top of page
Search

ni Lolet Abania | March 23, 2022


May libreng sakay na ulit sa EDSA carousel bus na magsisimula sa susunod na linggo, ang huling linggo ng Marso.


Sa ulat, ito ay muling isasagawa matapos na matanggap ng Department of Transportation (DOTr) mula sa Department of Budget and Management (DBM) ang P7 bilyong budget para sa service contracting program.


Dahil dito, ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang siyang magbabayad para sa operasyon ng EDSA carousel bus at ilang jeepney na bumibiyahe sa partikular na ruta.


Labis naman ang pasasalamat ng mga commuters sa anunsiyong ito ng free rides sa EDSA carousel bus, dahil anila malaking tulong ito lalo na sa mga sumusuweldo lamang ng minimum wage.


 
 

ni Lolet Abania | March 20, 2022



Inianunsiyo ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) ngayong Linggo na pansamantalang isasara ang Building A entry at exit points ng Shaw Boulevard Station mula Marso 21 hanggang Marso 22 (Lunes at Martes) para sa mga gagawing aktibidad ng pagsasaayos nito.


Batay sa advisory mula sa opisina ni MRT3 director for operations Engineer Michael Capati, ang entry at exit points na partikular na apektado ng improvement activities ay ang bahagi ng EDSA Shangri-La at ang mga gilid ng Starmall.


Ayon kay Engr. Capati, layon ng naturang aktibidad ay upang pagandahin ang mga pasilidad para sa mas maayos na serbisyo at maginhawa rin sa mga commuters.


Payo naman ng MRT3 management sa mga commuters na gamitin muna ang entry at exit points sa Building B ng Greenfield Pavilion at ng Parklea Center sides.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 3, 2022



Paiigtingin ng Metropolitan Manila Development Authority ang no-contact apprehension dahil tila ‘back to normal’ na ang daloy ng trapiko sa EDSA.


Ito ay para hindi maharang ang daloy ng trapiko at maiwasan ang heavy traffic ngayong nasa Alert Level 1 na ang NCR, ayon kay EDSA traffic "czar" Bong Nebrija.


"Ina-anticipate na natin na dadami na 'yung volume ng sasakyan sa EDSA and with that we will be intensifying 'yung no-contact apprehension. Traffic management will take priority over enforcement," ani Nebrija. 


Mananatili rin umano ang mga concrete barriers kahit pa mayroong mga aksidenteng kaugnay nito.


“Matagal na tayong nagkaroon ng steel bollards diyan sa pababa ng tunnel at saka pababa ng flyover. However, naubos na yan dahil binangga na ng mga sasakyan so we will see if we will come up with another scheme or another form of barricade na makakaprotekta sa mga commuters," ani Nebrija.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page