top of page
Search

ni Zel Fernandez | May 8, 2022



Kasalukuyang ipinaaayos ang umano’y nasa kabuuang 33 vote counting machines (VCMs) sa regional technical hub sa Cagayan de Oro, matapos makitaan ng depekto.


Batay sa pahayag ng opisyal, sa tinukoy na 33 depektibong VCMs, anim (6) sa mga ito ay mula sa Agusan del Norte; 14 sa Agusan del Sur; dalawa (2) sa province of Dinagat Islands at tig-apat (4) sa Surigao del Norte at Surigao del Sur.


Gayunman, sa 33 may depekto, 16 na lang umano ang hindi pa naiayos at naibalik, kung saan ang pito (7) rito ay sa Agusan del Sur at apat (4) naman sa Surigao del Sur.


Kaugnay nito, ipinaliwanag ng opisyal na ilang mga lugar sa Caraga Region ang hindi pa nakapagsagawa ng final testing at sealing ng vote counting machines dahil pawang mga depektibo ang ilan sa mga ito.


Ani Comelec Asst. Regional Director Atty. Geraldine Samson, sakali umanong maantala ang paghahatid ng mga naiayos na VCMs ngayong araw, maaari naman aniya itong maihabol bukas para sa final testing at sealing bago magsimula ang aktuwal na botohan.


Sa kabila nito, tiwala si Atty. Samson na sa mga nailatag na contingency measures ay hindi magkakaroon ng aberya ang gaganaping eleksiyon bukas.


 
 

ni Lolet Abania | May 7, 2022



Magbibigay ng libreng sakay ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) para sa mga persons with disabilities (PWDs) sa Mayo 9 elections, batay sa anunsiyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ngayong Sabado.


Maaaring maka-avail ang lahat ng PWDs ng free LRT-2 rides anumang oras sa pagitan ng unang commercial trip nang alas-5:00 ng umaga hanggang huling commercial trip nang alas-8:30 ng gabi sa Antipolo station at alas-9:00 ng gabi sa Recto station.


Kailangan lamang magprisinta ng PWD passenger ng kanyang valid PWD ID sa security/station personnel sa pagpasok sa automatic fare collection system gates para maka-avail ng libreng sakay.


Ang free ride ay isa sa mga proposed measures ng Department of Transportation (DOTr), sa pamamagitan ng kanilang Task Force on Disability Affairs, na layong makapagbigay ng access sa mga PWDs sa panahon ng eleksyon.


“The provision of accessible transportation is one of the main requirements for PWDs to be able to participate in the national elections. LRT-2 is ready and available to accommodate them,” pahayag ni LRTA Administrator Jeremy Regino.


Hinimok din ni Regino ang lahat ng PWDs na sasakay ng tren patungo sa kanilang voting precinct na manatili at maghintay sa Special Boarding Area (SBA), ang nakatalagang lugar para sa mga senior citizens, PWDs, at mga buntis.


Mayroon ding nakalaang lugar para sa mga naka-wheelchair sa loob ng mga tren.


Paalala naman ng LRTA sa lahat PWD passengers na patuloy na sumunod sa mga safety at security protocols gayundin, ang mga minimum health protocols, gaya ng mandatong pagsusuot ng face masks at bawal mag-usap at phone calls, kung saan nananatiling ipinatutupad sa loob ng mga tren at mga istasyon.


 
 

ni Lolet Abania | May 7, 2022



Nakatakdang maglagay ng mga health stations sa mga polling precincts para sa mga botante na nakararanas ng sakit sa araw ng eleksyon upang makapagpakonsulta sila roon, ayon sa Department of Health (DOH).


“We have coordinated with the Commission on Elections. There has been this series of meetings where we will establish health stations in each polling precinct,” ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa briefing ngayong Sabado.


“People feeling dizziness, high blood pressure could go into these health stations. They could also consult the health stations if they felt other symptoms, including COVID symptoms,” dagdag ni Vergeire.


Aniya, ang mga indibidwal naman na may COVID-19 symptoms ay dadalhin sa mga isolation polling places (IPP).


Ayon kay Vergeire, ang DOH ay nagsagawa ng simulation exercises kasama ang mga Comelec officials nitong Huwebes para sa implementasyon ng health protocols.


“We had long been preparing for this election. We have been in close coordination with the Comelec, the DILG and other concerned offices so that the government can guarantee that elections this year will be safe,” sabi ni Vergeire.


Binanggit naman ng opisyal na ang bansa ay dumaan sa maraming mass gatherings, kabilang na rito ang mga campaign sorties, at mga aktibidad sa Semana Santa.


Gayunman, iniulat ni Vergeire na patuloy ang pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa, na sa kasalukuyan ay may average na 184 cases kada araw. May average naman na 78 cases kada araw na nai-report sa Metro Manila.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page