top of page
Search

ni Jeff Tumbado @News | August 4, 2023



ree

Ang ilang mga nagsisulputang butas sa kalsada na karamihan ay malalaki at may kalaliman partikular sa kahabaan ng Commonwealth Avenue malapit sa kanto ng Quezon City circle dulot ng matinding pag-uulan na dahilan naman ng pagsisikip sa daloy ng trapiko sa mga motorista para makaiwas.



 
 

ni Jeff Tumbado @News | July 21, 2023



ree

Nasa mahigit 100 pribadong sasakyan ang pinaghuhuli ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB), Land Transportation Office (LTO), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga miyembro ng Inter-Agency Council for Traffic (i-ACT) dahil sa pagbaybay nang ilegal sa EDSA busway sa bahagi ng Malibay, Pasay kahapon.


Ikinasa ang operasyon dahil sa mga ipinaparating na hinaing ng mismong mga komyuter sa bagong tatag na DOTr Complaint Hotline tulad sa paglabag sa batas-trapiko o “Disregarding Traffic Sign” alinsunod sa Republic Act 4136.


Ilan lamang sa mga naiparating na reklamo ay ang pagdaan ng mga pribadong sasakyan sa EDSA busway lane na nakalaan lamang para sa mga pampublikong bus, emergency vehicle, at sasakyan ng gobyerno.


Mahigit 100 motorista ang nahuli sa nasabing operasyon at lahat ay pinagtitiketan sa paglabag sa batas-trapiko.


Pinaalalahanang muli ng LTFRB ang mga motorista na dumaan lamang sa tamang kalsada partikular sa kahabaan ng EDSA upang iwas-abala at aksidente.


 
 

ni BRT | June 13, 2023



ree

Aabot sa 11 pasahero ang nasugatan sa banggaan ng 2 bus sa bahagi ng EDSA Carousel northbound sa Quezon City kamakalawa ng gabi.


Nagtamo ng minor injuries ang mga pasahero bagaman wasak ang harapan at basag ang salamin ng isang bus matapos mabangga ng isa pang bus paglagpas ng Quezon

Avenue flyover.


Ayon sa drayber na si Redine Bangcaya, papasok siya ng EDSA Busway nang tamaan ang likurang bahagi ng minamaneho niyang bus, dahilan para umikot pa ito.


Inararo ng bus ang 48 concrete barrier, 4 na plastic barrier at mga signage ng busway.


Gayunman, ayon sa mga nakakita, nag-unahan umano sa pagmamaneho ang 2 bus driver.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page