top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | February 5, 2022



Sinimulan kagabi, Pebrero 4, ang road reblocking at repair o pagkukumpuni sa ilang kalsada sa EDSA, ayon sa abiso ng Department of Public Works and Highways (DPWH). 


Ito ay gagawin sa mga sumusunod na lugar:


NORTHBOUND:


* EDSA -Quezon City mula Aurora Boulevard hanggang sa New York St. (ika-3 lane mula sa bangketa)

 

SOUTHBOUND:


* EDSA Caloocan City bago mag-Benin St. (ika-4 lane mula sa bangketa). 


Inaasahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko kaya’t pinapayuhan ang mga motorista na gumawa ng alternatibong ruta.


Muling bubuksan ang mga kalsada simula alas-5:00 ng umaga sa Pebrero 7.

 
 

ni Lolet Abania | October 29, 2021



Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista ngayong Biyernes na humanap muna ng mga alternatibo ruta dahil sa nakatakdang pagsasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repairs sa ilang bahagi ng EDSA at España Boulevard.


Sa kanilang social media pages, ayon sa MMDA, ang road reblocking at repairs ay magsisimula ng alas-11:00 ng gabi ng Biyernes, Oktubre 29, hanggang alas-5:00 ng madaling-araw ng Martes, Nobyembre 2.


Ang mga lugar na isasaayos ay ang mga sumusunod:

• España Boulevard

• C.P Garcia Francisco Street hanggang Aguinaldo Street (2nd lane mula sa sidewalk) • EDSA Quezon City after Annapolis Street hanggang bago ang Boni Serrano flyover Northbound (3rd lane mula sa sidewalk)

• EDSA Tramo flyover, Pasay City

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 20, 2021



Patay ang isang lalaking pinagbabaril sa sidewalk sa EDSA sa Pasay nitong Linggo ng gabi.


Kinilala ang biktima sa alyas na Raymond.


Nakahandusay ang katawan ng biktima sa bangketa sa ibaba ng MRT Taft station sa kanto ng EDSA at Zamora Street.


May mga tama ng bala sa ulo at katawan si alyas Raymond nang puntahan ng awtoridad.


Ayon sa isang saksi, tila lasing umano ang biktima at natulog sa bangketa nang may tumigil na motorsiklo sa tabi nito. Pinagbabaril umano ng sakay ng motorsiklo ang lalaki at agad na tumakas.


Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaril at kung sino ang salarin.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page