top of page
Search

ni Lolet Abania | May 6, 2022



Nasa red alert status na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at ang Office of Civil Defense (OCD) kaugnay sa nalalapit na May 9 national at local elections.


Susuportahan ng dalawang ahensiya ang Commission on Elections (Comelec) para sa tinatawag na “COVID-proofing” sa 2022 elections, kung saan ito ang kauna-unahang halalan na isasagawa sa Pilipinas sa gitna ng pandemya.


Sa ilalim ng Task Force Against COVID-19’s (NTF) Memorandum No. 6s na inisyu noong Mayo 2 ay nakasaad, “the OCD, all Regional Task Forces (RTFs), and Disaster Risk Reduction and Management Councils (RDRRMC) are mandated to coordinate and mobilize member agencies to adhere to the requirements and needs set by the Comelec through its field offices.”


Ang OCD, kasama ang kanilang Regional Offices, bilang head ng Task Group Resource and Management and Logistics, ay inaatasan din na mag-facilitate at i-coordinate ang mga nakalaang medical supplies at iba pang logistical requirements para sa COVID-19 operations.


“Despite these circumstances, we urge our countrymen to keep the ‘Bayanihan Spirit’ alive to ensure a safe and healthy national and local elections,” saad ni Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, OCD’s deputy administrator for operations.


Una nang sinabi ng Comelec na ang mga botante na nakikitaan ng COVID-19 symptoms ay papayagan pa ring bumoto sa nakatalagang isolation polling places.


Ayon pa sa Comelec, ang mga botante ay required na nakasuot ng face masks habang nasa mga polling precincts, at ang face shields ay optional na lamang.


 
 

ni Zel Fernandez | May 6, 2022



Martes nang gabi nang mag-trending sa social media ang #KakampINC kasunod ng opisyal na anunsiyo ng religious group na Iglesia ni Cristo (INC) na suportado nito ang tambalang BongBong Marcos at Sara Duterte ngayong 2022 elections.


Taliwas sa naging pasya ng pinuno ng INC, umalingawngaw sa social media ang panawagang #KakampINC bilang pagpapahayag ng ilang mga miyembro ng INC na ang kanilang suporta ay para sa tambalan nina VP Leni Robredo at vice-president aspirant Kiko Pangilinan.


Bagaman karamihan umano sa mga miyembro ng INC ay sadyang maka-BBM-Sara, sa kabila ng naging pasya ng kanilang lider ay umalma pa rin ang ilan pang kaanib sa kilalang 'bloc voting' ng Iglesia dahil sila ay mga Leni-Kiko supporters.


Bukod sa pagiging trending ng #KakampINC, dalawa pa umanong grupo ang nabuo sa social media tulad ng “Mga titiwalag for Leni” at “2.6 million minus one” bilang pagpapahayag ng pagkadismaya sa desisyon ng INC, na tinatayang mayroon umanong 2.6 milyong kasapi.


Gayundin, maging sa Twitter ay nag-ingay ang ilang aktibong kaanib ng INC at nagpahiwatig na anuman ang mangyari sa kanilang pagiging miyembro ng Iglesia ay pipiliin pa rin anilang ibotong pangulo si Leni at si Kiko bilang bise-presidente ngayong nalalapit na eleksiyon.


 
 

ni Zel Fernandez | May 6, 2022



Pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga botante na bawal umanong magsuot ng mga campaign shirts ng sinusuportahang kandidato sa eleksiyon sa Mayo 9.


Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, mahigpit aniyang ipinagbabawal ang magbihis ng anumang damit na may tatak na mukha o pangalan ng sinumang politiko sa araw ng halalan dahil maituturing umano itong pangangampanya.


Gayundin, mahigipit umanong ipinagbabawal sa loob ng presinto ang pagdadala o paggamit ng mga campaign paraphernalia tulad ng face masks, baller, pamaypay, at iba pang mga bagay na mayroong pagkakakilanlan ng mga kandidato.


Dagdag pa rito, hindi rin pinapayagan ng Comelec ang pamimigay ng mga sample ballots sa mismong araw ng eleksiyon.


Gayunman, nilinaw ni Garcia na hindi naman umano ipinagbabawal ng ahensiya ang paggamit o pagsusuot ng mga campaign colors na nagrerepresenta sa mga napupusuang kandidato.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page