top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 31, 2023



ree

Matapos ang halalan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan, tinitiyak naman ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na maayos na mailipat ang mga naluklok sa puwesto.


Pahayag ni Comelec Chairman George Garcia, ang mga nanalong kandidato ay maaari nang mag-umpisa sa kanilang mga puwesto pag tapos ng transition.


Ang mga kandidatong hindi maipoproklama dahil sa mga nakabinbin na kaso ng diskwalipikasyon ay kinakailangang hintayin ang desisyon ng Comelec.


Sa kabilang banda, sinabi ng Comelec na merong 67.8-milyong botante para sa halalan ng mga Barangay at Sangguniang Kabataan.




 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 30, 2023



ree

Nangako ang Department of Education (DepEd) ngayong Lunes na bibigyan ng tulong medikal at insurance ang mga guro na naglingkod para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).


Sinabi ni Michael Poa, tagapagsalita ng DepEd, sa mga mamamahayag sa tanggapan ng Commission on Elections na bukod sa mga benepisyo na ibinibigay ng Comelec, ibibigay din ang tulong medikal at personal accident insurance sa kanila.


Dagdag pa niya, nakipag-ugnayan na ang DepEd sa Comelec upang tiyakin na makukuha ng mga BEI ang kanilang honoraryo para sa tungkulin sa halalan.


Nagkakahalaga ito ng P9,000 hanggang P10,000. Sa kasalukuyan, pinoproseso na ng DepEd ang mga kailangan para sa mas maagang pagpapalabas ng honoraryo.


Ang benepisyo para sa may mga tungkulin sa halalan ay dapat mailabas sa loob ng 15 araw.







 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 30, 2023



ree

Idiniin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang kahalagahan ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), dahil ang mga lokal na opisyal na ito ang maghahatid ng mga boto para sa pulitiko sa pambansang antas.


Saad ni Marcos, personal ang lokal na halalan sapagkat ang mga opisyal ng barangay ang makakapagsabi kung gaanong karaming boto ang madadala nila sayo.


Dagdag niya, 'yon ang maaaring dahilan kung bakit mainit ang eleksyon ng brgy. levels.


May 1.4-milyon ang nag-file ng kanilang kandidatura para sa BSKE ngayong taon.


Ayon sa Pangulo, ang isang political party ay dapat malakas upang matulungan ang kanilang mga kandidato para sa posibleng kaguluhan.


Matatandaang sinabi ni Marcos Jr nu'ng Agosto na ang kanyang political party na Partido Federal ng Pilipinas ay nagbabalak na magkaroon ng mga alyansa para sa darating na eleksyon sa 2025.





 
 
RECOMMENDED
bottom of page