top of page
Search

by Info @Editorial | October 7, 2025



Editorial


Sa bawat bagyo at lindol na tumatama sa ating bansa, maraming buhay ang naaapektuhan. Maraming nawalan ng tahanan, kabuhayan, at mahal sa buhay. Sa gitna ng ganitong trahedya, isang bagay ang hindi dapat mawala — ang ating pagtutulungan.Hindi natin maiiwasan ang kalamidad, pero kaya nating pagaanin ang epekto nito kung tayo’y nagkakaisa. Hindi kailangan ng malaking pera para tumulong.


Minsan, ang pagbibigay ng kaunting pagkain, tubig, o damit ay sapat na upang makatulong sa nangangailangan. 


Kung may kakayahan, magbigay. Kung walang maibibigay, ibahagi ang tamang impormasyon. Lahat ay may maiaambag.Ang gobyerno ay may responsibilidad na tumugon agad, pero tayo bilang mamamayan ay may tungkulin ding kumilos. 


Sa panahon ng sakuna, hindi importante kung mayaman ka o mahirap. Ang mahalaga ay may malasakit ka sa kapwa.

 
 

by Info @Editorial | October 4, 2025



Editorial


Matapos ang malakas na lindol sa Cebu, libu-libong katao ang nawalan ng bahay at kabuhayan. 


Maraming pamilya ang nasa gilid na ng kalsada, nag-aabang ng mga dumaraan para humihingi ng tulong. 


Sa ganitong sitwasyon, ang pinakaimportanteng tulong na kailangan nila ay pagkain at malinis na tubig. 


Hindi ito puwedeng ipagpaliban. Ang gutom at uhaw ay hindi naghihintay. Araw-araw ay lumalala ang kalagayan ng mga biktima kung walang sapat na pagkain at tubig. Lalo na ang mga bata, matatanda, at maysakit. Dapat itong unahin ng gobyerno at mga tumutulong na organisasyon. 


Tiyakin ding makarating ang tulong hindi lang sa lungsod kundi pati sa mga liblib na barangay.


Sa ganitong sitwasyon, ang pagtutulungan ang pinakamahalaga. Kung may maibibigay ka — pagkain, tubig, donasyon, o kahit oras — malaking bagay na ‘yun para sa mga nangangailangan.


Ang pagkain at tubig ay hindi luho. Ito ay karapatang pantao. At sa panahon ng sakuna, ito ang dapat laging inuuna.


 
 

by Info @Editorial | October 2, 2025



Editorial


Isang resort ang sinalakay kamakailan. Halos 30 ang naaresto, at may mga party drugs na nasamsam. 


Isa na namang insidente na nagpapakitang ang droga ay hindi na lamang problema ng lansangan — kundi ng mga lugar na dapat ay para sa pahinga at ligtas na kasiyahan.


Ang masaklap? Parang normal na lang ito, marahil dahil walang sapat na pananagutan. Kadalasan, ang nahuhuli ay ang maliliit. Pero ang mga tunay na utak, organizers at suppliers ay nananatiling ligtas.Hindi sapat ang operasyon kung walang follow-up.


Kailangan ng malalimang imbestigasyon, monitoring, at matinding pananagutan sa lahat ng sangkot.At para sa kabataan: huwag gawing uso ang kapahamakan. Walang “saya” sa party drugs.


May ending ito — at hindi iyon masaya.Kung patuloy na ino-normalize ang ganitong pangyayari, tayo rin ang talo. Panahon na para maging seryoso. 


Ang droga, kahit saan mo ilagay, sa resort man o eskinita ay mananatiling panganib.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page