top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | October 29, 2023



ree

Isang araw bago ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections, nanawagan si Sen. Sherwin Gatchalian para sa paglulunsad ng national federation para sa SK.


Sa isang pahayag ngayong Linggo, iginiit ni Gatchalian ang kahalagahan ng isang pambansang organisasyon na nakatuon sa pagpapalakas ng gampanin ng mga lider ng SK sa pag-unlad ng bansa.


Noong 2022, isinumite ni Gatchalian ang isang panukalang batas na naglalayong baguhin ang Section 21 ng SK Reform Act of 2015. Sa ilalim ng mungkahing hakbang, itatatag ang Nasyonal na Pederasyon ng Sangguniang Kabataan at bubuuin ito ng mga halal na presidente ng Panlalawigang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan.


Sinabi ng senador na mapalalakas ang networking at consensus-building sa pamamagitan ng paglikha ng pambansang organisasyon ng SK, na makasisiguro ng mas mataas na kahusayan sa pagtugon sa mga isyu sa pamamahala at pagpapatupad ng mga proyekto.


Nagbibigay din ng probisyon ang mungkahing hakbang na maglilingkod bilang ex officio na miyembro ng Union of Local Authorities of the Philippines ang mga nahalal na miyembro ng Nasyonal na Pederasyon ng Sangguniang Kabataan.



 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 29, 2023



ree

Inaresto ng mga awtoridad ang isang 52-anyos na tumatakbong kagawad sa Brgy. Bagong Barrio, Pandi, Bulacan dahil sa sinasabing vote-buying.


Kinilala ang suspek bilang alyas "Jun" at nakumpiska sa kanya ang nagkakahalaga ng P35,840, at Department of Social Welfare and Development sheets pati sample ng balota.


Nagbabala si Police Regional Office-3, Police Brig. Gen. Jose S. Hidalgo Jr. sa publiko na may parusang pagkakakulong ang sino man na mahuling sangkot sa pagbili ng boto.


Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng Pandi police station ang suspek para sa mas malalim na imbestigasyon.







 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 27, 2023



ree

Nagpaalala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na huwag magpaloko ang mga tao sa mga kandidatong ginagamit ang pangalan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).


Ayon sa DSWD, ang 4Ps ay hindi puwedeng gamitin sa pangangampanya sa BSKE o sa kahit ano pang eleksyon.


Nakakatanggap din umano ng reports ng mga kandidatong ginagamit ang 4Ps sa pangangampanya.


Hinikayat din ng DSWD ang masa na magtiwala lang sa kanila at sa kanilang mga personnel at magdoble-ingat para 'di mabiktima.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page