top of page
Search

ni Lolet Abania | February 10, 2022




Bumoto para i-dismiss ang Commission on Elections (Comelec) First Division sa tatlong consolidated disqualification cases na inihain laban kay presidential candidate dating Senador Ferdinand “Bongbong/BBM” Marcos Jr., ito ang kinumpirma ni Commissioner Aimee Ferolino ngayong araw.


Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, ibinasura na ng division ang mga petisyon nina Bonifacio Ilagan, Abubakar Mangelen, at Akbayan dahil aniya, “for lack of merit.”


Batay sa mga petitioners, hindi dapat payagan si Marcos na tumakbo sa pagka-pangulo dahil siya ay na-convict sa paglabag sa Internal Revenue Code, kung saan anila, “carried a penalty of perpetual disqualification from holding any public office.”


Ipinunto nila na noong 1995, “a Quezon City court convicted Marcos for not filing his income tax return from 1982-1984. The conviction was upheld by the Court of Appeals but removed the imprisonment sentence.”


Ayon pa sa kanila si Marcos ay hindi umapela sa ruling.


Samantala, ang resolution ng First Division ay ipinahayag ilang sandali bago mag-alas-5:00 ng hapon ngayong Huwebes, ang ikatlong araw ng national election campaign period.


 
 

ni Lolet Abania | February 10, 2022



Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) sa publiko na walang patid ang suplay ng kuryente sa darating na Election Day.


Sa isang interview ngayong Huwebes, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang Comelec sa mga pangunahing power suppliers gayundin sa mga electric cooperatives sa buong bansa sa pagtugon sa isyu ng power supply.


“These are foreseeable so what we’re doing now is we’re putting together a group, a working group with the Comelec and the different power producers in the country. And one of the first steps, of course, is we will provide them with a calendar of the critical periods or critical points of the election process. So if ever they’re going to schedule power interruptions like maintenance breaks or things like that, they will know to avoid those critical moments,” paliwanag ni Jimenez.


Ayon kay Jimenez, nang isagawa ng poll body ang mock elections sa Pasay City noong Disyembre ng nakaraang taon, nagsagawa naman ng kanilang sariling parallel dry run ang Meralco (Manila Electric Company).


“We are in coordination with these different power producers and so we’re able to scramble resources immediately if and when it becomes necessary. Hindi natin madi-discount ‘yung possibility na may matutumbang linya or may magda-down na grid. We are coordinating with them so that we can respond to that very quickly,” ani pa Jimenez.


Noong mga nakaraang eleksyon, ang Comelec ay may mga nakalaang standby power generator sets sakali mang magkaroon ng power interruptions. “We’re very confident that as we move closer to the elections, we’ll have steady power supply,” sabi ni Jimenez.


 
 

ni Lolet Abania | February 9, 2022



Mapayapa sa kabuuan ang unang araw ng campaign period para sa lahat ng kandidato na tatakbo sa national positions sa May 9 elections, ayon sa Philippine National Police (PNP).


Sa isang radio interview, sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na mayroon lamang na tatlong nai-report na insidente ng karahasan sa Mindanao subalit aniya, wala itong kaugnayan sa eleksyon.


“So far, base po sa mga na-receive nating report, ay generally peaceful naman po ‘yung first day po ng campaign period ng ating mga national candidate,” diin ni Fajardo.


Subalit, ayon kay Fajardo, naobserbahan nila na ang social distancing protocol na itinakda dahil sa panganib pa rin ng COVID-19 ay nilabag sa ilang campaign rallies.


Inamin naman ng opisyal na ang pagpapatupad ng minimum public health standards sa mga campaign rallies ay malaking hamon sa pulisya.


Una nang sinabi ni Fajardo na ipapatupad ng PNP ang maximum tolerance sa pag-iimplementa ng mga election guidelines at COVID-19 health standards sa lahat ng campaign rallies upang maiwasan ang anumang tensyon sa panahon ng nasabing aktibidad.


Aniya, tututukan ng PNP ang pagpapatupad ng election guidelines na itinakda ng Commission on Elections, habang ang mga barangays officials nakatuon naman para tiyakin na nasusunod ang minimum public health standards.


Opisyal na nagsimula nitong Martes, Pebrero 8, ang 90-day official campaign period para sa mga kandidato na tatakbo sa national positions.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page