top of page
Search

ni Lolet Abania | May 17, 2022



Magsisimula ang canvassing ng votes para sa pangulo at pangalawang pangulo sa katatapos na 2022 elections sa Mayo 24 at tatagal ito hanggang Mayo 27, batay sa impormasyon mula sa website ng House of Representatives.


Nitong Lunes, isang online meeting ang ginanap kung saan ang mga opisyal ng House, na pinangunahan ni Secretary General Mark Llandro Mendoza, ay tinalakay ang mga isyu sa mga opisyal ng Senate na pinamunuan naman ni Senate Secretary Atty. Myra Marie Villarica.


Kabilang sa mga isyu na kanilang pinag-usapan ay ang transfer ng mga ballot boxes na naglalaman ng Certificates of Canvass (COCs) at Election Returns (ERs) mula sa Senate patungo sa House sa Mayo 23.


Napagkasunduan naman ng mga opisyal na ang Consolidation and Canvassing System (CSS) machine ay ita-transfer mula sa House Legislative-Executive Lounge patungo sa Plenary Hall sa Mayo 24 bago ang joint session.


Ayon kay Mendoza, ang canvassing sa Mayo 24 ay magsisimula ng alas-2:00 ng hapon habang mula Mayo 25 hanggang 27, ang canvassing ay nakaiskedyul mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi.


Sa ilalim ng 1987 Constitution, ang Senate President ang dapat magbukas ng lahat ng certificates sa harap ng Senate at ng House sa isang joint public session, na hindi lalampas sa 30 araw matapos ang Election Day.

 
 

ni Lolet Abania | May 15, 2022



Magkabukod na ipoproklama ang mga nagwaging 12 senador at party-list groups upang panatilihin ang public health standards sa gitna pa rin ng COVID-19 pandemic, ayon sa Commission on Elections (Comelec).


Sa ginanap na press briefing ngayong Linggo, sinabi ni Comelec acting spokesperson Rex Laudiangco na ang poll body, nagsisilbi ring National Board of Canvassers (NBOC), na hiwalay ang proklamasyon ng inisyal na party-list groups na nakaabot sa 2% threshold ng kabuuang bilang ng mga party-list votes.


“In order to maintain minimum public health standards we have to separate ‘yung proclamations ng senators and party-lists. So we really have to separate the party-lists,” ani Laudiangco.


“Then again ‘yung party-list po dahil sa completion ng total party-list votes we are entertaining the possibility of proclaiming top-tier party-list meaning ‘yung matataas po na nakakuha ng boto na hindi na maaaring maapektuhan doon sa distribution and application of the formula nu’ng hindi pa dumarating na partylist votes. Total number of partylist votes is really the basis,” dagdag ng opisyal.


Una nang inihayag ni Laudiangco na ang mga ipoproklamang senador ay mayroong tatlong kasama habang sa mga party-list groups ay limitado sa dalawa.


Ayon sa Comelec, target nilang iproklama ang lahat ng 12 naihalal na senador at partial winning party-list groups para sa Halalan 2022 sa Martes, Mayo 17 o Miyerkules, Mayo 18. Ang aktor na si Robin Padilla ang nangunguna pa rin sa 2022 senatorial elections base sa partial at official canvassing results sa 17 rehiyon at overseas voting na ini-release ng NBOC nitong Biyernes na may 23,908,730 votes.


Tinataya namang siyam na party-list groups ang naka-secure ng seats sa House of Representatives base rin sa partial at official tally ng Comelec nitong Huwebes. Ayon sa NBOC, ang ACT-CIS na may 2,065,408 (5.8270) votes at 1-Rider Partylist na may 988,435 (2.7886) votes ang nangunguna sa party-list race base sa latest partial at official canvassing results nitong Sabado Saturda

 
 

ni Lolet Abania | May 15, 2022



Nasa humigit-kumulang P20 million ang ilalaan ng Commission on Elections (Comelec) para sa karagdagang honoraria, kapag inaprubahan na ng Comelec en banc, na ibibigay sa mga guro na nag-overtime sa panahon ng May 9 elections.


“More or less, kulang-kulang P20 million po ang amount na pinag-uusapan natin dito. Meron naman po kami na kahit papa’no ay natitipid-tipid pa. So ‘yung natitipid natin ngayon, ‘ayun na lang ‘yung ipambigay natin,” ani Comelec Commissioner George Garcia sa isang radio interview ngayong Linggo.


Una nang nagsumite si Garcia ng rekomendasyon sa Comelec en banc para i-grant ang additional honoraria sa mga guro at support staff na nakatalaga sa mga polling precincts na nag-OT, kung saan ang mga vote counting machines (VCMs) at SD cards ay nag-malfunctioned. Aniya, lahat ng miyembro ng en banc ay pabor sa nasabing proposal.


Tinanong naman si Garcia kung ang desisyon hinggil sa honoraria ay malalaman ngayong araw, ayon kay Garcia, “Opo dahil, dahil meron kaming tinatawag na continuing session. Kahit hindi kami nagme-meeting, nagpapaikot na kami ng mga resolusyon.


Kahapon, nakita ko na ang aking proposal sa part ng continuing session.” Una nang binanggit ni Election Task Force (ETF) head Atty. Marcelo Bragado Jr. na tinatayang nasa 640,000 personnel ng Department of Education (DepEd) ang nagsilbi bilang poll workers sa 2022 elections.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page