top of page
Search

ni Lolet Abania | February 25, 2022



Isasailalim ang ilang section ng EDSA sa kahabaan ng Caloocan at Pasay City sa reblocking at repairs ngayong weekend, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong Biyernes.


Sa isang advisory, sinabi ng DPWH na ang gagawing road repairs ay magsisimula ng alas-11:00 ng gabi ng Biyernes, Pebrero 25 hanggang alas-5:00 ng madaling-araw ng Lunes, Pebrero 28.


Ang mga apektadong road sections ay ang mga sumusunod:


• EDSA northbound direction malapit sa Quirino Highway Exit;

• EDSA Caloocan southbound sa harap ng Biglang Awa Street, 4th lane mula sa sidewalk;

• Innermost lane o bus way mula sa E. Rodriguez Street patungong C. Jose Street, northbound sa Pasay City.


Pinapayuhan naman ng DPWH ang mga motorista na humanap muna ng mga alternatibong ruta habang isinasagawa ang road repairs sa nasabing mga lugar.

 
 

ni Lolet Abania | February 20, 2022



Sinimulan nang maglagay ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga bagong concrete barriers na may LED lights sa EDSA para mai-designate ang busway lane.


Ayon sa MMDA, mas matibay na ang mga barriers at dinisenyo nang husto para madali itong nakikita kahit pa sa gabi.


Ginawang mag-installed ng MMDA ng mga bagong barriers, ilang araw matapos na tatlong tauhan ng Philippine Air Force (AFP) ang nasawi dahil sa isang aksidente, habang ang isa pang lulan ng kotse na siyang driver ay nakaligtas, kung saan ang kanilang sinasakyan ay sumalpok sa concrete barriers sa bahagi ng busway sa kahabaan ng EDSA at magliyab ito.


Naganap ang insidente sa kahabaan ng southbound sa EDSA, ilang metro ang layo mula sa P. Tuazon Tunnel sa Quezon City, bandang alas-2:00 ng madaling-araw.

 
 

ni Lolet Abania | February 7, 2022



Nagsagawa ang isang grupo ng EDSA Carousel bus drivers at kunduktor ngayong Lunes ng umaga ng kilos-protesta bilang apela ng mga ito para sa pagre-release ng kanilang mga suweldo sa Quezon City.


Naganap ang protest rally ng grupo ng mga drayber at kunduktor sa EDSA Kamuning, madaling-araw ngayong Lunes, dahil anila ito sa kanilang mga sahod na naantala simula pa noong Mayo 2021. Ayon sa grupo, nasa kabuuang P20 milyon ang kanilang ‘unreleased salary.’


Nagtalaga naman ng mga pulis para mapanatili ang peace-and-order, at tiyaking sumusunod ang mga protesters sa health at safety protocols, gayundin maging maayos ang daloy ng trapiko sa naturang lugar.


Isang protester naman ang nag-aakusa sa gobyerno na nakikipagsabwatan umano ang mga ito sa mga bus operators.


Gayunman, matapos ang maikling rally ng grupo sa EDSA Kamuning ay umalis din ang mga ito at nagmartsa naman patungo sa opisina ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).


Batay sa ulat, wala pa ring inilalabas na statement sa ngayon ang LTFRB at mga concerned bus operators hinggil sa isyu.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page