top of page
Search

ni Eddie M. Paez Jr. / Clyde Mariano @Sports | February 11, 2023


ree

Umiskor si Antonio Hester ng 28 points at sumunggab ng 12 rebounds sa una niyang laro sa Magnolia Chicken Timplados bilang import at sa wakas nakapanalo rin ang Hotshots, tinalo ang Phoenix Super LPG, 108-95 kahapon sa 2023 PBA Governors’ Cup sa SM Mall of Asia Arena.


Maagang nagpasiklab si Hester sa 13 puntos sa first-half at ilayo sa 58-36 lead sa break period. Lumagare ang Hotshots ng 63-36 lead sa third, pinakamalaking kalamangan sa ballgame. Nailagay na ang Magnolia sa win column sa unang pagkakataon matapos na matalo sa unang tatlong laro, ito ay nang palitan ni Hester ang hindi epektibong laro ni Eric McCree bilang import.


Samantala, pinakislap ni Kyle Amoroto ang tatlong kulay ng bandila ng Pilipinas nang magtagumpay ito sa pag-akyat sa trono ng Piala Birgilir 9-Ball Open Tournament sa Indonesia.


Pinatumba ng sinasabing kinabukasan ng Philippine billiards sina local bets Roy Wijaya (finals, 8-5) at Sopian Anwar (semifinals, 8-7) sa homestretch ng kompetisyon tungo sa kampeonato.


ree

Tumapos sa likod nina Amoroyo at Wijaya bilang joint 3rd placer ang iba pang mga kinatawan ng punong-abala na sina Tokyo Jawab Barat at Sopian Anwar. Hanggang semifinals lang umabot sina Tokyo at Sopian.


Nagsilbi itong malupit na sundot sa mainit na pagsibad ng billiards carèer ni Amoroto dahil kinoronahan din siya kamakailan bilang hari ng 2022 Philippine 10-Ball Open. Sa naturang kompetisyon sa Quezon City, tinalo ng 20-anyos na pambato ng Taytay, Rizal si Paul John "Saging" Ladao sa kanilang pangkampeonatong salpukan, 19-9.


Nangibabaw din ang husay ni Amoroto sa Glory Lumber Year of the Rabbit Open 10-Ball Tournament noong nakaraang buwan.

 
 

ni Eddie M. Paez Jr. @Sports | January 24, 2023


ree

Binokya ni Taiwanese Chieh Yu Chou si Allison Fisher ng Great Britain sa isang hindi inaasahang resulta sa finals tungo sa pagsungkit ng korona sa World Women's 9-Ball Championships sa Atlantic City, New Jersey.


Isang malutong na 9-0 ang ipinosteng panalo ni Chou para sa pagkakandado ng $30,000 na champion's purse. Naging pampalubag-loob sa runner-up ang halagang $20,000.


Nakuntento sa pagsasalo sa pangatlong puwesto sina Russian Kristina Tkach ($12,000) at South Seo Seoa ($12,000) sa prestihiyosong salpukang nasaksihan sa Harrah's Resort.


Binalikat ni Asian 9-Ball Championship winner Chezka Centeno ($6,500) ang pagtataas ng bandila ng Pilipinas nang maging quarterfinalist siya sa paligsahan. Si Fisher ang naging tinik ni Centeno kaya hindi na umabot ang pambato ng Zamboanga sa final 4.


Kasama sa mga dinaig ni Centeno, runner-up sa US Pro Billiards Series: Puerto Rico Open, sina Belarusian Margaret Fefilova (dalawang beses, 7-6 at 9-3), ang Amerikanang si Dawn Hopkins, 7-4, at Rubilen Amit (7-5).


Si dating 2-time World 10-Ball titlist "Bingkay" Amit naman ay umabot lang sa pang-9 na puwesto nang tumiklop ito sa unang sarguhan pa lang ng knockout stage.


 
 

ni Eddie M. Paez Jr. @Sports | January 21, 2023


ree

Ipinakita ni Rubilen Amit ang pormang nagbigay sa kanya ng dalawang pandaigdigang korona nang ilampaso ng Pinay si Ka Kai Wan ng Hongkong at maungusan si Taiwanese Chia Hua Chen sa panimulang sarguhan ng World Women's 9-Ball Championships sa Harrah's Resort ng Atlantic City, New Jersey.


Sumibad si "Bingkay" Amit sa 5-2 na bentahe bago naikandado ang 7-3 na panalo kay Wan sa Table 7 ng paligsahang nagreserba ng halagang $30,000 bilang gantimpala sa sinumang makakaakyat sa trono. Pagkatapos nito ay hindi siya tumiklop sa payanig ni Chen, 7-6.


Hindi naman nagpaiwan ang kababayang si Chezka "The Flash" Centeno na nangibabaw kontra kay Belarusian Margaret Fefilova sa Table 1 sa gitgitang iskor na 7-6 matapos mapag-iwanan sa arangkada (0-4). Sumunod niyang biniktima ang Amerikanang si Dawn Hopkins, 7-4.


Galing si Amit kamakailan sa hindi malilimutang pakikipagsanib-lakas kina Carlo Biado at Johann Chua para maibigay sa Pilipinas ang pinakauna nitong World Team 10-Ball na korona.


Sinikwat ni Centeno ang korona sa Asian 9-Ball Championships (Singapore) at ang runner-up honors ng US Pro Billiards Series: Puerto Rico Open (South America).


Kasama sa mga nakapagposte rin ng kambal na mga panalo sa prestihiyosong torneong may $148,000 prize fund sina defending titlist Kelly Fisher (Great Britain), Pia Filler (Germany), Kelly Fisher (Great Britain), Woojin Lee (South Korea) at Allison Fisher (Great Britain).


 
 
RECOMMENDED
bottom of page