatanggap na anumang imbitasyon mula sa kampo ni Robredo kahit isa siya sa mga pinagpipilian para sa huling bakanteng puwesto sa Senate slate.


Kasabay nito, nanawagan si Colmenares sa mga supporter na tigilan na muna ang siraan at bangayan.


"We told, at least those members of Makabayan, to tone it down because we need to unify the opposition... And this kind of atmosphere is not conducive to that," ani Colmenares.




 
 

ni Lolet Abania | October 13, 2021



Kinumpirma ng chief of staff ni Manila Mayor “Isko Moreno” Domagoso na si Cesar Chavez ngayong Miyerkules, ang kanyang resignation mula sa team ng alkalde dahil aniya ito sa offer mula sa isang radio company at sa pagnanais rin niyang bumalik sa kanyang radio broadcasting career.


Ang pagbibitiw ni Chavez ay nabuo kasabay ng paghahanda ni Moreno sa pinakamalaking laban sa pulitika, ang pagtakbo nito sa pagka-pangulo sa 2022 elections.


Si Chavez na nagsimula bilang isang radio announcer bago pumasok sa gobyerno ay nagsabing nakatanggap siya ng offer mula sa Manila Broadcasting Company noong Marso 2021.


“I told Mayor Isko about the offer, and my intention to accept the same,” post ni Chavez sa Facebook.


“So happy to be back to my first love, radio broadcasting. Am done now with my other love, the government,” sabi ni Chavez, kung saan siya ay na-appoint mula sa 12 iba’t ibang posisyon sa ilalim ng 6 na administrasyon.


Pinasalamatan ni Chavez si Moreno na napili siya na maging bahagi ng team nito sa Manila habang sinabing maraming mahuhusay na manggagawa na naglilingkod sa capital city ng bansa.


“Never regretted being COS of the mayor, the job I accepted over being Agriculture Undersecretary with CESO requirement or City Administrator of Mayor Francis Zamora, the positions offered to me before that May 17, 2019 meeting with Yorme,” sabi ni Chavez.


“Salamat Yorme sa pag-unawa, at pagkatataon makapagtrabaho sa Maynila. Napakaraming magagaling at matitino sa city hall. Maraming salamat sa inyo,” aniya pa.


Sinabi naman ni Moreno sa online forum na Kapihan sa Manila Bay na si Chavez ay nakatuon sa ilang health issues at kinakailangang harapin ang kanyang pamilya.


“Nagkaroon siya ng health reasons. He has to attend to his family,” pahayag ng mayor. “Ayoko nag-i-interfere kapag pamilya na. Kaya ka nga naghahanap-buhay para sa pamilya mo,” sabi pa ni Moreno. Pinalitan si Chavez ni Jette Aquino, ang dati niyang head executive assistant simula noong Hulyo 2019.


“No more,” sabi ni Chavez sa isang text message nang tanungin kung magiging parte pa rin siya ng campaign team ni Moreno. “I committed to MBC management that I intend to stay with the company until my retirement age,” pahayag pa ni Chavez. “With this decision, my family is happy.”


 
 

ni Lolet Abania | October 13, 2021



Inianunsiyo ni veteran broadcaster na si Noli “Kabayan” de Castro na siya ay magwi-withdraw sa kanyang kandidatura sa senatorial bid ngayong Miyerkules, matapos na maghain ng certificate of candidacy noong nakaraang linggo.


Sa isang paghayag, sinabi ni De Castro na kahit na nakapaghain na siya ng COC noong nakaraang Biyernes, nagbago ang kanyang desisyon dahil sa nakita niyang mas makapaglilingkod siya sa mga kababayan bilang isang newsman.


“Isinumite ko ang aking kandidatura sa Comelec noong Biyernes. Ngunit nagkaroon ng pagbabago ang aking plano,” ani De Castro.


“Nais kong iparating sa lahat ng aking mga kaibigan at supporters na naghahanda na sanang tumulong sa akin, na nagpasiya akong hindi na ituloy ang aking kandidatura,” sabi pa ni Kabayan.


Kahit pa binawi na niya ang pagtakbo sa pagka-senador sa 2022 elections, ayon kay Kabayan patuloy pa rin siyang magsisilbi sa publiko.


“Kasabay ng pagdarasal sa Poong Nazareno, napag-isip-isip kong mas makatutulong ako sa pagbibigay ng boses sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pamamahayag,” saad niya.


Aniya pa, patuloy din siya na magiging “boses ng publiko,” lalo na sa panahon ng tinatawag na political noise habang ang iba ay ginagamit ang kanilang kapangyarihan para sa sariling interes.


naman ni De Castro si Manila Mayor Isko Moreno at ang Aksyon Demokratiko party sa pagtanggap sa kanya sa partido.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page