top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg
Search

@Editorial | June 10, 2021



Ready na ang bilyun-bilyong ang pondo para ipambili ng COVID-19 vaccines.


Bukod sa naunang inilaan na P82.5 bilyon, may karagdagan pang P25 bilyon.


Kasunod naman nito ay ang panawagang ipaliwanag mabuti ng mga kinauukulan ang paggagamitan nito hanggang sa pinakahuling sentimo.


May mga reaksiyon na sinasabing tila sobra-sobra na ang P107.5 bilyon, at maaaring makaranas ng oversupply ng bakuna.


Isa pa sa mga pinangangambahan ay baka umano mauwi sa korupsiyon ang sobra-sobrang budget.


Hindi naman sa nagdududa, pero sa hirap ng sitwasyon ngayong may pandemya na talagang bagsak ang ekonomiya, kailangang maging maingat sa pagba-budget. Ang bilyones na gagamitin ay hindi naman pera ng iilan, kundi galing ito sa lahat ng mamamayan.


Kaya responsibilidad ng mga namamahala sa budget para sa pagbabakuna na ipabatid nang malinaw kung saan napupunta ang kaban ng bayan. Sa pamamagitan nito ay mababantayan ang pondo mula sa anumang banta ng korupsiyon.


Kung kinakailangang bumuo ng grupo na magbubusisi sa budget para sa bakuna, gawin na.


Ang layunin natin dito ay mapabilis ang pagbabakuna, makasiguro ng supply at hindi masayang ang pondong inilalaan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page